Chapter 2: I hate him

3108 Words
Claudie Nang maka-uwi ako sa bahay naglakad ako patungo sa malaking sala namin at nanghihinang naupo sa sofa. I can't believe it. I knew how attractive my best friend is and i know how many guys wanted to date her but this is completely something else. What happened tonight is my devil call. Na marami talaga ang sira ulo sa mundong kinakagalawan natin. He's insane. That guy is sick. "Claudia, hija! Gabi na ha, bakit ngayon ka pa lang nakaka-uwi?" Nag aalala na sabi ni nay Esmeralda ang nag-iisa naming katulong sa bahay, "Kaninang sinundo ka ni Badong ang sabi niya wala ka raw da eskwelahan niyo. Kabadong-kabado ang bata dahil baka mapagbuntungan ng galit nang iyong kuya." "Sorry po, nay Esme pinag-alala ko kayo. Magso-sorry rin po ako kay kuya Badong mamaya for the inconvenience." Mahina kong bulong. I'm so tired. My head is spinning. "Ayos ka lang ba, anak?" Tanong ni nanay at hinawakan ako sa leeg. "Inaapoy ka ng lagnat!" Sabi niya, "Anong masakit sayo anak? Hala teka at tatawagan ko ang iyong doctor. Halika Claudia, iaakyat kita para makapag-pahinga ka. Jusko, ano bang nangyayari sa ire?" Pailing-iling na sabi nito habang inaakyat ako. Ako naman ay sumunod na lang sa kanya. Dahan-dahan akong naglakad kasi hilong-hilo na talaga ako at nararamdaman ko ang init ng katawan ko. "Inumin mo ito." inabot ni nanay yung gamot ko at tubig. Nang maiakyat ako ay bumaba siya para kumuha ng gamot. Meron na rin siyang bitbit na thermometer at fever patch. Tatawagan na sana niya ang doctor pero umiling-iling ako, ang sabi ko ayoko. Hindi siya nakinig pinagbantaan pa ako at ginamit ang pangalan ni kuya na ikinatatakot ko. Nang natapos akong tingnan ng doctor ay lumabas na sila nay Esme para ihatid ito palabas. Ako na lang mag-isa ang nasa kwarto. Iniisip ko pa yung lalaking baliw kay Reyna. This is bad. This is really bad. I don't want for Reyna to end up with someone so obsessed with him kasi hindi mo alam ang mangyayari. Something bad could happen to my best friend if she chose him. I could see it. Those bloody eyes. Ipinikit ko ang mata ko nang mapansin ang yabag ni nanay Esme, this time she's with someone. "... Caleb, nasa tamang edad na siya. Kaya niya nang gumawa ng sariling desisyon." pangaral nanaman ni nanay kay kuya Caleb. My guardian and my brother. But for me, he's more like a stranger. Wala siya lagi sa tabi ko dahil nagtra-trabaho siya kaya kami lang ni nanay Esme ang magkasama. Wala na ang mommy at daddy namin. My brother said they died because they love each other too much. I heard the door opened. "No. Look at her. Her body is so weak, nanay, kailangan ko siyang tingnan nang maigi. What if i homeschool her? Marami akong kilalang tutor na matutulungan siya sa studies niya and about her health, i could hire a nurse to look after her—" Again with that. "Hindi niya magugustuhan yan, Caleb at alam mo yan." Parang natauhan si kuya. I heard my kuya sighed, "I don't know what to do, nay. I don't know what to do. Gusto ko siyang itakas palayo sa mundo, this ugly and cruel world. She doesn't deserve this." "Calm down and think, Caleb. Tyaka mo na harapin ang kapatid mo kapag matino na ang iyong pag-iisip." Tapos narinig ko na lang na sumara ang pinto, akala ko lumabas na sila kuya—si nanay lang pala. Naramdaman kong bumaon yung foam sa tabi ko tapos kasabay ng pag tabig ng buhok na naka harang sa mukha ko at inipit sa tenga ko. "Claudia... Please, don't be mad at me. I'm only doing this for you. Please..." tapos naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko, Kasabay ng pag patag ng foam at pag sara ng pintuan. Minulat ko ang mata ko. Hindi pa rin ako papayag na mag homeschool na naman ako. From nursery to elementary i've been homeschooled, my brother rarely gets home kaya minsan lang rin ako makalabas kasama niya tapos ikukulong niya na naman ako? Not gonna happen. This is just a glitch, ayos lang talaga ako. He doesn't need to be overprotective, i can take care of myself just fine and I'm going to show it. I'm gonna show him how i can handle myself just fine. "Good morning, nay Esme." Malumanay na bati ko kay nanay at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning din kuya." I greeted and also kiss both of his cheeks. He only nodded his head at me, hindi man lang ako tinatapunan ng tingin dahil sa dyaryo na binabasa. Naupo na ako sa upuan ko katabi lang ng kay kuya, nanay Esme also put my plate and utensils at naupo sa harap namin ni kuya tyaka kami sabay-sabay kumain. "Oh, Claudie? Mukhang maganda ang gising ah? Are you feeling better, anak?" Tanong ni nanay Esme. Nakangiti naman akong tumango, "Yes po. The medicine and the fever patch really works, I'm feeling better than ever." Sagot ko, pinarinig kay kuya na hindi ko na kailangan bumalik sa pagiging homeschooled. "That's good." Walang kaemo-emosyon na sabi ni kuya Caleb. I nodded my head. Bumuntong hininga si kuya at ibinaba ang dyaryo. "So... How are your studies lately." Tanong nito. I grinned. It's my time to shine. "My grades are higher than the ordinary students daw po. I'm doing great at philosophy and 21st literature, tyaka ang sabi ng mga teacher kung ipinagpatuloy ko pa malaki ang tyansa na makakuha ako ng scholar." Nakangiti kong sagot. "How about statistics? Having trouble?" Er. "No... Not really. It's just hard to understand but I'm still doing my best." Sabi ko at nagbaba ng tingin. Papagalitan niya ba ako? "That's great. I'm happy that you're excelling your academic performances, kung may hindi ka maintindihan sa mga subjects you can come to me." What? Did he really say that? Nagtaas ako ng tingin at tumingin sa kanya na hindi makapaniwala. Tumingin din ako kay nanay Esme para magtanong kung totoo ba to at natatawa naman siyang tumango. "Talaga?!" Masaya kong tanong. Does that mean hindi na ako babalik sa homeschool? "Yes. Have i ever lied to you?" Paulit-ulit akong umiling, "No!". "Good. Now, finish your breakfast para maihatid na kita." Sunod sunod ang subong ginawa ko dahil sa sobrang saya. Nang matapos ko ang pag kain ko inayos na ni nanay at naglakad na kami ni kuya patungong garahe. Kuya said siya daw ang maghahatid sa akin ngayon dahil nagre-rest si kuya Badong. I agreed naman because he deserve it. "Claudia." tawag ni kuya kaya nilingon ko siya. "May manliligaw ka na ba?" nabigla naman ako sa tanong niya. Why would he ask something like that? "A-ano? Wala akong oras sa mga ganun no." sagot ko naman at itinago ang pamumula ng pisngi ko gamit ang ilang hibla ng buhok ko. This is truly embarrassing. Me? Magkakaroon ng manliligaw? Si Reyna lang meron nun dahil sobrang ganda niya! "Then who's that guy?" Tanong ni kuya habang nakatingin sa gate. And then there i saw him. The guy i met last night. Naka ngiti nga siya habang kumakaway sa akin. Agad naman akong naglakad papalapit sa kanya at binuksan ang gate. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang binubuksan ang gate. "Well...we didn't have our introduction last night so i'm here to introduce my self.... I didn't know you're this rich?" sagot niya at inilibot ang tingin sa malaking bahay namin at sumilip pa sa loob. "Hey there, boy." bati ni kuya sa walang emosyon na boses habang papalapit sa amin at naka bulsa ang mag kabilang kamay. Ngumiti lang ang lalaki dito but kuya remain his emotionless face. "Hi sir, my name is Ae Jakarta Lacisid but you can just call me Ajaks." He introduced. Tumango lang si kuya mukhang walang balak magpakilala. "What's your relationship with my sister." I gasped kaya napatingin sakin silang dalawa. It may seem dramatic but kuya shouldn't ask something like that! Especially to this guy. Ngumiti si Ajaks, "We were a strangers last night so i came here to introduce myself formally." Sagot nito. "You stalked her?" Magkadikit ang kilay na tanong ni kuya. "No, sir." "Then how did you know where she lives?" "I asked around the place, sir." Of course, he knows my name. And i wouldn't be surprised to figure na malalaman niya kung saan ako nakatira. Bumaling naman si kuya sa akin. "You know him?" I glanced at Ajaks direction before answering my brother, "Yes po." Tumango siya ang get his keys in his pocket. "Male-late na kayo. Ajaks, sabay ka na sa amin." sabi ni kuya at sumakay sa Mercedes niyang sasakyan. Tumingin naman sa akin si Ajaks bago sumakay na kaya wala akong nagawa kundi ang sumakay na rin. "By the way..." panimula ni Ajaks before handing me a few candies. Nagtatanong naman akong tumingin sa kanya. He didn't bother explaining why he's giving me candies so i just thanked him. "Thanks." Bulong ko. Linapit niya naman ang bibig sa tenga ko at bumulong. "You better thank me. Binuwis ko ang buhay dahil diyan." bulong niya. Tumaas ang kilay ko. For a few candies? Tapos ay may biglang tumikhim. "You can say it out loud, right? No need to tell in whisper?" may halong sarcasm ang pananalita ni kuya. Agad naman nilayo ni Ajaks ang bibig niya sa tenga ko at ngumiti. Wala na akong sinabi pero tinapunan ko lang ng tingin ito bago pinasuot samin ni kuya ang seatbelts. "Salamat po." naka ngiting pasasalamat ni Ajaks nang makababa kami sa kotse. Tumango lang si kuya at tumingin sa akin. "Be a good girl okay? I'll come and get you again tonight." Umiling ako, "You don't have to po. Kaya ko naman pong sumakay ng jeep and i know you're busy man." Parang hindi pa kumbinsido si kuya pero di nagtagal tumango rin tyaka sinabing aalis na. "Aw. What a good girl you are." Ngisi ni Ajaks while tilting his head at me while cooing. "Shut up." Naglakad na ako papasok ng campus, he followed. "He's quite intimidating." I heard him whisper. "Yeah." i snorted. We walked in silence until i broke it. "Do you really like Reyna?" paninigurado ko. Reyna is important to me. She's my very closed friend and i know how dangerous this guy is. Agad naman sumama ang timpla ng mukha ni Ajaks. "Take a wild guess." "Kailangan ko lang siguraduhin. I'm her best friend and it's my right to warn you that your obsession will be the one to put her in danger." seryoso ko namang paliwanag. Napatiim bagang siya. "And? Do you think i wanted to hear that from someone like you? I know what I'm doing and the thing you call obsession? That's love to me." I could feel his glare burning my skin. The worst thing about this is he defines his doings as love. Now how can I correct that? "You don't know what you're doing..." Binalik ko sa kanya ang masamang tingin niya. "Claudie!" naagaw naman ng atensyon namin ang isang matinis na tili. Agad na napa ngiti si Ajaks at ako naman ay kumunot ang noo dahil sa lakas ng boses nitong babaeng ito. Ano na naman kaya ang meron? "Ulap, oh Ulap!! Oh my god! You won't believe this, Ulap! Do you know Ralph? The guy who's known for his harrassment? He's dead." I blinked twice. Is that a good news or a bad news? "Who's Ralph?" tanong ko. "Ralph. Yung lalaking manyak na humipo sa legs ko at pumalo sa pwit mo." pag papaalala naman ni Reyna. Oh... That p*****t. Napansin kong dumilim ang mukha ni Ajaks pero meron pa rin itong ngiti sa labi. He looks weird. And remembering how obsessive he is to Reyna, i shivered. Is it possible that... Paulit-ulit akong umiling. No, he's still in highschool for goodness, why would he do such thing? He wouldn't. He shouldn't. Napatingin ako ulit kay Ajaks na nakatitig lang kay Reyna. He did. "I think he shouldn't die like that." hindi mapigilang kumento ni Reyna. "And why is that?" Sabat ni Ajaks. Tinitigan muna ni Reyna si Ajaks at parang nagulat pa dahil siguro hindi niya ito napansin. "Well..." Sagot ni Reyna na tumingin muna sakin, "Death is something you shouldn't take lightly. If he's still alive then he could take it a chance to change." "You believe someone like him could change?" Napatitig kaming dalaw ni Reyna sa kanya. His eyes are livid. Umiling siya bago bumalik ang dating maamong mukha. "I'm sorry." Paghihingi niya ng tawad. Tumango naman si Reyna. Me on the other hand clench my fist. This is really bad. "Oh, by the way it's my first time seeing you here. Are you new?" Masiglang tanong ni Reyna. Ajaks was taken aback by Reyna's sudden change of mood bago sumagot. "Hindi, uhm hindi lang talaga ako madalas gumala dito." Iling niya. "Oh. What's your name? I'm Reyna by the way, Ulap's bestfriend." Ngiti niya, she also offered her hand to him. "I'm Ae Jakarta... Ajaks na lang." There's a hint of redness across his cheeks. "Nice name, Ajaks!" Sabi niya bago tumingin sa relo, "Oh, shoot i need to go! Bye, Ajaks! Nice to meet ya," sabi nito bago bumaling sakin. "And Claudie, don't forget! I'm counting on you!" Kaway nito bago nagmamadaling tumakbo. "Don't forget what?" Baling ni Ajaks sakin. Tinaasan ko naman ng siya ng kilay. "Why are you so feeling close?" Tanong ko. Tumaas rin kilay niya, "Bakit you're so conyo?" Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na papunta sa unang klase ko. Pero nagulat ako nang makitang sumusunod rin siya. "Bakit ka ba nanggugulat?!? At sinusundan mo ba ako?!" inis kong bulyaw sa kanya. He looks at me weirdly before entering the room. Kaklase namin siya? Bakit hindi ko alam? Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa pintuan basta napansin ko na lang na pumasok na si sir Eros teacher namin sa statistics kaya dali-dali na akong pumasok. "Okay, class let's begin." At tinuon ko na ang buong atensyon sa pakikinig. I will ace this class at makaka-abot pa ako sa college. That's a promise. "Claudie, ano ang kailangan mo?" tanong ni ma'am padilla nang bumisita ako sa opisina niya. "Ma'am, pwede ko po bang makuha ang mga documents ni a-ahmm...Ae Jakarta?" tanong ko. He has a very weird name. "Ae Jakarta?" tanong ni ma'am Padilla. Tumango ako. "S-siya lang po ba ang nag iisang 'Ae Jakarta'?" sana siya lang. Natawa naman si ma'am Padilla. "Yes." she answered kaya napa buga ako ng hangin. "He's from my previous class before. He's very diligent and hardworking." Nagpapasalamat talaga ako sa daddy o mommy niya dahil naisipan nilang Ae Jakarta ang pangalan niya. Bukod sa napaka weird, unique rin naman eh. "Can i borrow it, ma'am Padilla? Please?" i need it. I have to be careful around him. Napa iling iling naman si ma'am. "Just make sure na ibabalik mo ang mga documents ng kumpleto." bilin niya sa akin habang hinahanap ang folder kaya tumango na lang ako. "Here it is." bulong niya ng mahanap iyon tapos ay ibinigay niya agad sa akin. I thanked her at umalis na. Pupunta muna ako sa sarili kong tambayan para doon basahin ang mga document. Ang tambayan ko ay nasa east wing, building A-A doon sa madamo at may malaking punong narra na naka tanim. Ng marating ko ang tambayan ay ibinaba ko ang bag ko at pasalampak na umupo sa damuhan at sumandal sa puno ng narra. Birth certificate -Name: Lacsamana, Si-saya A.- -Birth date: October, 11, 1999- -Mother: Kelsy Lacsamana- -Father: Si-ya Lacsamana- -Only child- Ng matapos kong basahin ang birth certificate niya binasa ko naman yung life status niya, And it says wala na ang mommy at daddy niya. The end. Yun lang ang naka sulat. Parang nabitin ako. Paano ko malalaman kung ano talaga siya kung wala siyang kadokumento? Naiinis kong sinarado ang folder at nahiga na lang sa damuhan. He's obsessed with my only bestfriend, if something happened around us hindi ko alam ang gagawin ng kuya ko. He'll surely take me away from here at ikukulong ako kung saan ang tingin niya ay ligtas. Ayoko ng ganun. I'm not coming back from where i was before. I want to be free. And I'll make sure to stay it that way. Dahan dahan kong ipinikit ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang buksan ko ang mga mata, nandiyan na ang buwan. Ilang oras akong naka tulog? Tiningnan ko ang orasan ko at laking gulat ng 7:53 pm na. Puta! May mga miscalls rin sila Reyna at worst si kuya! 35 miscalls kay Reyna at kay kuya naman ay 123. I'm doomed. Dali-dali kong nilagay ang folder sa bag ko at isinuot yun saka tumakbo nang mabilis. Ito na ata ang pinakamabilis na takbo na ginawa ko buong buhay ko. Pero bumagal naman agad nang maalala ko kung gaano ako kasakitin. Kasalukuyan akong tumatakbo sa hallway ng building A-east nang maka rinig ako ng malakas na ungol. What was that? Nagsisitayuan na ang balahibo ko nang umalingawngaw na naman ang malakas na ungol. Papalapit ako ng papalapit sa pinag-gagalingan nito. I don't want to look if something is really there pero my curiosity is taking all over me. Could it be? May multo ba dito? Wala na akong nagawa at pumunta sa pinanggalingan ng mga ungol. Pambabae ang boses, whitelady siguro. I sighed and silently walk. Papalapit ako ng papalapit sa pinanggagalingan ng mga ungol at palakas iyon ng palakas na parang nahihirapan sjha. Nang marating ko ang pinto ay dahan-dahan akong sumilip. Sana hindi ko na lang pinakinggan ang utak ko. Sana hindi ko na lang nakita iyon. Malaki ang pag sisisi ko nang makita ko ang hindi ko dapat makita. It was something that i didn't expect I'll see from anyone. It was something I'd never expect to see from him. From him who declared his love over my bestfriend and the guy who's obsessed over her. I didn't expect him to see doing something with another woman. "Harder, harder, harder." the woman chant, habang mas binilisan pa niya ang pag galaw. "Don't squeeze too hard." he growled. Parang napigil ang paghinga ko habang pinapanood sila. And then bigla siyang tumingin sa pinagtataguan ko kaya nagulat ako at napaatras. Napansin niya ba ako? Umiling-iling ako bago tumakbo palayo. I gotta get out of here. I don't want to see that guy ever again. He's stupid. He's irritating. He's weird. He's insane. He's a damn psychopath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD