( CELINE FRANCISCO )
Bigla na lang nagtaka si Celine sa naging sagot ni Enzo sa kanilang harapan.
"Hindi man lang naisip nito na kasama ko. Ang aking mga magulang." Wika ni Celine sa kanyang isip.
"Sir. Pabalik nga ako sa Villa, binisita ko lang yung mga magulang ko." Nang sabihin ni Celine yun kay Enzo ay agad na nagbago ang expression ng mukha ng binata at agad na napatingin ito sa mga magulang ni Celine.
Nang makita ni Enzo ang ama at ang ina ng dalaga ay agad na lumapit ito at ng bigay galang sa mga magulang ni Celine. Ganun na lang ang gulat ni Celine ng mag mano si Enzo sa kanyang mga magulang.
“Magandang umaga po.” Pagbibigay galang ng binata sa kanyang mga magulang.
Nang dahil sa ginawa ng binata sa harapan ng kanyang mga magulang ay bigla na lang nagbago ang kanyang exprison sa binata. Ang kaninang nakakainis na pag sagot nito sa kanyang harapan ay bigla na lang napalitan ng pagtataka.
"Anong masamang hangin ang bigla na lang dumapo sa isang ito at ganun na lang ka bilis magbago ang kanyang expression, ng malaman niya na nasa harapan nito. Ang kanyang mga magulang." Tanong ni Celine sa kanyang sarili.
"Nay. Mauna na po kami ni Sir. Enzo, may lakad pa po kasi si Sir, at nag papasama po siya sa akin." Wika ni Celine sa kanyang mga magulang kahit ang totoo ay hindi naman talaga nagtanong ang binata sa kanya, kung magpapasama ba ito.
Nang makapag paalam na rin ang binata sa mga magulang ni Celine ay agad na rin sumakay ang dalawa sa loob ng sasakyan ni Enzo.
Ganun na lang ang gulat ng dalaga ng makita niya sa loob ng sasakyan Ng binata ang mga bata kasama si Chino.
"Ate Celine..!!"
Malalakas na tawag ng mga ito sa pangalan ng dalaga.
"Chino? Anong ginagawa niyo sa loob ng sasakyan ni Sir. Enzo.?" Tanong ni Celine sa mga bata na nasa loob ng sasakyan.
"Kasi ate Celine, Si kuya Enzo. Pinang paalam kami sa mga magulang namin." Wika ni Chino sa dalaga.
Agad na napatingin si Celine sa binata na ngayon ay nasa kanyang tabi.
"Hindi ka pa ba papasok sa loob ng sasakyan?" Tanong ng binata sa kanya.
Nang marinig ni Celine ang mga sinabi ni Enzo ay walang pag dalawang isip na binuksan nito ang pintuan ng sasakyan, ng papasok na ang dalaga sa loob nito ay muling ng salita si Enzo.
"Dyan ka ba talaga uupo." Tanong ng binata kay Celine.
"A-ah."
"Dito ka sa harap, Gagawin mo pa akong drive. Kung dyan ka uupo sa tabi ng mga bata."
Bigla na lang namula ang mukha ni Celine ng bigla rin sumagi sa kanyang isip ang kanyang ginawa.
"Tama nga naman ang binata, gagawin ko itong drive. Kung salikot ako uupo kasama ng mga bata." Wika ni Celine sa kanyang sarili.
Ganun na lang ang pagsaway ng dalaga sa kanyang sarili ng hindi rin niya naisip ang magiging situation ng binata.
Nang makasakay na si Celine ay agad na rin sumunod si Enzo, upang maalis na silang lahat. Nang tataka man si Celine, kung bakit kasama ng binata ang mga bata.
Habang patuloy pa rin na nagmamaneho ang binata ay agad napansin ng dalaga ang lugar na kanilang dinaraanan.
"Ate Celine." Tawang ng mga bata sa dalaga.
Agad naman napatingin ang dalaga sa mga bata na nasa kanyang likuran, at ng makita ni Celine ang mga ito ay ganun na lang kung kuminang ang mga mata ng mga bata na nasa kanyang tabi.
"A-ah yun? Chino." Tanong ni Celine kay Chino.
"Ate diba papunta ito ng Fantasyland" Wika ni Chino kay Celine.
"Oo. Doon nga ito papunta Chino."
"Kung ganun ate Celine, doon ba tayo pupunta ni Kuya Enzo?" Agad napatingin si Celine sa binata, upang alamin dito. Kung doon nga ba ito ipupunta ang mga bata.
Ngunit kahit na tumingin man lang ang binata sa kanyang gawi ay Hindi man lang ito tumingin kay Celine.
Kung kaya muling ibinalik ng dalaga ang kanyang paningin sa mga bata na kanina pa naghihintay ng kanyang sagot.
"Mga bata. Hindi kasi alam ni ate Celine, kung doon nga ba tayo pupunta." Wika ni Celine sa mga bata na nasa kanyang tabi.
Matapos sabihin ng dalaga yun ay bigla na lang nanahimik ang mga bata na nasa kanyang tabi at ng balikan ang mga ito sa kanilang mga upuan sa loob ng sasakyan ng binata.
Habang tahimik ang lahat ay bigla nalang nagsalita si Enzo.
"Sa Fantasyland tayo pupunta." Wika ng binata sa mga bata.
Nang marinig ng mga ito, ang sinabi ni Enzo ay ganun na lang ang tuwa ng mga bata ng malaman ng mga ito. Kung saan sila dadalhin ng binata.
"Kuya Enzo. Totoo po ba na dadalhin niyo po kami sa Fantasyland?" Muling tanong ng isang bata kay Enzo.
"Oo. Bakit ayaw niyo ba doon?" Tanong ng binata dito.
"Hindi po. Gusto po namin doon magpunta." Sabay sabay na sagot ng mga bata.
Nang makarating na ang sasakyan ng binata sa parking lot ng Fantasyland ay agad naman ng sibabaan ang mga bata sa loob ng sasakyan.
"Ate Celine. Pwede po ba kami sumakay sa kahit anong rides dito sa Fantasyland." Tanong ni Chino kay Celine.
Agad naman sumagot ang dalaga dito. "Chino. Hindi ko alam Kung pwede mo masakyan ang lahat ng mga ride dito." Wika ng dalaga.
"Pwede niyo sakyan ang lahat ng gusto niyo dito." Agad naman napatingin ang dalaga kay Enzo ng magsalita ito.
"Siguro ba kayo dyan Sir.?" Tanong ni Celine dito.
"Oo. Pinunta ko kayo dito. Para ma enjoy naman ng mga bata ang mga rides dito."
Nang dahil sa sinabi ng banata ay agad naman narinig ni Celine ang mga hiyawan ng mga bata na nasa kanilang harapan ng banata.
"Ate Celine. Unahin natin sa roller coaster." Wika ni Chino kay Celine.
"Hindi unahin natin yung Carousel, at ang susunod naman yung mga games." Biglang singit ng isang batang babae.
Nang dahil sa narinig ni Chino ay agad naman itong ng salita.
"Cha-cha. Mas okay unahin natin yung mga rides na existing."
"Diba dapat yung mga rides na hindi nakakatakot muna ang unahin natin. Pag ang mga nakakatakot na rides na ang inuna natin baka hindi na natin masakyan yung iba pa." Mahabang wika no Cha-cha kay Chino.
Nang dahil sa sinabi ni Cha-cha ay agad naman sumang ayon ang iba maging si Chino ay walang nagawa upang tumanggi sa gusto ng kanyang kaibigan.
"Ate Celine. Halika na puntahan na natin ang Carousel." Wika ni Cha-cha at agad nitong hinila ang kamay ng dalaga upang samaham ang mga ito, kung nasaan ang carousel na tinutukoy ng mga ito.