Mahina akong napatili nang bumuhos sa akin ang malamig na tubig ng shower. Tapos ko na lahat ng gawain ko and it was a good day. Naging maganda naman ang araw namin. Umuuwi na siya sa bahay para mag-lunch. Pero nagbibigay ako ng snacks sa kanya para ibigay sa kanyang mga tauhan. Hindi niya ito nagustuhan ng una, pero ang sabi ko para mas ganahan na magtrabaho ang mga ito. Naiinis man, tinanggap niya rin pa rin ito. So, ginawan ko siya ng extra cookies para lang sa kanya. Gusto ko sana mas nakakasama ko pa siya sa bahay. Ang sarap din niya naman kasing tingnan. Hindi niya siguro napapansin pero sinisilip ko siya mula sa bahay. Nakakatakam ang kanyang mga braso na nagfe-slex sa tuwing may binubuhat siyang mabigat. Minsan nakikita ko siyang naka-shirt less kaya naka-expose ang kanyang kataw

