SHATTERED THE sun was not too hot yet brightly enough to lighten Jace and Amara while having a picnic under the tree. Nakahiga si Jace sa mga hita niya habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang malambot nitong buhok. "Nakausap ko na si Father Jaime. Siya ang magkakasal sa atin. Hindi nga siya makapaniwala na seryoso ako." Bahagyang tumawa si Jace. Napatingala si Amara. Naglipana ang mga ibon sa himpapawid. Tila sila isang grupo na sabay-sabay na lumilipad patungo sa isang destinasyon. Malayang lumilipad kahit gaano pa kalakas ang hangin ay kaya nilang salubungin. Pumayag siya na makasal kay Jace. Masaya siya. Alam niya kung gaano nag-uumapaw ang kaligayahan sa kanyang puso. Naroon pa rin ang pangamba niya ngunit katulad ng mga ibon, handa siyang liparin ang patungo kay Jace gaano

