AMARA woke up when she smells a sweet aroma by her side. When she opened her eyes, she found herself on the same nipa hut. Hindi gaya ng nasa panaginip niya na tila isang mansyon. Siya raw ay nasa napalalaking hardin na punong-puno ng mga bulaklak na kakulay ng araw. Bumangon siya at nakita ang maliit na kahon sa gilid ng kama. Nakatali iyon ng kulay rosas na ribbon. Tila isang regalo. She decided to open it and found a chocolate cake with strawberry on top of it. Kaarawan kaya ni Ka Julian o ni Totoy? "Ate Amara!" Dumungaw ang ulo ni Totoy mula sa pintuan. "Iniwan po iyan ni Kuya Jace kagabi. Para sa 'yo raw. Wala raw ganyan sa kaharian n'yo." Kumunot ang noo niya. Kaharian? Saka niya naalalang isang sirena ang tingin nila sa kanya. Wala naman siyang buntot, ah. At hindi naman malansa

