Lost 6

2676 Words
Thalia's christening is happening today. Ilang minuto na lang ay pupunta na sila sa simbahan. Katheryn smiled at Thalia, who had been giggling as she dressed in her cute, girly white dress. Halos isang linggo na siya sa bahay ng mga Monteverde. Her employer, Gia, is beautiful and kind; ganoon din ang asawa nito sa kanya. Katheryn thanked Ate Cherry for this opportunity. Kung hindi dahil dito ay baka hanggang ngayon namomoblema pa siya kung saan kukuha ng perang pantustos sa pag-aaral ng kapatid niya. Plano niya kasing makapag-ipon para sa pag-aaral ng kapatid niyang si Katarina para sa kolehiyo. Sa ngayon ay nasa grade 11 na ito. Katheryn never graduated college; hanggang second-year lang siya noon nang tumigil siya. Namayapa ang mga magulang nila ng dahil sa aksidente. Mabuti na nga lang ay bago pa mawala ang mga ito ay naayos na ang titulo ng lupa ng bahay nila, kung kaya't walang habol ang mga kapatid nitong sakim. Katheryn was so grateful that she could save enough money for Katarina's needs in the province. Sa ngayon ay ang kapatid ang nasa bahay, bumibisita naman doon ang pinsan ng ama niya-ang tiya Kaila nila. Mas may tiwala na noon pa man ang ama niya rito kumpara sa mga kapatid ng ama niya na halos gustong angkinin ang tirahan nila. "Yaya," tawag naman ni Thalia na nagpabalik sa realidad ang isip niya. "Hmm? May kailangan ka ba, Thali?" Marahan na sabi niya sa alaga. Thali na rin ang itinawag niya rito na ikinatuwa rin naman nito. "Sasama po ba you sa church? Gusto ko po, kasama ka, yaya. Para po mag-play-play tayo." Katheryn slightly pinches Thalia's chubby cheeks. Na-ko-cute-an siya sa bata at sa paano ito magsalita. "Hmm, oo naman, baby. Pero saka na tayo mag-play-play kapag okay sa mommy mo. Tsaka, binyag mo ngayon, behave muna tayo, okay ba 'yun?" Tumango naman si Thalia, kahit pa medyo nakanguso ang mga labi nito. Madali naman pakiusapan si Thalia. Katheryn awed the kid; even at her age, Thalia could understand her. At the age of three-even stuttering some difficult words-she can speak like a five-year-old. Siguro kung sa kanya, sa edad na tatlo baka naglalaro pa rin siya sa putikan, o kaya naman palambi-lambitin sa kung saan. Kapagkuwan ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Kaagad naman na lumiwanag ang mukha ni Thalia, saka siya lumingon at nakita niya ang pagpasok ng pinsan ni Raye. Kaagad naman na tumakbo ang alaga niya sa tiyuhin nito. "Uncle David!" masayang bati ni Thalia, habang buhat-buhat ito ng tiyuhin. Katheryn heard Davidson's sweet greetings for Thalia. "How are you, little princess?" Hindi naman sumagot ang alaga niya, pero pinipisil ng pamangkin nito ang pisngi ng tiyuhin na hinayaan naman nito. Thalia's giggling made Davidson sweetly smile at the kid. Nakita iyon ni Katheryn, at para sa kanya'y mabait ang lalaki, pero minsan talaga'y hindi niya pa rin mahanap ang timpla nito. When their eyes met, Katheryn silently greeted Davidson, but the latter ignored it and focused his attention on his niece. Lihim naman napaismid si Katheryn kay Davidson. Napakasungit naman nitong lalaking 'to. Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob? Simula nu'ng bumalik ito mula sa bakasyon kahapon ay mainit na ang tingin nito sa kanya. Para bang may ginawa siyang kasalanan kahit wala naman. Katheryn always sees his furrowed eyebrows and cold stares at her. Kapagkuwan ay gusto namang magpabuhat sa kanya ni Thalia. "Uncle, I want Yaya Kathy to cawy me, po," medyo nabulol at magalang na wika ni Thalia sa tiyuhin nito. "Huh? Why?" Lumukot tuloy lalo ang mukha nito at tiningnan pa siya ng masama. "Hmm, I want to be hugged and cawy by Yaya." Nakanguso namang pagpipilit ni Thalia sa Uncle Davidson nito. Mukhang walang magagawa ang masungit na pinsan ng kanyang amo, kaya maingat nitong binigay sa kanya si Thalia. Katheryn felt an electric sensation when their hands slightly touched as Davidson slowly transferred Thalia into her arms. She can feel his minty breath slightly fanning against her skin when they are close. It is foreign to her; it tickles her system, and she never knows what it is. Parang sa mga sandaling iyon ay nakalimutan niyang huminga. Pasimple, pero agad din siyang lumayo kay Davidson nang makarga na niya si Thalia. Davidson heaved a deep sigh as the two went out of his niece's room. Malapit na silang umalis papunta sa simbahan, kaya nagtungo na ang mga ito kina Raye at Gia. But Davidson, who had been resisting Katheryn's charms, made him numb, or somehow his breath stopped for a second by the small interactions of their hands. He always ignored her silent greeting, and he purposely acted rudely towards her to avoid this feeling that bothered him, but look at him now. He was sure that he looked foolish. And Davidson swore that he would never be a victim of this feeling again. "Don't go there, Davidson. The last time you did, you've been hurt and left behind." Bulong na pangaral niya para sa sarili. ***** Nakarating na ang pamilya ni Raye, si Davidson, at si Katheryn sa simbahan. Kasama rin nila ang mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa na magiging ninong at ninang ni Thalia. Naging maayos naman ang nangyaring seremonya para sa binyag ni Thalia. Hanggang sa payapa silang natapos at dumeretso ang lahat sa bahay nila Raye. Nagsimula na rin ang after party ng binyag, handa na rin ang lahat. Mula sa venue na kahit sa backyard lang ng bahay ng mag-asawa idinaos ay may mga bisita pa rin naman ang dumating. Sa pagkain naman ay walang problema. Si Davidson ang namahala roon at mas nagustuhan din ng mga bisita ang iba't-ibang pagkaing nakahain. Si Katheryn naman ay kalong-kalong si Thalia na mahimbing na natutulog sa kanya. Nasa sala lang siya ngayon dahil medyo maingay ang nasa labas at ayaw niyang magising pa ang bata. Doon naman siya naabutan ni Gia. Gia gently smiles at what she saw. Nakita niyang mahimbing ang pagkakatulog ng anak niya sa mga bisig ng yaya nito. Nang makita ni Katheryn papalapit si Gia, ay binati niya ito ng mahina. "Akin na si Thalia," anito saka niya maingat na binigay ang natutulog na bata kay Gia. "Mukhang gustong-gusto ka ni Thalia. Halos hindi humihiwalay sa 'yo," komento naman nito. Katheryn just smiled and shook her head. "Napagod din siguro, ma'am, kakalaro kanina." Magaan na ngumiti pabalik si Gia sa kanya. "Thank you for taking care of Thalia, Katheryn. Alam mo bang bukod kay Davidson, ikaw ang hinahanap," kwento nito. Hindi tuloy alam ni Katheryn kung matutuwa siya o mahihiya. "Wala po 'yun, ma'am," nasabi na lang niya. Gia smiled at Katheryn. She knew that Katheryn was a kind woman when they met her with her husband. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay sigurado siyang mabuti itong tao. Lalo nang malaman din nilang ulila na pala sila ng kapatid nito. Si Gia na mismo ang nagpumilit kay Raye na kunin si Katheryn. Gia knows where she is most confident; it is when she looks at a certain person. She could confidently say that either that person is bad or not. And Katheryn belongs to those kind-hearted people. Sigurado siya pakiramdam at sa mga mata niya. Sayang nga lang ay hindi niya gaanong nakilatis noon ang dating asawa ni Davidson, but well, the past is past. Ang mahalaga ay nagpapatuloy pa rin ang cousin-in-law niya kahit pa may sugat pa ito ng kahapon. "Why don't you join them? The party is not over. Maya-maya pa kami babalik dito ni Raye, tatapusin lang namin yung inaasikaso namin." Kapagkuwan ay udyok niya kay Katheryn. "Po? Nakakahiya po mam..." "Kay Davidson ka magpatulong, mabait 'yon." Hindi naman nakatakas kay Gia ang paggitla ng noo ni Katheryn. "Si sir Davidson, po?" Medyo umismid pa ito, na ikinataka naman niya. "Mabait?" "Why?" Kapagkuwan ay tanong niya dahil sa nakitang reaksyon ng dalaga. "Eh, ma'am, ganoon po ba talaga si sir Davidson? Pakiramdam ko po kasi ayaw niya sa'kin." Wika naman ni Katheryn. Napatingin naman si Gia sa labas kung saan nakikita niya si Davidson na nakikipagkwentuhan sa ilang bisita. Gia knows that Davidson just wants the best for them. Parang kuya na nila ito ni Raye. Hindi niya lang inaasahan na ganoon ang pakikitungo nito kay Katheryn. "May ginawa ba siya?" Umiling naman ito. "Wala naman po mam, maliban sa sama ng tingin niya sa'kin. Kasi kapag binabati ko siya, kaagad sumasama 'yung mukha niya. O kaya naman kapag nasa kanya si Thalia tapos gustong magpakarga sa'kin." Litanya pa nito. Gia doesn't know what she must say to Katheryn. Mula sa sinambit ni Katheryn ay napaisip tuloy siya. Davidson is not petty for doing something like that. But what is his reason, though? "Hayaan mo muna sa ngayon si Davidson, baka stress lang." Sabi na lang niya kay Katheryn. Nagpaalam muna siya rito para ilagay si Thalia sa kwarto nito. Naiwan naman si Katheryn sa sala at napabuntong-hininga na lang. Buti na nga lang ay hindi nagalit sa kanya si Gia dahil sa pagkukwento niya. Pero, totoo naman ang sinabi niya. Kapagkuwan ay kumalam ang sikmura niya, napatingin siya sa labas. Marami pang bisita saka nahihiya rin siyang lumabas. Wala naman siyang kakilala rito at mukhang mayayaman pa ang mga bisita. Sa pagmumuni-muni niya mula sa salas ay pumasok ang isa pang katulong. Bukod sa kanya ay may katulong sa bahay, si aling Lucille. Galing ito sa isang buwang bakasyon mula sa Leyte, at kanina lang ito nakabalik nu'ng nasa simbahan sila. Matagal na rin ang matanda, halos dalawang taon na rin itong naninilbihan sa mag-asawa. "Oh? Ikaw pala, Katheryn. Ikaw lang rito? Si Thalia?" sunud-sunod na tanong nito sa kanya. "Nakatulog na po, ate. Kinuha na po ni ma'am Gia," sagot naman niya. "Kumain ka na ba?" Nahihiya naman siyang umiling. "Hindi pa po, eh. Nakakahiya po kasi, ang dami pa pong bisita." Napailing na lang si aling Lucille sa kanya. "Nako, gusto mo pagalitan ka nila sir na hindi kumakain? Lumabas ka na roon at para makakain ka na habang hindi pa gising ang alaga mo." "Pero..." "Katheryn, huwag ka ng makulit. Ayaw na ayaw nila sir at mam na may nagugutom. Sige na, sa kusina muna ako." Hindi naman nakasagot si Katheryn sa tinuran ng matanda. Napabuga na lang siya ng mahabang hininga saka nagpasyang lumabas. Katheryn was nervous as she went outside. Maraming bisita at ayaw niyang makahalubilo ang mga ito. Hindi naman sa ayaw niya sa kanila, hindi lang siya sanay sa mga usapan. Hindi niya alam kung ano'ng sasabihin kapag nagkataon. Kapagkuwan ay maingat na tumungo si Katheryn sa lamesa kung saan naroroon ang mga pagkain. Pagkakuha niya ng plato, kutsara't tinidor ay saka siya nagpalagay ng nag-c-cater ng kanin. Tutungo na siya sa iba pang nakahain nang walang anu-ano'y naramdaman niya ang isang brasong yumakap sa bewang niya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Katheryn nang malingunan ang may-ari niyon. "S-Sir!" Kaagad naman siyang lumayo. Nahintakutan sa biglaang paghawak ng lalaki sa kanya. "You are new here." Wika nito na sigurado. Ngumisi naman ang lalaki nang makita ang reaksyon niya. "Can we chat for a bit, Miss?" Katheryn, who was still shocked, just shook her head in denial. "Uhm, pasensya na sir, pero babalik na po ako sa loob." "Come on..." Sinubukan pa nitong hawakan siya at kaagad din siyang umiwas. Ni hindi nga niya ito kilala. At base pa lang sa itsura nito ay nakainom ito. Gusto lang naman niyang kumain ng matiwasay, pero heto ngayon siya at kinukulit ng lalaking ito. "Pasensya na sir, pero mukhang lasing na po kayo. Mabuti pa, magpahinga na lang po kayo," magalang pero nininerbyos niyang sabi dito. "You know, you're beautiful. Sayang naman ang ganda mo kung hindi ka makikipag-usap sa'kin." Umabante naman ito sa kanya at pilit na hinahawakan siya na agad din naman niyang naiiwasan. Napatingin naman siya sa mga bisita at mukhang may kanya-kanyang mundo ang mga ito. Katheryn fists her hand and tries to calm herself. "P-Pero sir-" "Mag-uusap lang naman tayo. There's no big deal, Miss." Katheryn gasped when the man's attempt to touch her again was halted because of Davidson's hand, which firmly stopped it. Davidson's face was clearly mad, and she was thankful for Davidson. Dahil kung hindi, baka mapilipit niya ang kamay ng lalaki at baka magkagulo pa. "You're drunk, Dylan. Mabuti pang umuwi ka na, kung ayaw mong malaman ni Raye 'to," malamig na wika ni Davidson sa lalaking Dylan ang pangalan. "But, Davidson," mangangatwiran na sana ito ng makipagtagisan si Davidson ng tingin dito. "Don't touch her," babala ni Davidson. Katheryn felt something tug at her heart as he saved her. "She's my niece's and your goddaughter's nanny. You do know what it means, right?" Napalunok naman ang lalaki. Sumulyap naman ito sa kanya bago umingos saka naglakad na paalis. Napahinga naman ng malalim si Katheryn sa nangyari. Kapagkuwan ay nilingon siya ni Davidson, nakakunot-noo pa rin. "S-Salamat po, sir." Mahinang wika niya. May nalalaman si Katheryn sa pagdepensa sa sarili. It is not her first time being treated like this. Akala pa naman niya'y nakalayo na siya mula sa probinsya, pero meron pa pala talaga kahit saan at walang pinipiling lugar. Wala namang imik si Davidson, kaya tinikom na lang niya ang bibig. Nakakunot-noong tinitigan siya nito bago ito malalim na bumuntong-hininga. Ilang sandali pa ay walang pasubaling hinawakan ang kamay niya-na ikinagulat niya-saka hinila siya nito pabalik sa loob ng bahay. "Sir..." Nausal na lang niya sa pagkabigla. Nagkasalubong pa ang mga mata nila saka sabay dumako sa kamay nila. Kaagad naman na binitawan iyon ni Davidson, habang siya naman ay pawang napaso. Nagulat din siya sa sarili kung bakit hinayaan niyang hawakan siya nito samantalang nagpipigil pa siyang suntukin ang namimilit na lalaki. "Don't go outside for a while," Matigas na tono nito. "Po?" Napahinga naman ito ng malalim saka muling bumaling sa kanya. Katheryn almost choked on her own breath when his emerald eyes fixed on her, even though he was annoyed. His eyes are beautiful. She thought. "Almost all of the guests here didn't know you. Stay here until the party ends. Hayaan mong ang ibang katulong muna ang nasa labas." Katheryn didn't know if he was being kind or lecturing her. Taliwas kasi ang mga sinasabi nito sa mukhang nakikita niya. Para bang galit ito o ano. "Okay, sir." Pumayag na lang siya, kaysa naman maulit ang nangyari kanina pero hindi rin naman niya inaasahan na sa harapan pa nito kumalam ang sikmura niya. Nagugutom na talaga siya pero ayaw niyang ipahalata. Kaso mukhang nagrereklamo na rin ang tiyan niya, kaya nahihiyang napaangat ng tingin kay Davidson. Doon lang din niya napagtanto na hawak-hawak pa niya sa isang kamay ang plato na kanin pa lang ang laman. "Hindi ka pa kumakain?" Parang pakiramdam ni Katheryn ay pinapagalitan siya nito. "Hindi pa sir, kakain sana kaso... kanina." Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil nakita niya ang pag-igting ng panga nito. Kapagkuwan ay nagulat na lang siya nang basta nito kinuha sa kanya ang hawak na plato na may laman na kanin. Hindi pa niya maproseso ang lahat ng makita niya ang papalabas ng bulto ni Davidson. Napaupo na lang siya sa couch ng sala dahil pakiramdam niya nanghihina na siya sa gutom. Hindi rin naman nagtagal ay nabigla na lang siya nang may nag-abot sa kanyang harapan. Hindi naman siya makapaniwala kay Davidson na may hawak ng pagkain. Dalawang plato iyon at puno iyon ng iba't-ibang pagkain. Nilagay na lang nito sa glass table sa harapan niya bago umayos ng tayo. "Eat and just stay here." Wika nito at nahimigan niya ang kaunting paghahabol nito ng hininga. Tiningan naman niya si Davidson at nakita niya ang ilang butil ng pawis sa noo nito. Nagmadali kaya siya para kunin ako ng pagkain? "Okay, sir. Salamat." Nasabi na lang niya dahil hindi talaga siya makapaniwala. Katheryn thought that Davidson would ignore her gratitude, but she didn't believe what she saw. Davidson just nodded at her before he went outside again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD