YRRAH' POV
"Pero Yrrah heto lang ang sasabihin ko sayo.. Si Xian minsan lang magkagusto and believe me seryoso yan"
Mabilis kong binatukan ang sarili ko nang maalala ko ang sinabi ni Lance
"Yrrah bumalik ka sa katinuan mo! Buong LEU ang sasabunot sayo pag nahulog ka diyan kay Xian" remind ko sa sarili ko
Tumayo na ko mula sa kama ko at agad naligo
Linggo ngayon at walang pasok sa LEU, at isang araw pa lang ang nakalipas matapos ang birthday ni Scott
Pagkatapos kong maligo ay nanood lang ako ng tv na nandito rin sa loob ng kwarto ko
Nang mabored ako sa Tv ay pinatay ko na agad at kinuha ko ang laptop ko, manonood na lang ako ng Korean Drama
"Legend Of The Blue Sea"
Agad kong plinay ang Episode 1 ng Lotbs, sina Lee Min Ho at si Jeon Ji Hyeon (Stefie Cheon ng My Love From The Star) ang bida. Story siya about sa isang mermaid at isang tao na magkaka gusto sa isat-isa. Maganda to, sobrang matatawa ka at the same time ay maiiyak ka sa story.
Nasa Kalahati na ko sa pinapanood ko ng kumatok si Kyle
"Yrrah bumaba ka muna diyan kakain muna tayo" ani Kyle
Kaya agad kong pinindot ang pause button at lumabas ng kwarto
Pagdating sa may dining table ay nakita kong nandoon din pala si Adrian,
Hindi na ko nagtatakang nandito siya, kasi nga Close Friend sila ni Kyle.
At lagi yang nandito sa bahay nina Kyle
"Hello Yrrah" kumaway pa siya na parang bata
"Makiki-kain ka?" Diretso kong tanong kay Adrian
"Makiki-kain talaga? Sasabay lang ng lunch" sabi niya habang sumusubo ng kanin. Para namang magkaiba yun?
Kung abnormal si Kyle, mas abnormal itong si Adrian.
May mga bagay kay Adrian na hindi alam ng mga taga LEU, ang alam kasi nila ay si Adrian ang Campus Prince na walang pake sa mundo. Para kasing si Xian to, madalang lang ding pumasok sa school, kaso mas malala nga lang si Xian.
"Adrian tulungan mo daw si Yrrah sa pagawa nung project niya" ani Kyle
"No Problem"
"Wait, bakit si Adrian? Diba dapat ikaw?"
"May pupuntahan kasi ako mamaya kaya si Adrian na lang"
"Okay"
***
(Sa Mall)
"Adrian dalhin mo to"
"Adrian heto pa"
"Adrian kunin mo yun"
"Adrian buhatin mo pa to"
"Adrian pati yun pa"
Tinignan ko pa ang listahan para sa mga kailangan kong bilhin para sa project na gagawin ko
"Yrrah gutom na ko" reklamo ni Adrian habang naglalakad kami
Tinignan ko siya at naka busangot na ang mukha niya habang dala-dala lahat ng pinamili namin, nakonsensiya naman ako bigla
"Sige kumain muna tayo, dalhin mo muna yan doon sa kotse mo" pagkasabi ko nun ay patakbong umalis pa siya sa harapan ko
"Tsk, takaw talaga" natatawa kong sabi
Nang makabalik na siya ay agad kaming pumunta sa mcdo
Habang kumakain ay may nakita akong dalawang pamilyar na naglalakad sa labas ng mcdo
Si Xian at Lance
What a coincidence! Sila na naman ang nakita ko
Habang naglalakad ang dalawa ay kita kong napapalingon ang mga babae sa kanila. Takaw atensyon talaga ang mga to
"Yrrah may gusto ka kay Xian no?" Tinignan ko ng masama si Adrian. Nakita niya pala akong nakatingin kina Xian at Lance
"Tumahimik ka! Kumain ka na lang diyan!" Sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa labas pero wala na sina Xian dun
"Yrrah?" Halos mapatalon naman ako sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses ni Lance
Pag tingin ko ay nasa tabi na pala namin siya, i mean sila pala ni Xian.
"What a coincidence! Nandito din pala kayo" sabi ni Lance
Tinignan ko si Xian at naka cross arms pa ito habang nakatingin sakin
Napalunok tuloy ako.
Kahit wala naman akong ginagawang masama parang pakirandam ko kailangan kong magpaliwanag sa kanya?
"Ahm.. Nagpasama kasi ako kay Adrian sa pamimili ng gamit para sa project ko" sabi ko habang ngumingiti ng awkward
"Ahh.." Si Lance at tinulak niya pa paupo si Xian sa tabi ko
"Bro diyan ka lang, Adrian halika muna" at hinila niya pa patayo si Adrian at dinala sa labas
Bakit kasi sa mcdo pa sila pumasok ni Lance? Nasa harapan lang naman ang jollibee, nasa gilid lang ang KFC, at nasa tabi lang ang Chowking, pero bakit dito sa mcdo pa sila eh pwede naman na sa restaurant na lang sila diba?? diba??
Kumain na lang ako kahit na nakatingin siya sakin,
"Do you know that cheating is a crime?" Bigla nitong tanong na nagpaubo sakin. Anong pinagsasabi niya? Kailan ako nagcheat?
"Pinagsasabi mo?" Tanong ko kay Xian
"Just saying, if you want to be my girlfriend then be loyal" Napanganga ako sa sinabi niya
Aba!
"Hoy Xian! Sinong nagsabing gusto kong maging girlfriend mo?!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya
Hindi siya sumagot, bagkus ay kinuha niya lang ang kamay ko at itinayo
"Let's go"
"Saan tayo pupunta?" Hinila niya ko palabas ng mcdo
Tinignan ko pa sina Lance na nasa may counter, kinindatan lang ako ni Lance habang si Adrian ay nag o-order lang ng pagkain.. Grr! Ang takaw niya. Makikidnap na naman ako hindi niya pa alam.
Dinala niya ako hanggang sa loob ng isang magarang jewelry shop
Tumingin ito sa mga naka display na mga alahas kaya tumingin din ako,
"Alin ang gusto mo?" Tanong niya sakin
"Teka, bibilhan mo ko?" Taka kong tanong, tumango naman siya kaya tinignan ko din ang mga naka display.
Dahil gusto kong subukin ang pagiging galante ng isang Xian Laxama ay itinuro ko ang isang alam kong mamahaling kwintas. Infinity ang disenyo nito na may mga maliliit pang bato sa paligid niti
Kinuha yun ng sales lady at inalapag sa harapan namin ni Xian
"Magkano?" Tanong ko sa sales lady
"350 thousand Ma'am" Ngumisi ako at tinignan si Xian na nakatingin din sa necklace.
Haha for sure ay hindi mag aaksaya ng pera ang lalaking ito para lang sakin, pero nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa sales lady ang credit card niya
"Dont tell me na bibilhin mo talaga yan?" Gulat kong tanong
"Why? May iba ka pa bang gusto?"
D*mn! Bakit ba lagi kong nakakalimutan na si Xian Laxamana tong kasama ko? Sa sobrang yaman ng pamilya nito ay malamang ay barya lang ang 350k dito.
Pagkatapos niyang makapag-bayad ay hinawakana niya ulit ang kamay ko at hinila na naman palabas
"Kanina ka pa hawak ng hawak sa kamay ko" pabulong kong sabi sa kanya, tumawa lang naman ito at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko
Aba!
Dinala niya ako hanggang sa may parking lot nitong mall, at pinapasok niya ko sa kotse niya
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko na hindi naman ito sinagot at nag drive na kaagad
Bigla akong kinabahan.. Saan ba niya ako dadalhin??