“Hey, Mia, it’s time to eat.” Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Doctor Landon. Wala ako sa sarili ko ngayon. Lutang na lutang at walang laman ang utak ko kundi ang pinag-usapan namin kanina. Iniisip ko kasi kung pumayag ba talaga ako. Yes, yes, I did dahil kailangan ko talaga ng tulong. So, ano ng mangyayari sa amin? Gagawin ba namin ang bagay na ‘yon, s*x? Dapat nagtanong pa ako, eh! “Mia?” tawag niya ulit sa akin. “Ha? Ah, okay…” sagot ko. Tinigil ko ang aking ginagawa sa laundry room at lumabas na ako. Lumakad ako papunta sa kitchen at hinugasan ko ang aking mga kamay. Tumungo ako sa dining room kung saan nakaupo na si Doctor Landon. Tinapik niya ang kalapit niyang upuan at doon ako umupo. Nagsimula na kaming kumain at pareho kaming hindi nagsasalita. Tum

