Hindi na bumalik pa ang ex-wife ni Creighton na kinapanatag ng loob ko. Sa totoo nga naaawa ako sa kanya dahil nalulong siya sa isang bagay na hindi nito kayang pigilan. Hindi ko lubos maisip kung may anak silang dalawa. I know na magiging mabuting ama si Creighton, pero pag walang kinagisnang nanay ang anak nila, mahirap ito para sa bata. Mabuti na lanhg talaga at wala silang anak. Kung bakit naman kasi gano’n ang asawa niya. Sabagay, kung hindi ito nagloko, baka wala akong naging chance sa kanya. Ang sarap lang pakinggan na may boyfriend na ko. Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa mukha at napapansin ito ng mga tauhan ng boyfriend ko. Grabe! Ilang beses ko bang sinabi ang word na ‘yon? Basta! Naging magaan na ang loob ko sa mga lalakeng ‘yon at parang naging kaibigan ko na rin. They were

