Chapter 5

1300 Words
( CELINE FRANCISCO ) Mabilis na paglalakad ang ginawa ni Celine ng makapasok siya sa loob ng bakuran ng mga Multi Falco. Habang naglalakad ay dalawa itim na sasakyan ang mabilis na dumaan sa kanyang dinaraanan, ng makita niya ang mga sasakyan na dumaan ay ganun na lang ang pag busangot. "Grabe iba na talaga ang mga tao ngayon ni hindi man lang naawa sa akin. Hindi ba nila alam na napakalaki at napaka lawak ng kalsada na ito. Sana man lang ay naisipan man lang nila na pasakayin ako.” Hindi maiwasan mainis ni Celine ng makalagpas ang mga sasakyan sa kanya na hindi man lang siya pinapasakay ng mga ito. Nang dahil sa inis ni Celine ay hindi nito napansin ang isang sasakyan na paparating mula sa kanyang likuran, kung kaya nong papalapit na ito ay ganun na lang ang kanyang pagka-gulat ng marinig ni Celine ang malakas na busina ng sasakyan na nasa kanyang likuran. Nang mapatingin si Celine sa kanyang likuran ay isang W Motors lykan hypersport ang bigla na lang bumungad sa kanyang mga mata ng dahil doon ay mabilis siyang gumilid sa tabi ng kalsada, upang makaraan ang sasakyan na nasa kanyang harapan. Nang makatabi siya ay unti-unti na rin umandar ang sasakyan mamalayo sa kanya. Ngunti bago pa man makalayo ang sasakyan kay Celine ay isang lalaki ang bigla na lang lumabas sa loob ng sasakyan. “Miss. Halika sumabay ka na sa amin, sa mansion rin naman ang punta mo. kung kaya sumabay ka na.” Nang sabihin ng lalaki yun kay Celine ay agad ito nagpasalamat ito sa lalaki at agad na lumapit siya dito. “Salamat po mga kuya.” Wika ni Celine ng lalaki na nasa kanyang harapan. Matapos makapag pasalamat si Celine sa lalaki ay agad na siyang pinapasok sa loob ng sasakyan nito. Nang makapasok siya sa loob ay ganun na lang ang kanyang gulat ng pagpasok niya ay bigla na lang bumungad sa kanyang harapan si Enzo. Nang dahil sa kanyang pagka taranta ay bigla na lang siya napatuwid ng kanyang pagka kayuko. Kung kaya ay bigla na lang tumama ang kanyang ulo sa kanto ng sasakyan. "AHH.." Mahinang pag daing ni Celine ng makita nito si Enzo na nakaupo sa loob ng sasakyan. "Are you okay.?" Tanong ng lalaki kay Celine. Agad naman sumagot si Celine sa tanong nito. Habang ang palad naman nito ay nasa kanyang ulo. "Okay lang ako Sir." Wika ni Celine ng maramdaman ng kanyang ulo ang unti-unting pagkawala ng kirot mula sa kanyang uluhan. Nang maayos ni Celine ang kanyang pag katayo sa labas ng sasakyan ay muli niya tinignan ang lalaki na nasa loob nito. "Sumabay ka na at sa mansion din, ang punta namin." Nang si Sir. Enzo na ang nag-alok na sumakay ako ay bigla na lang ako nahiya. Ang kaninang pagrereklamo ko na wala man lang na nag-alok ng mang pasakay sa akin ay bigla ko na lang pinang dasal na sana pala ay hindi na lang ako nagreklamo sa aking paglalakad. "Sasakay ka ba?" Tanong ni Enzo kay Celine. Agad naman sumagot si Celine sa lalaki. "Nako Sir. kayo pala yan. Hindi na lang ho, okay na pala na maglakad ako." Matapos sabihin ni Celine yun ay dahan-dahan siya lumayo sa sasakyan. Habang nakatingin sa kanya si Sir. Enzo ay ganun na lang ang gulat ni Celine ng itaas ni Enzo, ang kanyang kanang kamay upang ipaalam sa lalaki na nasa gilid ng sasakyan na maaari na silang umalis. Nang maintindihan ni Celine ang ginawa ni Enzo ay ganun na lang ang kanyang pagkadismaya ng mabilis na umalis ang sasakyan nito sa kanyang harapan. Habang pinang mamasdan ni Celine ang sasakyan papalayo sa kanya ay ganun na lang niya nabitawan ang bayong na kanyang hawak-hawak. Isa’t kalahating oras din ng makrating si Celine sa mismong mansion ng mga Multi Falco. Nang makapasok si Celine sa loob ng kusina ay ganun na lang, kung ibaba niya ang mga pinamili. "Hija..? Abat kung na lang ibato mo ang mga pinamili mo papasok sa loob nitong kusina a." Nang marinig ni Celine ang sinabi ni nanay Lupe ay bigla na lang siya na paayos ng kanyang pagka tayo. "Na-nay. nandito po pala kayo." Wika ni Celine ka nanay Lupe. "Juskong bata na ito, natural alam mo naman na tagaluto ako dito sa mansion." Nang yun ni nanay Lupe agad siyang natauhan sa kanyang tanong dito. “Pasensya na nay, sa tanong ko sa iyo napagod po kasi ako sa paglalakad mula sa entras ng mansion patungo dito.” Nag marinig ni nay Lupe yun ay ganun na lang ang pagkaka gulat ang nakita ni Celine sa mukha nito. “Naglakad ka patungo dito sa mansion?” Tanong nito sa kanya. “Oho, Naglakad ho ako patungo dito.” wika naman ni Celine kay nay Lupe. “Nako Hija pwede ka naman tumawag dito sa mansion, upang napasundo ka.” Nag marinig yun ni Celine ay tuluyan na ito napaupo sa sahig ng kusina. “Ikaw talaga na bata ka, o siya tumayo ka na dyan sa sahig at yang mga pinamili mo ilagay mo na sa loob ng ref.” Nang dahil sa inis ni Celine ay parang ayaw na lang niya umalis sa kanyang kinauupuan. Habang ng aayos nag lamesa si Celine at Erika ay bigla na lang bumungad sa kanilang harapan si Enzo at ang mag asawa na Multi falco. Agad naman bumati ang dalawa sa family at ng isa-isa na umupo, ang mga ito sa kanilang mga upuan at mabilis na inilabas ni nay Lupe at ng iba pang mga kasambahay ang mga pagkain. Habang kumakain ang lahat ay isang pares ng mga mata ang bigla na lang naramdaman ni Celine. Pagtingin niya sa pamilya na nasa hapagkainan ay ganun na lang ang kanyang gulat ng napansin niya na nakatingin si Enzo sa kanyang gawi. Nang dahil doon ay mabilis niya iniwas ang kanyang paningin sa lalaki. “Celine.” Tawag ni Erika sa dalaga. Habang papalapit ito sa kay Celine ay agad nito tinanong, kung ano ang meron sa kanila ni Sir. Enzo. “Anong meron sa inyo ni Sir. Enzo, bakit ganun na lang siya makatingin sayo?. Wika ni Erika kay Celine. Habang pinakikinggan ni Celine si Erika sa mga sinasabi nito ay agad inihinto nito ang kanyang paghuhugas ng mga plato at tumingin dito. “Kung ano man ang iniisip sa amin ni Sir. Enzo ay mas mabuti na itigil mo na yan bago pa malaman niya ang mga yan, at baka mapasama pa tayo dyan.” Matapos sabihin ni Celine kay Erika ang mga yun ay agad na rin ito huminto sa kanyang pagbubuyo. Kinagabihan ay maaga natapos ang lahat sa kanilang mga trabaho. Nang nasa loob na ng kani kinilang mga kwarto ang lahat ay pinag pasiyahan ni Celine na lumabas muna ng kwarto, upang makapag pahangin sa bakuran ng mga Multi Falco. Habang papalabas ng mansion si Celine ay ilang mga boses ang kanyang narinig sa hindi kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan. "Kamusta ang pinag uutos sa inyo ni Sir. Enzo?" Narinig ni Celine mula sa isa sa mga lalaki. "Maayos na naman natapos ang lahat na walang naging problema." Sagot naman ng isang lalaki. Habang ng uusap pa rin ang mga lalaki ay agad na umalis si Celine sa kanyang kinatatayuan. Nang tuluyan na siyang makalabas ng mansion ay isang kakaibang kaba sa dibdib ang bigla na lang niya naramdaman. Agad napating sa paligid si Celine. Habang pinang mamadan niya ang madilim na paligid ay isang kalusko ang kanyang narinig, agad siyang napatingin sa kung saan nanggaling ang kaluskos na iyon. Habang tinititigan ni Celine, kung anong meron sa madilim na parte ng kagubatan ay isang pares ng sapatos ang bigla na lang nakita ng kanyang mga Mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD