"DOON naman tayo. Last na." Aya ko kay Dean at tinuro ang fun house kung saan pwedeng maglaro. Nilingon ko si Krisha sa likod. "Krisha doon naman tayo!" Hindi ko na hinintay ko pang magsalita si Krisha nang higitin ko na si Dean papunta sa dulo, sa fun house. "Dito ka na muna, Babe. I have to buy tokens so we can play." Sabi ni Dean. Agad rin naman akong tumango at inalis ang pagkakahawak sa braso niya. "Dito lang kami." Sinundan ko nang tingin si Dean bago ko lingunin si Krisha na nakasandal lang sa pader bago pumasok. Nilapitan ko siya roon nang may ngiti sa labi. "Ok ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Nang hidni siya sumagot ay humawak ako sa braso niya. "Sorry... Don't worry, last na 'to." "Max, anong oras ba tayo uuwi? Kanina pa tayo pa-ikot-ikot." Pagod niyang sabi. Taka akong n

