ENZO MULTI FALCO ) Habang papalapit si Enzo sa hindi kalayuan puno ay isang anino ang bigla na lang niya napansin at ng dahil doon ay agad itong nagtago at mabilis na posisyon ang kanyang sarili, mula sa kanyang pinagtataguan. Mabilis na hinanap ng kanyang mga mata si Jim na ngayon ay handa na magpaputok ng baril nito. “Jim..” Mahinang pag tawag ni Enzo sa kanyang kasama. Ngunit hindi narinig ni Jim ang kanyang boses at dahil don ay agad nagpaputok ng baril ito. “Jim..!” Muling tawag ng binata sa lalaki. Habang nagpapalitan ang dalawang grupo ng mga putok ng baril ay mabilis na lumipat si Enzo sa kalapit na puno, kung saan malapit lang rin si Jim. “Walang hiya ka Jim. Bakit bigla ka na lang nagpaputok, hindi mo hinintay ang hudyat ko.” Inis na wika ng binata sa kanyang kasama. “Bo

