I'm the one who's feeling lost right now
Now you want me to forget every little thing you said-MLTR
“Akala ko hindi na kayo makakapunta.” Bati ko sakanila matapos makita sila. After naming i-introduce sa harap at may mga message pang kasamang na hindi ko inaasahan ay bumaba na rin agad ako pagkatapos at heto nga ay sila ang nakita ko agad sa pagbaba ko, mukhang kompleto pa silang lahat.
“Well you don’t have a choice. Kahit hindi mo kami imbitahan makakapunta pa rin kami.”- sarcastic na sambit ni Joanne at ipinakita ang invitation. Hindi ko sila binigyan pero mukhang alam ko na kung saan galing ang mga ito. Dahil nga into business ang mga partner nito mga kaibigan ko for sure ito ang rason kaya sila nabigyan nang invitation. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi. Napansin kong hindi kompleto ang mga boys.
“Hindi mo ata kasama ang asawa mo ngayon, Cams.” Panunukso ko kay Camilla nakakapanibago lang.
“Lumabas lang saglit sila ni Wyn. Mukhang hindi pa naging maganda ang pakiramdam niya nang pumunta siya dito.” Napakunot naman ako dahil sa sinabi nito.
“What do you mean?”
“Wala, masama na kasi ang pakiramdam niya bago pa siya pumunta dito. Sinabi naming huwag na siyang sumama pero nagpumilit pa, yan tuloy mukhang matutuloyan nang mamatay.” Natatawang sabi naman ni Steven siniko naman ito nang asawa na mukhang sinasabing tumigil na ito. Hindi ko alam kung maniniwala ako dito pero mukhang hindi naman seryoso. Kahit kailan talaga hindi matinong kausap.
Maya-maya naman ay dumating na rin si Maze pero hindi nito kasama si Wyn. Medyo nag-alala naman ako dahil kung totoo ang sinabi ni Steven kanina na hindi maganda ang pakiramdam niya baka anong mangyari sakanya. Sana pinauwi na siya.
“Nasan si Wyn?” tanong ni Camilla sa asawa. Mukhang hindi lang ako ang nagtataka.
“Pinahatid ko na sa driver natin. Hindi ko siya hinayaang magdrive nang kotse niya baka maibangga niya lang.” Natatawang kwento niya saamin at nakakalukong tumingin saakin. Hindi ko alam kung anong problema nang mga ito. Hindi sila seryoso sa mga pinagsasabi nila para bang may alam sila na hindi ko alam.
“Hays! Hindi ko alam na may mas mamanhid pa pala kay Jho.” Napapailing sambit ulit ni Steven. Nakita ko namang piningot lang ito nang asawa at mukhang tinatablan.
“Kanina pa kayo nagpapasaring sa mga sinasabi niyo. May gusto ba kayong sabihin saakin na hindi ko alam.” Seryosong tanong ko na sakanila. Medyo hindi na ako natatawa sa mga sinasabi nila. Mukhang hindi talaga maganda na pumunta pa sila dito.
“Boys behave! We’re here to give some respect.” Seryosong saad naman nang leader nila. The one only, Zephyr. Hays! Akala ko hindi na magsasalita ito tulad ni Gette, bagay talaga sila.
“There you are, kanina pa kita hinahanap.” Natuod naman ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko kaya agad akong naalerto at tumingi kong sino may pakana nun. Hindi ba siya aware na nandito ang mga kaibigan ko. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya. “Kasama mo pala ang mga kaibigan mo. Let me introduce myself again I’m Julian, Ellese fiance, glad to finally meet you all.”
“Mabuti na lang napauwi ko na ang mokong na iyon bago pa siya makapatay.” Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Maze pero parang hindi siya narinig dahil hindi sila nagreact.
“I’m glad pinaunlakan niyo ang inbitasyon ko sainyo at nakadalo kayong lahat. It’s good to see you again, Zephyr.” Natutuwang sabi nito.
"We are delighted to attend your engagement party." Formal naman saad ni Zephyr. Halatang business man ang dating. Alam ko blood related pa sila ni Julian. “"By the way, you’ve already met my fiancée, Brigette Fiore. These are her friends, who are also friends of Ellese. This is Jhoanne Robertson with her husband, Steven Robertson; Camilla Miller with her husband, Maze Miller; and Eraizha Montessori with her husband, Sage Montessori."
"I am pleased to meet you, Mr Camerone.”-Formal ring sambit ni Gette dito.
"Drop the formality. You're friends with Ellese, so I hope we can get along too. Kung hindi niyo sana mamasamahin pwede bang hiramin ang kaibigan niyo, babatiin lang namin saglit ang mga matatanda.” – Magalang naman na paalam nito sa mga kaibigan ko.
“No problem. Wag mo nga lang hayaang malingat sa mga mata mo iyan, baka biglang may magkidnap diyan hindi na ibalik. Sige ka kawalan mo rin, Pare.”- Makahulungang sabi ni Steven sabay tawa naman nang mga boys na para bang nakakaintindihan akala naman ni Julian ay biro iyon ni Steven kaya nakitawa rin ito. Tumayo na ako at inayang umalis ito, mahirap na baka kung anu-ano pang masabi nila sakanya.
*****************
Jhoanne
“Haist. Mukhang wala nang pag-asa ang dalawang iyon.”- biglang sabi ni Steven pagkaalis nila Ellese. Kinutusan ko nga ulit dahil naalala ko nanaman ang ginawa nito.
“Hoy, hindi kasalanan nang kaibigan namin kung ang kupad niyang kaibigan niyo. Makupad na nga torpe pa.” –depensa ko.
“Eh, halata namang may gusto pa rin naman yung kaibigan niyo sa kaibigan namin. Bakit hindi kaya umamin rin iyang kaibigan niyo hindi parating lalaki ang unang umaamin nasan ang gender equality. Saka iyang kaibigan niyo mahilig itago at tumakbo sa nararamdaman niya kaya paano aamin yung isa kung bigla dedestansya at hindi magpapakita yung isa.”-hinahamon ako nang kumag na ito.
“Ah, ganun eh iyang kaibigan niyo—” biglang nagsalita ang dalawang leader namin. Scary, silang dalawa ba naman ang nagsalita para kaming pinagalitan agad nang principal tuloy.
"The two of you, please shut up.” Maawtoridad na sambit nina Gette at Zeph. Oh, di ba sabay pa sila nang intrusive thoughts. Match made in heaven talaga ang dalawang ito.
“"I already know why Ellese doesn't want to invite us here—'cause she knows you're like this. People are already staring us, and yet you're still trying to interfere. Whatever decisions they make in life, those are their choices because they didn’t meddle when you were in their situation. Let them realize things on their own. We're here to guide, not to interfere.”- Okay, medyo seryoso na iyon dahil madami nang words ang lumabas sa bibig ni Zephyr. Kakatakot talaga. Pero seryoso, napansin ko rin iyon kay Elle nang lumapit ito saamin kanina mukhang hindi siya natuwa na nandito nga kami medyo na hurt ako sa part na iyon. Kinakahiya niya kaya kami? Hindi naman siguro. Biglang naalala ko tuloy si Wyn kanina, okay na kaya ang mokong na iyon? Halatang selos na selos kanina nang magkiss si Elle at Julian although wala namang mali doon sa ginawa nila because technically mag-fiance yung dalawa kaya naman nang magrequest ang mga audience hindi nila tinangihan. Pero yung isa halos sumugod na sa stage para patigilin yung couples sa harap. Kaya ang nangyari sinamahan ni Maze na lumabas muna si Wyn para pakalmahin at mabuti na rin na pauwiin. Hindi talaga magandang idea na pumunta pa siya dito.
Iyon ang kabuoan nangyari and goodluck na lang talaga sa feelings noong dalawa. Pero hindi pa rin ako mapalagay na wala akong gagawing hakbang. Kailangan talaga may magpopush sa dalawang iyon dahil super manhid nila, well ganun rin pala kami dati hehe. Alam ko ring hindi lang manunuod ang gagawin ng mga ito may mga plano rin sila sa mga isipan nila. Well, wala akong pakialam kung masabihan akong bias pero wala akong nakikitang chimistry kina Julian at Elle.