Returned AMARA didn't have the appetite for their dinner. She told Jace she wanted to go back to their room and sleep. "Nagtatampo ka pa rin ba wifey, dahil iniwan kita kaninang umaga para ipasyal ang mga Cebuanang iyon? Kaya ba namasyal ka na lang mag-isa at tinaguan ako?" "Jace, hindi kita tinaguan." Hinubad niya ang suot na bestida. Gusto niyang muling magbabad sa bath tub at doon mag-isip. "Alam kong trabaho mo iyon," dugtong pa niya. Bigla nitong hinila ang kamay niya kaya nawalan siya ng balanse at parehas silang napahiga sa kama. Kung kailan lang ay nagtatawanan na sila sa gayong simpleng pagkakataon, ngayon ay tila walang gana si Amara. Hindi niya maiwaglit sa kanyang isip ang anyo ni Theo nang iwan niya kanina. Sumunod pala ito sa kanya kaya ang galit at sakit sa mga mata ni

