Kabanata 69 Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung totoo ngang nakita ni Uno ang mommy niya. Dapat ba akong matuwa dahil magkakasama na silang muli o dapat akong matakot dahil baka mawalan ako ng puwang sa bahay ng mga Silvestre? Iyon ang naging laman ng isipan ko buong oras na magkasama kami ni Uno at Ma’am Antonette. Hindi ko magawang hindi ‘yon isipin dahil sa namamagitan sa amin ni Sir Alonzo. Hindi rin mawala sa isipan ang posibilidad na baka magkabalikan silang mag-asawa. Alam kong walang-wala akong laban kapag nangyari ‘yon dahil hindi ako ang dinala sa altar at pinakasalan. “Ligaya, nami-miss mo na naman ba ang mga magulang mo?” tanong sa akin ni Ma’am Antonette nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate ng mga Silvestre. “Kanina ka pa tila wala sa sarili mo, ah?” Isa

