Ligaya’s Point of View Kanina pa ako palakad-lakad sa venue at sinisiguradong nakahanda na ang kailangang ihanda. Alam kong may organizers na sa event, pero gusto ko lang talagang maging hands-on sa napakaespesyal na araw na ‘to. “Pangga...” natigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Alas. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang lumapit siya sa akin. “Let the organizers handle everything. Kaya nga tayo nag-hire ng mag-o-organize ng party para hindi ka ma-stress. But look at you now...” “Pangga, hayaan mo na ako. Hindi ako mapakali, eh. Ayoko rin namang umupo lang at walang gawin,” paliwanag ko sa kanya. “Hindi ko naman sila pinapakialaman. I am just checking out kung nagawa na ba nila ang mga dapat gawin.” “Baka makasama kasi sa babies natin,” aniya at mabilis kong tinakpan ang bibi

