Chapter 30

2129 Words

""SABIHIN mo na kasi kung sino!" Iniyugyog ko sa abot ng makakaya ko si Ian. "Kanina ang tapang-tapang mo pang umamin, bakit biglang umurong!" Kanina ko pa siya kinukulit na sabihin kung sino ang humalik sa akin noong nasa bar kami. Ngayon para na siyang hindi mapakali at nakaupo lang na parang walang kasama kung makatingin sa mga nadaan sa amin. Nasa loob pa rin kami ng 7-Eleven. Ok nang ma-late akong umuwi, hindi naman ako mayayari, tabi lang naman ng subdivision namin ang 7-Eleven. "Pwede bang huminahon ka muna?" Ngumiti siya bigla ng nakakaloko bago ituon ang kanang siko niya sa lamesang nasa gitna namin at ang isang kamay ay hawak ang ice cream. "May hinihintay lang akong umalis." Sabay tikim niya sa ice cream niya. Ginaya ko rin siyang ituon rin ang siko pero sa akin ay parehas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD