CHAPTER 06

1827 Words
KRISTOFFER'S POV Hating-gabi na akong naka uwi sa bahay. Kung hindi ba naman sobrang tigas ng ulo ng babaeng iyon ay kanina pa dapat ako naka uwi. Such a pain in the a*s.. Dumiretsyo ako sa kusina para kumuha ng alak. Kumain na din ako sa karenderya kanina, kaya pwede na akong uminom. Wala naman akong gaanong ginawa maliban sa pag bubuntot sa anak ng congressman, pero pakiramdam ko ay sobrang pagod ng katawan ko. Parang pumapasan lang ako ng mabibigat na bagay. Tahimik akong umiinom ng muling sumagi sa isip ko ang pag sigaw nito sa'kin kanina. Sa isang linggong pagiging bodyguard ko ay hindi ko man lang ito narinig na mag salita ng malumanay. Puro singhal talaga lahat. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang ugali niya. Parang tingin niya sa'kin ay isang lason na sumisira ng araw niya. Kahit sa paraan ng pag tingin nito sa'kin ay nasisira ang mukha niya. Laging salubong ang kilay nito matalim ang tingin kapag humaharap sa'kin. Kulang nalang sakalin niya ako at hinampas sa mukha ko ang bagay na hawak-hawak niya habang naka harap siya sa'kin. It's annoying as h*ll, pero sa bawat araw na lumilipas at ginagawa niya iyon ay natutuwa ako. Hindi ko alam, but I find it funny. Tuwang-tuwa ako sa pagkaka asar nito sa'kin na halos umusok na ang ilong niya habang sini-sigawan ako. A dem*n deity... Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na mahinang tumatawa sa t'wing naiisip ko ang babaeng iyon. Unang beses itong mangyari sa'kin. Na nakaka ramdam ako ng tuwa at sa Isang babae pa talaga. Nang makaramdam ako ng antok ay agad akong tumayo at nag simulang humakbang patungo sa aking kwarto. Agad akong nag hubad ng damit at direksyong pumasok sa loob ng banyo. Binuksan ko ang shower at agad na tumama ang malamig na tubig sa aking katawan. Nang dumapo ang tingin ko sa malaking salamin na nasa loob ng banyo at sandali akong natigilan ay kasunod ito ay ang pag dapo ng ng tingin ko sa mga peklat na nasa aking katawan. Mga peklat na natamo ko noon habang nakikipag laban ako sa mga teroristang grupo. It's not just a normal scars. Isa ang mga peklat na ito sa nagpapa alala sa'kin sa masalimuot kong nakaraan. At sa t'wing nakikita ko ito ay sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko na iyon maibabalik, Hindi ko na maaayos. At hanggang sa huling sandali ko sa mundong ito ay laging mananatili sa'kin ang pala-isipan na iyon. Siguro ay isa iyon sa posibleng dahilan kung bakit hirap na hirap akong mamuhay ng normal. Naka paskil na iyon sa buong pagkatao ko na hindi ko basta-basta mabuburo sa aking sistema. Bumuga ako ng isang marahas na pag hinga at agad na tinapos ang pag ligo ko. Lumabas ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang naka balot sa katawan ko. Muli akong nag lakad patungo sa closet ko para kumuha ng damit na isusuot ko. Isang puting v-neck short at isang itim na pajama ang kinuha ko at agad iyong isinuot. Nang matapos akong mag bihis ay narinig ko ang pag tunog ng aking cellphone. Agad ko iyong tiningnan at nakita kong may mensaheng dumating galing kay tom. Binuksan ko ito at agad na binasa ang nasa loob ng mensahe. "Pinapasabi ni Ms Alaire na agahan mi daw bukas kasi pupunta tayo sa isang opening ng beach resort ng kaibigan niya." Yun ang nasa loob ng text. Pagkatapos kong basahin ito ay muli kong inilapag ang aking cellphone sa lamesa na nasa tabi lang ng kama ko. Tapos ko ng patuyuin ang aking buhok kaya humiga na ako sa aking kama. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata, pero nawala na ang antok na naramdaman ko kanina. "O~hh." Biglang pumasok sa isip ko ang ung*l ng babaeng nakatalik ko noon. Wala sa sarili akong napa bangon mula sa aking pagkaka higa at sunod-sunod ang pag mumura ko. Lalo na nang maramdaman ko ang pag tig*s ng al*ga. "What the h*ll." Malakas na asik ko. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ka tindi ang pang*nasang meron ako para sa babaeng hindi ko kilala. Padabog akong muling humiga at tinakpan ng unan ang aking ulo. Muling akong pumikit, hanggang sa kusa akong dalawin ng antok at tuluyan naka tulog. KINABUKASAN.... Gaya ng napag usapan ay maaga akong pumunta sa bahay ng congressman. Mabilis lang ang naging byahe ko dahil wala gaanong sasakyan sa mga oras na iyon. "Gagamit tayo ng ibang sasakyan ngayon." Rinig kong saad ng anak ni congressman. Naka tayo lang ako sa labas ng bahay habang nag kakalikot ng aking cellphone. Nakaramdam kasi ako ng pagka buryo sa sobrang tahimik ng paligid. "Hindi ba kayo nasabihan na bawal gumamit ng cellphone sa oras ng trabaho?" Rinig kong saad nito. Agad kong ibinaba ang aking cellphone at nilingon ako. Naka krus ang magkabilang braso nito habang naka taas ang kilay na tinitingnan ako. Ang aga pa, pero mainit na kaagad ang ulo... Hindi ako sumagot kaya si tom na ang nag salita para sa'kin. "Pasensya na po." Paghingi ng paumanhin ni tom. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito at nilagpasan ako. Tipid akong ngumiti at sinundan ito ng tingin. "Ako ang mag mamaneho ngayon, tom." Presinta ko at agad nitong inabot sa'kin ang susi ng sasakyan. Naunang mag lakad si tom papunta sa sasakyan kung saan pumasok ang anak ng congressman. Sandali akong nanatili sa labas, may kakaiba akong naramdaman kaya tumingin muna ako sa paligid. Ilang saglit lang ay agad na din akong sumunod sa kanila. Pumasok ako sa driver's seat at nang maisuot ko na ang seatbelt ko ay agad kong pina andar ang sasakyan. Habang nag mamaneho ay hindi ko maiwasang mag angat ng tingin sa salamin para makita kung anong ginagawa ni Alaire sa likuran. Mang makita kong tulog ito ay agad akong nag baba ng tingin at itinuon ang buong atensyon ko sa pag mamaneho. Tahimik ang buong byahe hanggang sa marating namin ang lokasyon kung saan gaganapin ang opening ng isang beach resort ngayon. Pag pasok palang namin sa entrance ay sumalubong sa amin ang maraming tao. Nakita ko ang Isang lalaki na sa hula ko ay isa sa mga nag babantay doon, may itinuro itong direksyon na hula ko ay patungo sa parking lot. Minani-ubra ko ang sasakyan patungo doon at ng mahanap ko na ang parking lot ay agad kong ipinarada ang sasakyan. Naunang bumaba si tom para pag buksan ito ng pinto, habang ako naman ay tahimik lang na nag mamasid at pina-pakiramdaman ito. Nang maisara na ni tom ang pintuan sa likod ng sasakyan kung saan ito bumaba ay sumunod na din ako. "Dito lang kayo, wag kayong sumunod sa'kin sa loob. Tatawagin ko lang kayo kapag kailangan ko." Bilin nito. Sandaling dumapo ang kanyang tingin sa'kin bago kami talikuran at nag simulang mag lakad patungo sa kung saan. "Ang daming tao." Rinig ko anas ni tom sa tabi ko. Tahimik lang ako at sinundan ng tingin si Alaire. May sumalubong na isang babae sa kanya, sandali pang nag usap ang dalawa bago muling nag lakad papasok sa isang beach house. "Dito ka lang tom, kapag may napansin kang kakaiba ay tawagan mo ako kaagad." Saad ko na hindi lumi-lingon sa kanya. Nag simula akong mag lakad papalapit sa nag kukumpulang tao. Halos lahat ng naka salubong ko ay naka two-piece swimsuit. At ang mga lalaki naman na nakikita ko ay walang shot na pang itaas na damit. Ganun nalang ang gulat ko ng may biglang humawak sa braso ko. Nag baba ako ng tingin doon at nakita ko ang Isang babaeng mapang akit na tumitingala sa'kin. "May hinahanap ka? You want to join me?" Matamis na ngiting saad nito. Kumunot lang ang noo ko at marahang inalis ang kamay nito na naka pulupot sa braso ko. "Pasensya kana, nag ta-trabaho ako." May galang paring sagot ko. Akmang aalis ako ng hawakan ulit ako nito. "What job? Ang gwapo mo pa naman. Babayaran ko ang sasahurin mo ngayon araw, Basta samahan mo muna ako." Saad nito sa'kin. Inalis ko ang aking tingin sa kanya at sa hindi inaasahan ay sumalubong sa'kin ang mga mata ni Alaire. Matalim itong nakatingin sa'kin habang sumisimsim ng alak. "Let's have fun today." Makulit na saad ng babae at nag simula itong haplusin pataas baba ang balikat ko. Mas lalong nag salubong ang kilay ko at marahas na inalis ang kamay nito sa'kin at iniwan ito sa kanyang kinatatayuan. Nag simula akong hanapin si Alaire, pero dahil sa maraming tao na nandoon ay nahirapan ako. Nakipag siksikan ako sa gitna ng nag kukumpulang tao hanggang sa tuluyan kong nakita si Alaire. May hawak-hawak itong baso na may lamang alak habang abala sa pakikipag halikan sa isang lalaki. Bumigat ang bawat hakbang na ginawa ko, tumungo ako sa direksyon niya at hindi pa man ako nakakalapit ay biglang may malakas na sumabog sa hindi kalayuan. Sa lakas nito ay tumilapon ako, naramdaman ko ang pag tama ng likuran ko sa matigas na bagay. Napa mura ako dahil sa sakit nito. Biglang umugong ang magka bilang tenga ko dahil sa nangyaring pag sabog. Napatakip ako doon at mariing napa pikit habang pinipilit ang sariling tumayo. Nang bahagya kumalma ang tunog sa Tenga ko ay agad kong sinuyod ng tingin ang paligid. Naging aligaga ako bigla ng hindi ko makita si alaire. "ALAIRE!!!" Malakas na pag tawag ko dito. Ngunit wala akong marinig na sagot. "ALEXANDER!!!" Boses iyon ni tom. Mabilis ang ginawa kong pag lingon sa kanya. "Si Alaire?" Diretsyong tanong ko sa kanya. Agad itong lumapit sa'kin at sinuri ako ng tingin. "Okay lang ako. We have to find her." Matigas na saad ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko kung saan ko ito huling nakita kanina. "She's fine. Nasa sasakyan siya." Usal nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Napahawak ako sa aking noo habang niluluwagan ang suot kong necktie. At doon ko lang napansin na may pumapatak palang dugo mula sa gilid ng ulo ko. "You're bleeding." Agad na saad ni tom ng makita niya iyon. Umiling lang ako at agad siyang nilampasan para puntahan ang sasakyan. Agad kong nakita si Alaire na nakatayo sa labas ng sasakyan, palakad-lakad ito at mukhang hindi mapakali. "Are you okay?" Agad na tanong ko. Lumingon ito sa gawi ko at nanlaki ang mga mata nito ng makita niya ang itsura ko. "I'm okay, but you're no-- "I'm okay. Umuwi nalang tayo." Pag putol ko sa sasabihin nito. That's a relief. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko kung may mapapahamak ulit dahil sa kapabayaan ko. Nangyari na iyon ng isang beses kaya hindi ko na hahayaan na mangyari ulit iyon. I don't think I can handle it anymore. TO BE CONTINUE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD