"Clara... Miss Clara. Gising po. Binabangungot ho kayo." Balikwas akong napabangon at mabilis na hinahabol ang hininga. Na patingin ako sa maid na nasa tabi ko na, hinihimas niya ang likod ko na habol pa rin ako sa paghinga. Ramdam ko rin ang pawis ko at init kahit na nakabukas naman ang aircon. "Ms. Clara, ok na po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng maid sa akin na halos kasing edad ko lang siya. "Kanina pa po kasi kayo pinapatawag ni Nanay Violeta. May pasok " aniya, na si Manang ang tinutukoy. "Pakisabi na lang kay manang na bababa na lang ako." Nginitian ko siya bago hinawi ko ang buhok saka ngitinian siya. Nang makalabas siya ay umalis na rin agad ako sa kama at kumuha ng damit para maligo. Saglit lang akong naligo bago lumabas at para ayusin ang mga gamit ko. Pagkababa ko ay

