CHAPTER 05

1309 Words
SCOTT'S POV "Nakakatakot si Xian" ani Evans habang pare-pareho kaming nakaupo dito sa may labas ng pinto at hinihintay sina Xian at Yrrah. "Dapat kasi hindi niyo hinayaang masugat" sabi ko sa kanilang dalawa. Nadamay tuloy ako. "Eh aksidente lang naman, at tsaka maliit na sugat lang yun" ani Lance na naka simangot. "Pero ano bang meron kay Yrrah? May gusto ba si Xian sa kanya?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Ewan, pero nung isang araw pa lang naman nakilala ni Xian si Yrrah" wika ni Lance. "Huh? Matagal na kayang kilala ni Xian si Yrrah" sabi ni Evans. "Ha? Sabi ni Xian noon lang niya nakita si Yrrah, yun ang sabi niya sa kin" Lance stated. "Hindi ko yun makakalimutan, First year college tayo nun, at first day of class. Tanda ko umuulan nun share kami sa payong ni Xian tapos bigla niya akong tinulak at si Yrrah ang pinayungan niya. Ang saklap nun dude! Biruin mo first day of class pero mukha akong basang sisiw!" Sabi ni Evans sa amin na parang yun na ang pinaka masaklap na bagay na ang nangyari sa kanya. "Eh bakit nagsinungaling siya sakin?" Takang tanong ni Lance habang nakatingin sa amin ni Evans. Para namang alam namin ang sagot sa tanong niya. Baka nakalimutan na ni Xian yun? Baka hindi lang talaga niya kilala ang babaeng pinayungan niya noon. "Sino ang nagsinungaling?" Mabilis kaming nagsipag tayo ng marinig namin ang boses ni Xian na nakalabas na pala kasama si Yrrah. "Ah wala yun, yung girlfriend ni Evans may asawa na pala. Nagsinungaling kasi ang sabi single" palusot ni Lance na agad tinignan ng masama ni Evans. "Babalik na ko sa school" ani Yrrah na nasa tabi lang ni Xian. Wala namang ibang reaksyon sa mukha niya bukod sa namumula ang mukha nito. Kaya nagkatinginan kaming tatlo. I wonder kung ano ang ginawa nila sa loob. "Ihahatid na kita" sambit ni Xian. "Huwag na" Mabilis na pagtanggi ni Yrrah pero parang walang narinig si Xian at siya pa mismo ang nagdala sa bag ni Yrrah at nauna nang naglakad. Pagka alis ng dalawa ay naiwan kaming tatlo na nagtataka. "At kailan pa naging gentleman si Xian?" Takang tanong ko at parehong nagkibit balikat lang ang dalawa. *** YRRAH'S POV "Dun sa kanto malapit sa school mo na lang ako ihatid" walang reaksyon na sabi ko kay Xian. "Bakit doon. I will drop you off in front of school?" "Ayokong magkaroon ng bagong issue sa school pag nakita nilang inihatid mo ako" wika ko dito. Siguradong may meaning sa mga LEU students kapag nakita nila kami ni Xian. "Wala akong pake sa kung ano mang issue yan" "Kung wala kang pake, puwes ako meron" sambit ko. Kita kong napa buntong hininga lang siya at inihinto niya ang kotse sa may kanto. At bago ako lumabas ng kotse ay nagsalita muna ako. "Xian, please don't try to make me fall for you. Lalo na kung hindi mo naman yun mapapanindigan sa huli pag nangyari na" "What do you mean?" "What i mean is... Okay lang na gusto kita. Pero ayoko ang mahalin ka. Kasi kapag nagmahal ako gusto ko akin lang, gusto ko ako lang. Selfish akong magmahal, at ayoko ng iniiwan" Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ko sa kotse niya. Ewan ko kung bakit ko sinabi yun, siguro kasi yun ang totoo. Siguro kasi natatakot ako. Natatakot ako dahil hindi naman malabong mahulog ako sa kanya hindi ba? What if kung mahulog ako? What if hindi niya ko saluhin? Kasi wala naman siyang sinabing sasaluhin niya ko pag nahulog ako diba? At baka iyon ang magiging ganti niya sa pagsampal ko sa kanya? Sobra naman ang ganti niya sakin pag ganun ang ginawa niya. Pagbalik ko sa school ay sa Canteen ang diretso ko kasi 1:30 Pm na pero di pa rin ako nag la-lunch. "Yrrah san ka galing?" Nagulat ako ng tumatakbong sumunod si Kyle sa akin. "Ang sabi ay nakita ka daw na kasama mo sina Lance, Scott at Evans. Ano okay ka lang?" Tanong niya habang patuloy pa rin ang pagsunod sa akin. "Im fine" maikling sabi ko dahil mukha siyang ewan. "Sure ka?" Paninigurado niya. Tumango lang ako "Yrrah galit ka pa rin?" Hindi na ako sumagot. Hindi ko pa din siya pinapatawad at tuloy pa din ako sa paglalakad ko sa canteen. "Yrrah, sorry na" Pagkatapos kong makabili ng pagkain ay umupo ako sa isang table. "Yrrah... Pati si Kuya Yohan ay galit din sa akin. Patawarin mo na ko para patawarin na rin ako ni Kuya Yohan" parang batang sabi niya habang magkadikit pa ang dalawang palad niya. Pero tuloy lang ako sa pagkain ko. Bahala siya diyan. Hindi ko pa din siya pinapansin. Hanggang sa may inilapag siya sa harap ko na nakapag patigil sa ginagawa ko. "MITAM album deluxe edition" bulong ko habang nakatingin dun One Direction fifth album! Mabilis kong kinuha pero mabilis niya ring inilayo sakin ang Cd "Sabihin mo munang okay na tayo at sayo na to" sabi ng gagong Kyle na to "Oo! okay na tayo, ibigay mo na sakin yan" mabilis kong sabi at agad naman niyang inabot sakin ang Cd Omg! Deluxe Edition to! "Kyle saan mo nakuha to? Ang dami ko ng napagtanungan pero sold out lahat ng MITAM deluxe edition nila" "Actually binili ko lang yan sa isang Directioner, ayaw ipagbili kaya ginawa kong triple ang presyo kaya ayun binigay" Tumango lang ako at binuksan ang Cd, Yay! Hindi ko ba na mention na Directioner ako? Bias ko si kulot na may dimples na may green eyes, Yas Bias ko si Harry Styles. "So bati na tayo okay?" "Mag promise ka muna" "Anong promise?" "Na hindi ka na ulit sasama sa gang war na yan" seryoso kong sabi "Sige promise hindi na" Ngumiti ako at niyakap ko siya.. "Salamat sa album" sabi ko sa kanya "Pero Yrrah ano ba talagang sinabi nina Lance sayo" tanong niya sakin "Wala lang" sabi ko at binitawan na siya "Imposibleng wala lang" "Wala nga" "Tsk!" Alam kong hindi siya naniniwala, pero wala din naman akong balak na sabihin sa kanya ang tungkol sa pag uusap namin ni Xian "Pero Kyle may tanong ako" "Ano yun?" "Ano ang tingin mo kay Xian?" "Xian? Hmm.. Siya ang tipo ng lalaki na titingalain mo talaga, kasi almost perfect na siya eh.. Mayaman, matalino, gwapo, malakas at maraming alam sa pakikipag laban, at siya ang tipo ng tao na may isang salita kapag sinabi niya gagawin niya talaga" Napalunok ako bigla, May isang salita? So tototohanin niya ang sinabi niya na gagawa siya ng paraan para mahulog ako sa kanya? "Teka, bakit mo ba naitanong? Don't tell me na may gusto ka parin sa kanya?" "Kyle naman bawal bang mag ka crush?" "Okay lang na magka crush ka sa kanya, pero please lang kahit na almost perfect na si Xian ay wag na wag kang maiin-love dun" warning niya sakin "Bakit naman?" "Kasi si Xian Laxamana madaming babae yan" "Madaming babae? Eh wala pa nga akong nababalitaang girlfriend niya e?" "Oo wala pa siyang girlfriend pero sandamakmak naman ang mga naka flings at babae niya. At ayaw niyang magka girlfriend dahil ayaw niyang matawag na timer o manloloko. " paliwanag niya sakin "Paano mo naman nalaman yan?" "Nakalimutan mo na bang naging classmate ko siya nung high school?" Oo nga pala.. Tinignan ko ang CD na hawak ko.. Tama, baka gusto lang talaga akong gantihan ni Xian dahil sa pagsampal ko sa kanya Pero hindi ba parang sobra naman ang gusto niyang mangyari? Hahayaan niya akong mahulog at masaktan.. Malamang ay yun ang plano niya. Hay Yrrah, tibayan mo yang puso mo. I lock mo, tapos ay itapon mo ang susi sa pinaka deepest ocean. Para paniguradong secure ang puso mo laban sa Hari na gustong yang kunin at basagin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD