CHAPTER 9

1666 Words
If I can't be close to you, I'll settle for the ghost of you- J. Bieber Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang matapos ang photoshoot — at ngayon, panibago na namang proyekto. This time, music video naman. We're currently heading to a private resort island para sa shooting. Habang tumatagal ang working time namin ni Wyn, lalo lang siyang nagiging aloof at grumpy. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Iniisip ko na lang, konting tiis pa. Kapag natapos na ang project na 'to, wala na ulit kaming koneksyon sa isa't isa. "Miss Elle, kumain ka na. Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga," sabi ni Angela na kasalukuyang kaharap ko ngayon. Nasa loob kami ng private yacht na pagmamay-ari nina Wyn, papunta sa isla. Doon ko lang naalala — oo nga pala, hindi pa ako kumakain. Hindi ko alam kung bakit, pero may ganito talaga akong bad habit: kapag stress ako, lalo kong ginugutom ang sarili ko. Tinignan ko sandali ang mga pagkaing nakahain sa harapan namin, pero ang atensyon ko’y hindi ko namalayang napunta kay Wyn. Ganoon din pala siya — nakatingin saakin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Mabilis ko ring binawi ang tingin ko sakanya. "Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako ganun kagutom," mahina kong sambit sabay lingon sa bintana ulit. Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Angela. Halatang wala siyang magawa sa desisyon ko. Namimiss ko ang mga kaibigan ko. Ilang buwan na rin simula nang huli kaming magkita-kita. Promise ko talaaga sa sarili ko, kapag natapos na ang project na 'to, babawi ako sa kanila. Dadalawin ko silang lahat—lalo na si Jhoanne. Kahit sinabi niyang wala akong kasalanan sa nangyari dati, may guilt pa rin sa puso ko kapag naaalala ko ang nangyari. Maghahapon na nang makarating kami sa isla. Pagkababa pa lang ng bangka, agad akong sinalubong ng tanawin— masasabi ko in one word “paradise”. Malinis at pinong buhangin ang bumati sa amin, tila pulbos sa kaputian. Ang tubig ay malinaw at bughaw, na parang kumikislap sa ilalim ng huling sinag ng araw. Sa malayo, tanaw ang mga eleganteng kubo-style cabins na gawa sa pinagsamang kahoy at modernong salamin—sapat na para magmukhang rustic pero sosyal. May mga hammock na nakasabit sa pagitan ng mga palm trees, habang ang simoy ng hangin ay amoy dagat. Ang alam ko nauna nang dumating ang mga staff at crew ng production para mag-set up. Bukas kasi agad ang unang araw ng shooting. Ako? Gusto ko munang damhin ang ambiance ng buong lugar. "Miss Elle, ito na po ang susi ng cabin niyo." Inabot sa akin ni Angela ang isang wooden keycard na may naka-ukit na logo ng resort. "Hindi ba tayo magkasama sa room?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang susi. "Hindi po ma’am, may iba po akong kasamang mga crew." sagot niya sabay yuko nang kaunti, parang nahihiya. "For sure naman maluwang ang room ng cabin at mag-isa lang ako doon. Samahan mo na lang ako," yaya ko habang kinikindatan siya. "Naku ma’am, nakakahiya naman po. Pero sige, dahil mapilit ka, sasabihan ko na lang ang mga kasama ko na sasamahan ko na lang kayo sa room niyo. Iwan niyo na lang po yung mga gamit niyo diyan, ipapahatid ko na lang sa bellboy."Akala ko kailangan ko pa siyang pilitin.Tumango lang ako at ngumiti. Nauna na akong maglakad habang siya naman ay sa ibang dereksyon for sure sasabihan niya na sa mga kasama niya. Pagbukas ko ng pinto ng cabin, agad akong sinalubong ng malamig at mabangong simoy ng lavender na may halong sea salt. Ang ambience? Mas elegante pa sa inaasahan ko. High-ceilinged ang living area, may ambient lights na nagbibigay ng soft, relaxing glow sa buong kwarto. Isang napakagandang space—maluwag, maliwanag, at ang bango talaga. Sa loob pa lang ng cabin, may mini sala na rin—white na sofa, at may bilog na ottoman na pastel blue. Ang king-sized bed ay nasa gitna, nang makita ko ito gusto ko na agad matulog. Puting-puti ang bedsheets, crisp at mukhang imported pa. Sa magkabilang gilid ng kama, may mga hanging lights—simple pero classy, minimalist ang dating. Sa tabi ng kama, may maliit na side table na may nakapatong na orchid flower. Paglingon ko sa kaliwa—Wow! Ocean view. Buong wall ay salamin, at bukas ang sliding doors kaya kitang-kita ko agad ang malawak na dagat. Ang ganda ng kulay Cozy na, sosyal pa. “Wow, ganito pala ang feeling na maging VIP.” Hindi ko namalayang nandito na rin si Angela. Kung ako ay namangha sa buong kwarto lalong lalo na siya. “Mabuti na lang hindi ako tumangi saainyo Ma’am. Kahit sa sofa na ako matulog okay na okay pala. ” Natawa na lang ako sa sinabi niya. “Siya nga pala Ma’am Elle pinapasabi nila kasama ninyong magdidinner ang producer at director pati na rin si Sir Wyn. Maaga tayong maghahapunan para raw makapagpahinga ng maaga dahil 5am ang call time bukas.” Mahabang bilin ni Angela. Hindi ko naman na siya masyadong naiintindihan dahil inaantok na talaga ako hindi kasi ako makatulog ng maayos sa byahe. ******* Sunod-sunod na katok ng pinto ang nakapagpagising saakin. Feeling ko, nabulag ako dahil sa dilim ng paligid kaya kinapa ko agad ang phone ko alam kong nailagay ko iyon sa side table at hindi nga ako nagkamali. Pagbukas ko agad sa phone ko ang oras agad ang tinignan ko kaya pala madilim na ang paligid dahil literal na gabi na. 7: 05pm pagkakita ko sa phone. Bigla ulit may kumatok sa pinto kaya naalala kong iyon pala ang nagpagising saakin kanina. Don’t tell me naiwan ni Angela ang susi kaya hindi siya makapasok. Kawawa naman mukhang kanina pa nasa labas. Pero imbes na si Angela ang mabubungaran ko ay ang hindi ko inanasahang tao ang makikita kong nakatayo sa pinto ng cabin. Nakita ko itong nakakunot at mukhang inip na inip. Mukhang kanina pa nga ito nanditong nakatayo. “Anong ginagawa mo dito?” iyon agad ang bungad ko sakanya. “Sinusundo ka, dahil kakain na.” walang ganang sambit nito. “Ganun ba, mauna ka na. Susunod na lang ako magpapalit lang ako ng damit.” Balak ko na sana itong pagsarahan ng pinto pero sinanga agad nito ang kamay niya. Sa gulat ko ay binuksan agad ng maluwag ang pinto. Alam kong malakas ang pagkakagawa ko nun dahil dumaing ito sa sakit. “Sira ka ba? Bakit mo ipinangharang ang kamay mo sa pinto? Paano kung nabali ng malala ang kamay mo?” Ewan ko ba kanya minsan hindi rin nag-iisip. Marahan ko naman itong hinawakan at pinaupo sa sofa. “Hintayin mo ako, kukuha ako ng pang first-aid.”hindi ko na ito hinintay pang magsalita at agad na pumunta sa banyo dahil doon ko nakita kanina ang mga first-aid kit. Kumuha na rin ako ng yelo at malinis na tela. Tahimik namang ina-ice compress ko ang kamay nito walang nagsasalita saaming dalawa. Walang gustong mag bali ng katahimikan. “Sabihan mo ako kung lalong sumakit.”- ako na mismo ang bumali ng katahimikan saamin. Tumango lang ito kaya itinuloy ko ng gamutin ang galos sa kamay nito. Hindi naman ito nagrereklamo pero nakikita ko itong napapadaing ng konti. Hanggang sa matapos ako ay bumalik muli ang katahimikan saamin. Gusto ko sana itong kausapin pero natatakot ako at hindi ko rin alam kung anong pag-uusapan namin. Nakarating kami sa restaurant ng resort ay mukhang kami na lang ang hinihintay. Nakita ko doon na nakaupo na ang mga director at producer kasama rin nila ang manager ni Wyn. “Pasensya na kayo kung natagalan kayo sa paghihintay saamin?” bungad ko agad sa mga ito. “Ayos lang, hindi pa naman kami ganun naghihintay ng matagal. Halina’t sabay-sabay na tayong kumain.” –Mabuti na lang at mababait ang mga director at producer namin. Matapos ang hapunan hindi lang pangangamusta ang nangyari we also talked about what will be our task for tomorrow. Napalalim na ang pag-iisip ko at hindi ko na namalayang nasa tabing dagat na pala ako. Tahimik at payapa ang paligid gusto ko ang ganitong ambiance. Pero ang kinasama lang tuwing mag-isa na ako marami ng pumapasok sa isip ko hanggang minsan hindi ko na nakukuntrol ang sarili ko. “Nag-ooverthink ka nanaman.” Nabigla ako ng may magsalita sa tabi ko hindi ko namalayang nandito pala si Wyn. Agad kong pinunasan ang aking luha. Ito na nga bang sinasabi ko hindi ko nanaman makontrol ang emosyon ko. “Your crying again, What are you thinking?” Bakas sa mga sinabi niya ang pag-aalala hindi ko alam kong bakit siya nag-aalala samantalang siya itong hindi namamansin. “Wala ito. Napahikab ako kanina kaya ganun. Aalis na ako inaantok na ako.” Pagdadahilan ko. Aalis na sana ako ng pinigilan ako nito. “Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo, Elle?” Seryosong tugon nito. Hindi ito naniwala sa sinabi ko. Maya-maya pa ay hindi ko na napigilan mailabas ang nararmdaman ko. Hindi ko alam bakit tuwing nakakasama ko siya madali ko lang mailabas ang kung anong totoong nararamdaman ko. “"Shh, It’s fine. It's alright to cry. I'm here to hold you..” Pag-aalo nito saakin habang naka yakap ako sakanya. “I’m sorry.” “Why are doing this? Why are you being nice again, Wyn?” nalilitong sambit ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pinapaasa nanaman ako ng nararamdaman ko. “I don't know either, but I just know that every time I see you like this, I wish you would share your burden with me and wipe away all your tears. I want you to come to me and let me protect you.” Mataan niyang sambit saakin, I can sense the sensitivity in his words. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya pero natatakot ako. Natatakot ulit akong magrisk at baka this time mas masakit na kapag iniwan niya ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD