CELINE FRANCISCO )
Hindi maiwasan ni Celine na hindi pag masdan ang binata, habang kasabay nito ang mga bata na naglalakad patungo sa park ng Fantasyland, tahimik lang ang dalaga na nakatingin sa likuran ng lalaki.
Nang dahil sa kanyang malalim na pag iisip ay hindi namalayan ni Celine na nasa kanyang tabi na ang binata. Ganun na lang ang kanyang gulat ng mamalayan ng dalaga na nakatingin na sa kanya si Enzo.
"Mukhang malalim ang iniisip mo." Wika ng binata sa dalaga.
"A-ah. Hindi naman may naisip lang ako." balik sagot ni Celine kay Enzo.
"Kung ganun ano naman Yun?" Muling tanong ng binata.
Habang magkasabay ang dalawa sa paglalakad ay mabilis na umiwas ng paningin si Celine kay Enzo. Hindi malaman ng dalaga, kung bakit ganun na lang kabilis ang kabog ng kanyang dibdib sa tuwing malapit sa kanya ang binata.
"Wala Sir. halina kayo naghihintay na yung mga bata sa atin.” Mabilis na lumayo si Celine sa binata at nagtungo sa mga bata na kanina pa naghihintay sa kanila na lumapit. Habang papalapit na si Celine ay sa hindi kalayuan na kinatatayuan ni Chino ay isang lalaki ang kanyang nakita na kanina pa nakatingin sa kung na saan pupunta ang mga bata at si Enzo.
Hindi mapakali si Celine sa tuwing binabalik nito ang kanyang mga mata sa lalaki na nasa likod ng puno, kung saan napansin ng dalaga na nakatingin ito sa kanila. Mula sa lalaki ay unti unti lumapit ang dalaga kay Enzo, upang ipaalam sa binata ang kanyang kaba sa lalaki nakabantay sa kanila.
Nang ipapaalam na ni Celine sa binata ang kanyang napapansin ay muling tumingin ang dalaga sa, kung nasaan ang lalaki. Pagtingin niya dito ay mabilis na hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki, ngunit wala na ito doon.
"May problema ba?" Tanong ni Enzo sa dalaga ng mapansin nito na para bang may hinahanap ito na kung ano.
"Bigla kasi nawala ang lalaki na kanina pa na nasa puno." Wika ni Celine sa binata.
Nang dahil sa sinabi ni Celine ay agad pasimple na hinahanap ng mga mata ni Enzo ang tinutukoy ng dalaga. Ngunit kahit saan siya lumingin ay wala siyang makita na lalaki na kahina hinala sa lugar, muling tumingin ang binata kay Celine na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Ayos ko lang ba?" Tanong ng binata kay Celine. Habang nakatingin si Enzo sa dalaga ay hindi nito maiwasan pigilan ang kanyang kamay, upang wag alisin ang iilan na hibla ng buhok ng dalaga na natatakpan ang maganda mukha nito.
Ganun na lang ang gulat ni Celine ng bigla na lang nito hawiin ang ilang hibla ng buhok na nasa kanyang mukha ng dahil doon ay mabilis na lumayo ang dalaga sa binata at agad na iniwas nito ang kanyang paningin.
“Anong problema? Bakit lumalayo ka?” Muling tanong ng binata dito.
“A-ah. Ayos lang naman ako.” Sagot nito. Halata man ni Celine ang biglang pagtataka ng binata ay isinawalang bahala na lang niya ang kanyang mga nakita sa mukha nito. Habang ang binata naman ay seryoso pa rin sa kanyang sarili.
( ENZO MULTI FALCO )
HIndi maalis ni Enzo ang kanyang mga mata sa dalaga na nasa kanyang harapan, habang inaasikaso nito ang mga bata na busy sa kanilang mga kinakain ay bigla na lang pumasok sa isipan ng binata na ang masayang mukha ng dalaga sa tuwing may mga bagay na nagpapasaya dito. Kahit maliit at simpleng bagay lang ay kitang kita ni Enzo na masayang masaya na ito.
“Kuya Enzo. “ Tawag ni Chino sa lalaki mula sa dalaga ay dahan-dahan inialis nito ang kanyang paningin kay Celine, upang ibaling naman sa batang tumawag sa kanyang.
“Ano yun?” Wika ng binata dito. “ Kuya. Hindi mo ba gusto yang pagkain mo?” Tanong ni Chino sa binata. Agad naman ninitigan ng binata ang kanyang pagkain na binigay ni Celine sa kanya.
“Gusto ko naman, Bakit?” Nang sabihin ni Enzo yun kay Chino ay agad nakita ng binata na nakatingin si Chino sa kanyang pagkain.
“Ito kunin mo.” Wika ng binata kay Chino. “Okay lang ba kuya?” Tanong nito sa lalaki. Habang ang mga mata nito ay nasa pagkain lang at hindi man lang tumingin sa binata.
Nang iabot na ni Enzo ang pagkain sa bata ay agad naman nagpasalamat ito sa kanya. “Salamat, kuya.” Wika nito sa binata.
Matapos kumain at magpahinga ng lahat ay agad sinabi ng binata na maghanda na upang umuwi. Nang marinig ng mga bata ang sinasabi nito ay agad nakita ni Enzo ang pagiging dismaya ng mga ito.
Mula sa mga bata ay biglang tumingin si Enzo sa dalaga na nasa kanyang tabi, pagtingin niya kay Celine ay agad napansin nito na handa na magsalita ang dalaga. Kung kaya bago pa lang ibuka ng dalaga ang mga labi nito ay agad ng nagsalita si Enzo.
“Okay. Maaga pa naman maari pa kayo sumakay sa kahit ano pang gusto niyo, pero pagdating ng alas cinco na kailangan na nating umuwi.” Wika ng binata sa mga ito.
Nang marinig ng mga bata ang sinabi ni Enzo ay agad naman ng paalam ang mga ito, at nagtungo na sa kung saan saan ride at habang nakasandal si Celine sa sasakyan ng binata ay dahan-dahan lumapit si Enzo dito.
"kamusta? nag enjoy ka ba?" Tanong nito sa dalaga. Mula sa hawak na juice ni Celine ay agad napatingin ito sa binata na nasa kanyang tabi. “Ayos lang naman Sir, kaso sigurado ba kayo na okay lang na magpatuloy pa ang mga bata sa kanilang paglalaro dito. Baka kasi busy na rin kayo ngayon.” Wika nito sa lalaki.
“Okay lang naging masaya naman sila.” Naging panatag naman ang mukha ng dalaga ng sabihin ni Enzo ang mga yun dito.
Lumipas ang ilang oras ng makarating sila Celine at ang mga bata sa Villa ng mga Multi Falco. Isa isang hinatid nila Enzo sa kani kanilang tirahan ang mga bata na kanilang mga kasama.
Nang makabalik na sila Celine at Enzo ay agad ng paalam ang dalaga sa binata, upang makapag pahinga na rin ito. Habang papalayo ay agad narinig nito ang boses ng binata na tinatawag ang kanyang pangalan.
"Celine. Ihahatid na rin kita." Wika Ng binata sa dalaga. Agad napalingon ang dalaga sa binata at seryoso na tumingin dito.
"Hindi na kailangan Sir. Alam ko na pagod rin kayo kaya hindi na kailangan ihatid ako mas mabuti pa na magpahinga na rin kayo." Wika nito sa binata.
Ngunit habang nagsasalita pa lang si Celine ay agad na hinila siya ng binata at naglakad papalayo. Ganun na lang ang kaba ng dibdib ng dalaga sa tuwing malapit ito kay Enzo. Nang dahil sa hindi na matagalan ng dalaga ang pagkaka salikob ng kanilang mga palad ay agad na hinila nito ang kanyang kamay mula sa binata.
Nang dahil sa biglang paghila ni Celine ay agad napatingin ang binata sa kanya na may seryong mukha. "Sorry, Sir. Hindi lang ako sanay na may humahawak sa kamay ko.” Wika nito sa binata na agad naman napansin nito, ang pag buntong hininga ng binata. Agad naman tumalikod si Enzo sa dalaga na parang walang nangyari.