CHAPTER 03

1556 Words
LANCE CLARKSON (CAMPUS 1ST PRINCE) "Evans!" Malakas na tawag ko kay Evans na busy sa pakikipag halikan sa isang sexy na babae. "Tsk, bakit ba?" Asar na tanong niya sa 'kin. Haha nabitin ata ang gago. "Tinatawag tayo ng Mahal na Hari" pagkasabi ko nun ay mabilis niyang iniwanan ang babaeng kasama niya at lumapit sa 'kin. "Saan?" Tanong niya habang inaayos ang damit niya na nagusot dahil sa pakikipag make out nito. Nakakadiri minsan itong si Evans, kahit sinong babae na lang ata minsan ang pinapatulan. "Sa may VIP room" Nasa isang bar kami ngayon para magsaya. Pagdating sa may VIP room ay lumapit agad kami kina Scott at Xian na nakaupo sa couch. "Kumpleto na tayo" ngiti kong wika. "Ano bang meron?" Tanong ni Evans at tinignan sina Xian. "Gusto tayong kalabanin ng mga estudyante sa kabilang school" sabi naman ni Scott habang umiinom ng beer. "Huh? Ano naman ang laban nila sa LEU?" Tanong ni Evans. Tumango naman ako sa sinabi niya. LEU has different groups who can fight well. Hindi lang sa talino sikat ang LEU dahil hindi talaga ito papatalo kahit saang larangan kahit sa bugbugan pa yan. "But that school is known as the Gangster School. 50 percent ng mga estudyante ay mga gangsters" biglang sabi ni Xian habang nag ta-type sa laptop nito. Napakurap ako sa sinabi ni Xian. May ganoong school ba? Ano yun? School for gangsters ba yun? "What the hell! Anong klaseng eskwelahan yun?" "Dont worry dahil may panlaban naman tayo sa kanila, bukas ay isama niyo dito sina Kyle Anderson at Adrian Santos" utos ni Xian. "Kyle and Adrian? Bakit?" Tanong ni Evans na wala atang alam sa mundo. Gusto ko tuloy itong batukan. "Kyle and Adrian are the Leader of the LEU's Gangsters" sabi ko sa kanya para hindi ito magmukhang tanga dahil mukhang walang balak sina Scott at Xian ang walang kwenta nitong tanong. "Talaga? Bakit hindi ko ata alam yun?" Nagtatakang tanong pa ni Evans sa amin. Siraulo talaga. "Busy ka kasi lagi sa mga babae mo" ani Scott na natatawa na lang sa babaero naming kaibigan. "Tch! Pero bakit wala akong naririnig na balita about sa mga gangster sa LEU?" Evans asked again. "Nakatago sila bro, LEU's gangsters are private gangsters. Sila ang lumalaban na walang pangalan" nakangisi kong sagot dito. *** YRRAH'S POV "Kyle, akala ko bang nag quit kana sa pagiging gangster mo?" Tarantang tanong ko kay Kyle na naghahanda sa pag-alis nito. "Nagpahinga lang kami at hindi ako nag quit Yrrah" anito at humarap sa akin. "Edi mag quit ka na ngayon!" "Kailangan ako ng grupo namin. Isa ako sa leader at hindi ko sila pwedeng iwan lalo na ngayon na kailangan kami ng school" paliwanag niya. Pero kahit anong paliwanag niya at hindi ko pa din siya maiintindihan! "Kyle naman! Hindi mo responsibilidad yun. At isa pa–" Hindi pa ko natatapos sa sasabihin ko ay umalis na siya sa harapan ko at hindi talaga ako pinakinggan. Inis ko itong tinignan habang naglalakad ito palayo sa pwesto ko. Mamayang gabi ay magkakaron ng laban ang LEU Gangsters sa kabilang school. Pero hindi ko alam kung saan. Kyle and Adrian are the leaders of the LEU's gangster. Naupo ako sa may damuhan at nag-isip. Ang lakas ng t***k ng puso ko at hindi ako mapalagay. Anong gagawin ko? Ayaw kong mapahamak ang pinsan ko. "Yrrah! Nasaan si Kyle?" Humihingal na tanong ni Jade mukhang tumakbo para lang makapunta dito. "Umalis na" tugon ko. "What? Baliw ba yang pinsan mo? Hindi pa ba siya nadala last year na muntik na siyang mamatay?" Kunot noong tanong ni Jade sa akin. Maging ito ay naiinis din sa ginagawa ni Kyle. Last year ay one month na confine si Kyle sa Hospital dahil din sa isang Gang war. Mukhang hindi pa din nadadala si Kyle. Napakatigas talaga ng ulo nito. Nakakainis. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Mas doble ang kaba ko dahil ang kakalabanin nilang school ay kilala dahil sa mga Gangster na nandoon. Malaki ang chance na matalo ang LEU. "Sino ba kasi ang tang nang nang utos sa kanila na labanan ang kabilang school na yun ha?" Galit na tanong ko kay Jade. "Actually... si King Xian daw eh" alanganing sagot ni Jade sa akin. The f*ck! "Alam mo ba kung saan ang lugar na maglalaban sila?" "Hindi, bakit? Hey, don't tell me na pupunta ka?" Hindi ako sumagot. Tumayo na 'ko at sinubukan kong tawagan si Kyle. "Kyle nasaan ka?" Immediately ask when he answered the call. "Yrrah, magiging okay lang ako. Don't worry okay? And please wag mo itong sasabihin kina Mama" kaagad nitong binaba ang tawag. Tinawagan ko ulit pero out of reach na. D*mn! Naku Kyle, papatayin talaga kita pag nakita kita! Dahil wala naman akong ibang matawagan upang tanungin ay no choice ako kung hindi iwan na si Jade at umuwi muna. Nang nasa bahay na ako ay kaagad kong binuksan ang laptop ko at tinignan agad ang secret sss group ng LEU sa f*******:. Lahat ng post ay tungkol sa magiging laban mamaya. Ang dami ng post dito. "50% ang dami ng gangsters sa kabilang school, habang sa LEU naman ay nasa 10% lang" Lalo naman akong kinabahan dahil sa isang post. Ano naman ang laban ng 10% sa 50%? Tawagan ko na lang kaya sina Tito? "Guys kaya namin to! Para sa LEU!" Post ni Evans. Kaya kaagad akong nag comment "Nasaan si Kyle?" Ilang sandali lang ay may na receive akong private message galing kay Evans. "Don't worry too much Princess Yrrah, everything will be okay" anito. Kumunot ang noo ko sa message nito. He's not answering my d*mn question! "I'm asking you... nasaan si Kyle?" "Sorry, but I can't tell you" Mabilis akong napamura dahil sa reply niya. Napahiga ako sa kama ko. Heto ang pinaka ayaw kong feeling eh. Yung pakirandam na baka may mawala na naman na importanteng tao sa buhay ko. And I hate this feeling. *** Mabilis akong nagising ng marinig ko ang pag ring ng cellphone ko. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan. Mabilis kong kinuha ang cell phone ko at sinagot ito. "Hello?" "Yrrah tapos ang laban" boses ni Jade. Agad akong tumayo dahil sa sinabi niya. "T-Talaga? Kumusta sila? Si Kyle?" "Panalo ang LEU. Pero nasa isang hospital daw sila dahil marami ang nasugatan" "Saang hospital?" Kinakabahan ako. Pagkasabi niya sa hospital ay kaagad kong hinanap ang susi sa kotse ni Kuya Yohan at nag drive na papunta sa sinabing Hospital. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Pagdating ko sa Hospital ay nandoon nga ilang estudyante ng LEU. "Nasaan si Kyle?" Kaagad kong tanong sa isang lalaki na taga LEU din. Tinuro naman nito si Kyle. Lumapit ako sa isang kama na natatakpan ng kurtina at agad hinawi ito. Nakita kong may maliit na sugat sa ulo, pasa sa mukha at may kaunting galos si Kyle. "Kyle!" Tawag ko sa kanya. Gulat ang reaksyon nito ng makita ako. "Yrrah? Anong ginagawa mo dito?" Pero imbis na sagutin ang tanong niya ay binatukan ko lang siya. "Ouch! Yrrah ano ba, masakit!" Reklamo nito habang hawak ang ulo. Nasasaktan siya? Pero kaninang nakipag bugbugan ito ay hindi ito nagreklamo. Hindi ako kumibo at hinampas ko pa siya lalo. "Yrrah!" sita nito habang pilit na umiilag sa bawat hampas ko sa kanya. Nagagalit ako sa kanya. Hindi niya alam kung gaano ako natakot kanina. Ang mawalan ulit ng mahal sa buhay ang pinaka ayaw kong mangyari. Ayoko ng maramdaman ulit ang narandaman ko noong namatay ang parents ko. Nang aktong hahampasin ko pa ulit siya ay may isang kamay ang pumigil sa kamay ko. Paglingon ko ay si Xian. Nasa tabi nito sina Lance, Scott at Evans. Katulad ni Kyle ay may mga sugat din sila. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at sinampal siya. Oo siya, si Xian Laxamana. The King. Dinig ko ang pagsinghap ng mga nakakita sa ginawa ko na maging si Xian mismo ay halatang nagulat sa biglaan kong pagsampal sa kanya. "Yrrah sumusobra ka na!" Malakas na sabi ni Kyle pero hindi ko siya pinansin. Hanggang ngayon ay randam ko pa rin ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot na baka may mangyaring masama kay Kyle. "Alam mo kung may balak kayong magpakamatay ng mga kaibigan mo pwede bang wag niyo na lang idamay ang pinsan ko!" Sigaw ko kay Xian Laxamana na tulala habang nakatingin sa akin. "Yrrah!" Muling sigaw ni Kyle sa akin. "Dahil sa totoo lang ay wala na akong pake kung sino ka pa! Pasalamat ka at ligtas ang pinsan ko dahil hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama sa kanya" yun lang ang sinabi ko at humarap ako kay Kyle na mukhang inis sa ginawa ko. "At simula ngayon ay wag mo na kong kakausapin" sabi ko kay Kyle habang randam ko ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong tumulo ang luha ko habang nakaharap ako kay Kyle, gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako nag-alala mula kanina. Pinunasan ko lang ang luha ko ng nag martsa na ako paalis at tinitigan ko ng masama si Xian na may hindi mabasang emosyon habang nakatitig sa mata ko. *** Hazlyn Styles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD