R18 FANTASY AMARA felt like her heart was torn into pieces. Parang may pumipiga roon at hindi siya makahinga. Tila nabalutan din siya ng mahiwagang usok nang magtama ang tingin nila ng estrangherong lalaking iyon. His eyes. His face. His lips. And the way he looked straight into her eyes. Those eyes quickly penetrated her soul. Hindi siya maaaring magkamali. Siya ang lalaki sa kanyang panaginip. Bigla itong kumilos palapit sa kanya. Naestatwa na lamang siya nang maramdaman ang yakap nito. Wala siyang naramdaman na takot o pandidiri nang yakapin siya nito ng sobrang higpit na halos ikapigtal na ng kanyang hininga. Para pa ngang nakadama siya ng pangungulila. Kaya nang pagmasdan nito ang kanyang mukha ay tuluyan na siyang napaluha. Walang salitang makapagpapaliwanag ng nadarama niya

