Today was a busy day for Raye's family, but for Davidson, it was another day of boredom. Kung kaya't sa bahay siya ng pinsan dumeretso matapos ang trabaho niya. Sa bahay naman siya nagtatrabaho at hawak niya ang oras, kaya't hindi talaga maitatangging nabuburyo na rin siya.
Pagpasok niya pa lang ay abala ang mga ito sa pagpaplano sa paparating na binyag ni Thalia. Dapat ay nung dalawang taon na nila ito pinabinyag, pero dahil sa nangangailangan ng pera pampaopera ang nanay ni Gia dahil sa appendix, ay ngayon lang taon sila nakapag-ipon.
Si Thalia ay masayang naglalaro ng Barbie dolls nito sa malaking sala. Si Raye ay nakaupo sa sofa, habang nagtitipa sa laptop. Samantalang si Gia naman ay nasa kusina, abala sa pagpaplano ng magiging handa para sa magiging bisita pagdating ng binyag.
"Good afternoon, everyone?" pakwestiyon niyang sabi nang mapansin niyang halos tutok ang mga ito sa ginagawa.
Tinapik na niya lang sa balikat ang pinsan at bahagyang nagulat. Nakabawi naman ang pinsan niya't binati siya.
"Good to see you, couz. Pasensya na, hindi kita napansin." Paumanhin nito.
Davidson just shrugged about it. "Nah, it's okay. Mukhang busy kayo, ah. Para sa binyag ni Thalia?"
Davidson sat beside Raye, watching Thalia play with her toys. Napabaling naman siya sa ginagawa ni Raye. Davidson saw the word 'hiring'.
Raye nodded. "At tsaka, nagbabalak na ring bumalik si Gia sa trabaho niya kapag natapos ang binyag."
"Hiring?" Kapagkuwan ay tanong niya nang makita niya ang nasa laptop ng pinsan. "Kukuha kayo ng katulong?"
"Yeah," Raye nodded again. "Do you remember, ate Cherry?"
Napaisip si Davidson sa pangalan na pamilyar sa kanya.
"Kinda? Who was it again?"
Napailing na lang si Raye. "Si ate Cherry, yung nag-alaga sa atin nung elementary pa tayo."
Then a memory came back to him. "Oh, yeah. Naalala ko na. Bakit?"
"Siya sana kukunin ko kung okay lang sa kanya. Ang kaso, hindi na raw kaya ng katawan niya, eh. So, nagbabakasali akong makahanap ng mabait at mapagkakatiwalaang katulong at magiging Yaya ni Thalia." Paliwanag ni Raye sa kanya.
"I see. But be careful. Marami na rin mga scammer at nagmamalupit ngayon." Bilin ni Davidson.
"Yeah, thanks." Ani Raye at bumalik sa ginagawa.
*****
"Salamat nga pala, David sa tulong, ah." Kapagkuwan ay wika ni Gia sa kanya.
Kasama niya ang pamilya, at ngayon nga ay dito na siya naghapunan.
"No worries. Kilala ko naman ang catering service na sinabi ko sa'yo. Iyon ang pinakagusto ni Mom, tsaka talagang masasarap ang mga pagkain nila." Wika nya.
Napatango-tango naman si Gia. Pero nahihiya pa rin ito.
"But, are you sure, David? Ikaw pa talaga ang gagastos sa catering? I think that's too much." Wika naman ni Gia.
"Tsaka, masaya na kami na nandito ka para kay Thalia. You'll be her Godfather as well. I think that's enough, and we're already grateful for that, David." Pagsesegunda naman ng pinsan niya.
David smiled at the two couples.
"Just accept it, guys. Tsaka, alam ko naman na may pinag-iipunan pa kayo. Idagdag niyo na lang 'dun." David looked at Thalia, who was happily munching her food. "And it's for my niece; it's not a big deal for me." Aniya pa.
Raye and Gia just sighed and accepted David's help. Lalo na si Raye, he knows David as a persistent and stubborn one. Talagang hindi sila nito tatantanan hangga't hindi tinatanggap ang tulong na inalok nito.
"Maraming salamat, David," pasasalamat ng asawa niya sa pinsan.
"No, worries. Family is family," anito.
Hindi pa rin talaga makuha ni Raye ang dahilan ni Nesi kung bakit ganoon na lang nito lokohin ang pinsan. Kahit pa man noong hindi pa siya nagkakaroon ng pamilya o ang makilala si Gia, si Davidson na ang laging katuwang niya sa lahat ng bagay.
Ito pa nga ang walang karanasan sa kanila noon. Maski ang tingin ng ilan sa kanyang pinsan ay playboy o kaya'y may karanasan na, kahit ang totoo'y kay Nesi pa lang binigay ng pinsan ang lahat nito. It may be ridiculous to others, and some may not believe it. But Davidson himself proved that women are not the only ones who can wait for their beloved before giving everything to them.
But it all vanished, and Nesi didn't value it.
Davidson has supported them through the years. In those six years, nakita ni Raye ang unti-unting pagbabago nito. Pero nag-aalala pa rin siya sa tuwing binabangungot ang pinsan mula sa nakaraan nito. David told him that he was still having nightmares. Those are when David begged for Nesi and the day he saw Nesi cheat on him. Minsan ay napapaisip siya, kung gaano kasarap ang magmahal, ganoon din ang dobleng sakit ang dulot niyon.
How love affects them. Especially, David. Love messed him up.
Si Gia naman ay pinagmamasdan ang asawa. She saw how Raye was worried for Davidson. And she's worried for his cousin-in-law as well. Gia knew it from their wedding day. David reminisced about those memories. Memories that contain David's vows and love for his ex-wife. Kung kaya't susuportahan niya rin ang asawa na tulungan ang pinsan nito. Marami na rin ang naitulong ni David sa kanila, lalo na kay Thalia.
Nakakainis lang dahil mayroon pang ganoon babaeng kayang lokohin ang asawa. She maybe didn't know the story of that woman. Alam niya ang hirap ng paghihintay sa pagkakaroon ng anak-ng kompletong pamilya.
But Gia couldn't forgive Nesi for what she did. Siguro'y wala siya sa posisyon para husgahan ito, pero hindi pa rin matatakpan ang maling ginawa nito kay David. She cheated. Nesi hurt David.
And for that, Gia hopes for something. A woman who will love David wholly.
Kapagkuwan ay natatawa namang napagmasdan niya ang babaeng anak na nagpapa-spoil sa Tito, at hindi sa ama. Naibaling ang inis na nararamdaman niya sa nakikita. Gia smiled at her daughter and at how David was spoiling her.
Samantala ay pinapakain naman ni David ang pamangkin na makulit. Napapailing naman siya nang nahuhuling masama ang tingin sa kanya ng pinsan. Gusto kasi ni Thalia na mismong siya ang magpakain imbes ang Papa nito. Kung kaya't siguradong nagseselos at nagtatampo na naman ang pinsan niya.
"Hmm. Daddy, why are you looking bad to Uncle David, po?" Inosenteng tanong ni Thalia sa ama.
Sayang-saya naman ang bata na pinupunasan ni David ang maamos na mukha nito.
Napahinga na lang ng malalim si Raye. "Hindi mo na ba love si Papa, 'nak? Bakit sa Uncle David ka nagpapa-spoil? Dapat kay Papa ka, nagpapa-spoil, 'nak."
Hindi naman napigil ni Gia at Davidson ang matawa dahil sa madramang tanong ni Raye.
"Love po," sagot naman ni Thalia. Para namang nabunutan ng tinik si Raye ng marinig iyon sa anak, pero lalag-balikat naman siya nang marinig niya muli ang kasunod nitong sinabi. "But Uncle David is my favorite, po, and you call me sutil."
Napahinga naman ng malalim sa Raye, dahil talaga naman minsan ay sutil ito. Pero hindi pa rin niya matanggap na mas favorite nito si Davidson.
"Dapat ako lang favorite mo, 'nak, kasi isa ako sa gumawa sa'yo-" Kaagad namang tinakpan ni Gia ang bibig ng asawa.
Pinandilatan naman ito ni Gia. "Raye, 'yung bibig mo nga!" pabulong, pero may diin na sabi nito sa pinsan ni David. "Huwag ka na masyadong madrama d'yan. Let her be."
Napanguso na lang si Raye sa asawa, saka naman tinatapunan siya nito ng mga masasamang tingin habang hindi nakatingin rito ang bata.
Davidson just ignored Raye's tantrums. For him, supporting this family is enough. Maybe it's enough that he's guiding and watching them as they grow as a family. Handa naman siyang maging Tito, o pangalawang ama ng anak ng pinsan.
He didn't know that if another woman came into his life, she would be ready to accept the bitterness he was carrying from the past. He wasn't even sure if he wouldn't get hurt again. And he is not sure if he can love again.
Though you really can't beat chance or fate, you can't say everything is over. And you cannot dictate to the heart once it beats again.
Davidson didn't know if fate was playing on him. It's just that he wasn't sure what he was feeling as well. All he knew was that his eyes couldn't resist the woman who had just come into their lives. Especially now that this woman is sure to be part of the family he supports and protects.
"Meet, Katheryn Fuentes," Raye introduced her. "She's our daughter's nanny."