"Are you sure sinabi talaga ng bata Papa?" ulit na tanong ni Raiah habang hinahagod nito ang likod niya.
She told her friends about what happened at the Manila Ocean Park. Tanging si Raiah lamang ang nakapunta sa bahay nila dahil may date umano si Vina at ang boyfriend nito.
Ae sniffed. "Yes. Ang linaw, Raiah. Oh God. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Imposibleng hindi siya magkaroon ng girlfriend in those four years na we were in no-contact situation."
Muli siyang humikbi. Yes, she already considered the thought that Linel might be dating someone else already. Pero hindi pa rin pala siya magiging handa oras na masampal siya ng katotohanang hindi na sila pwede.
Raiah sighed. "Hayaan mo na. Siguro ito na 'yong closure na hinihintay mo, Ae. At least ngayon, makakausad ka na kay Linel."
Her lower lip trembled as the pain in her heart doubled. She hates the fact that she doesn't want to move on from Linel. That she never want to forget about everything and just accept that she really did miss her chance.
Ae wiped her tears. "Alam mo? Siguro pinakamahirap na part 'yong . . . 'yong alam kong nag-iisa lang 'yong lalakeng 'yon?" She let out a faint laugh. "Siraulo 'yon, eh. Hindi mapapantayan ang luwag ng turnilyo no'n sa utak pero . . ." Napahikbi na naman siya. "Pero mahal ako no'n, Raiah. Minahal ako no'n at sinayang ko lang dahil nilamon ako ng pride ko noong kinumpronta ako ni Vina about him."
A part of her wanted to blame Vina for what happened. Ngunit alam din niya sa sarili niyang kasalanan naman niya iyon. Sa bibig niya nanggaling ang masasakit na salitang sumira sa samahan nila ni Linel. Siya ang may kasalanan kung bakit tinalikuran siya nito.
Raiah spent time with her until she finally calmed down. Umuwi lamang ito nang kahit paano ay ayos na siya. Matapos ipasakay ng taxi ang kaibigan ay bumalik din kaagad si Ae sa kanyang silid. She locked the door and tried to look up Linel on social media. Hoping that there's any way for her to confirm that the kid was really his.
Nasa denial stage pa yata siya ng grief process niya kaya heto siya ngayon at pinapasadahan ang lahat ng social media platforms para hanapin ang account ni Linel ngunit wala talaga siyang napala.
She sighed. Nagtungo na lamang siya ng banyo at nagbabad sa bathtub. Kapag naiiyak ay hinahayaan niya ang kanyang mga luha na pumatak.
After spending nearly an hour in the tub, Ae walked back inside her room to get her sleepwear. Magbibihis na sana siya nang tumunog ang kanyang phone. She went towards the bedside table and picked it up to check who sent her a message.
Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang chat ni Linus. Nasa message request pa iyon at naka-lock din ang profile nito. She immediately opened the chat and read it. Kinukumusta siya nito. Niyayaya rin siyang um-attend sa kaarawan nito at ni Linel sa darating na Myerkules.
A part of her wanted to ask Linus about Linel's current relationship status. Gusto rin sana niyang itanong ang tungkol sa bata ngunit inunahan siya ng hiya. She ended up deleting the entire chat she had already typed. Nagtipa na lamang siya ng bago at tinanong kung saan gaganapin ang birthday ng kambal.
Linus Elliot Shault: Sa bahay lang. You've been here before, right? Sabi ni Linel alam mo naman dito.
Her eyes blinked twice. Sinabi ni Linel na nakapunta na siya roon?
Her anxiety kicked in. What if Linus assumes that she and Linel did the nasty before that's why she knows where they live?
Pinaglapat niya ang kanyang mga labi saka siya nagtipa ng chat para kay Linus. Hindi na rin naman tumagal ang usapan nila kahit na kating-kati siyang makiusyoso tungkol sa kakambal nito. Kinuha na lamang nito ang numero niya dahil tatawagan daw siya ng susundo sa kanya sa Myerkules.
She felt jittery in the following days. Halos mag-overthink siya kung ano ang dapat niyang suotin. Hindi rin niya sinabi sa mga kaibigan niyang inimbitahan siya ni Linus. Baka kung malaman ng mga ito ay husgahan siya at sabihing may balak siyang ahasin si Linel sa nanay ng anak nito. Lalo na si Vina. Iba pa naman ang tabas ng dila nito. Baka mawalan lang siya ng ganang pumunta kung sakali.
The days felt longer than usual. Pagsapit ng araw ng Myerkules ay halos hindi siya magkandaugaga. Napapakunot tuloy ng noo ang mga kaibigan niya dahil halos mabato siya ng marker ng isa sa professors nila dahil tulala siya sa klase.
"Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Raiah nang makalabas sila ng classroom.
Ae inhaled a sharp breath. "Yeah, I'm okay." She checked her watch. "Hindi na ako makakasama sa inyong mag-review. I really have to go home early today."
"Bakit? May problema sa inyo?" tanong ni Vina matapos nitong isara ang compact powder nito.
Lumunok siya't marahang umiling. "Wala. I uhm, I don't feel okay. Feeling ko daratnan na ko so I'm a little nauseated," she lied.
"Sige, ayos lang. Magpahinga ka pagkauwi mo," ani Raiah.
Ngumiti na lamang siya sa kaibigan bago tuluyang nagpaalam sa mga ito. Matapos nilang maghiwalay ng daan ay dumiretso kaagad siya ng uwi. She took a quick bath, dried her hair, and then contemplated for the nth time about what she would wear to the party.
Ae went for a more casual chic outfit. She wore a tight khaki skirt and a white top that has puffed sleeves. Kinulot niya ang dulo ng buhok niya't naglagay ng kaunting make up. Pati sa paglalagay ng blush on ay nag-o-overthink siya. Nanlalamig tuloy ang mga palad niya't bahagyang nanginginig kaya hirap na hirap siya sa paglalagay ng eyeliner!
"Okay, done," Ae said to herself in a breathy way.
She checked her phone. Wala pa namang tumatawag kaya inubos niya pa muna ang oras niya sa pagpili ng bag na gagamitin. Ilang beses pa siyang umikot sa harap ng salamin para tingnan ang kanyang itsura. Maya-maya ay tuluyan nang nag-ring ang phone niya.
An unregistered number flashed on the screen. Sinagot niya kaagad iyon habang isinusuot niya ang may kababaan niyang sapatos.
"Hello?"
She heard a sigh. "I'm outside."
Natigil siya sa pagsusuot ng kanyang sapatos nang marinig ang pamilyar na tinig. Her heartbeat doubled and her eyes slightly widened in disbelief.
"L-Linel?"
"Yeah," matipid nitong sagot. May kalamigan din ang tinig na tila bored na ito.
Nilunok niya ang sarili niyang laway. "K-Kanina ka pa ba diyan?"
"No. Kararating lang namin."
Her brows slightly furrowed. "N-Namin? May . . . kasama ka?"
Narinig niya ang muling pagbuntonghininga nito. "Yeah. I'm with Fina."
Tila piniga ang kanyang dibdib. Parang nagdalawang-isip na rin siyang sumama ngunit dahil nahihiya rin siya kay Linus ay bumaba pa rin siya. Bahala na siguro.
She drew in a sharp breath before she finally opened the main door. Linel was leaning against his gray Trailblazer. Malamig ang titig sa kanya habang nakapamulsa.
Ae couldn't maintain their eye contact. Siya na ang kusang umiwas ng tingin habang papalapit siya sa pwesto nito.
"Uhm, hi," nahihiya niyang bati.
Umayos ito ng tayo saka nito binuksan ang pinto sa likod. "Get in."
Ngayon pa lang ay parang pinipiga na ang puso ni Ae. She went inside the car and immediately saw the girl sitting in the shotgun seat. Ngumiti naman kaagad ang babae saka nito iniabot ang palad sa kanya.
"Hi, I'm Fina," may lambing nitong pakilala.
Pilit siyang ngumiti. "I'm A-Ae."
Ngumiti na lamang sa kanya si Fina nang pumasok ng sasakyan si Linel. Nagsuot ito ng seatbelt habang nakatitig si Ae rito mula sa rearview mirror. Bago pinatakbo ang sasakyan ay nakita niya pang sumulyap ito sa kanya gamit ang parehong salamin. Napayuko tuloy siya't kinain ng hiya.
She heard Fina giggle. "Look at this one. Kuya sent this video earlier."
Sinilip ni Linel ang pinakikitang video ni Fina. Maya-maya ay tumawa ito nang mahina saka na nito ibwinelta ang sasakyan.
"Napatulog na ba nila si Fil?" tanong ni Linel kay Fina.
"Not yet. He's waiting for us. Alam mo naman 'yong batang 'yon. He wants his Mama and Papa to put him to bed."
Mama and Papa? Ito ba ang . . . ina ng batang kasama ni Linel sa Manila Ocean Park?
Tumawa ang dalawa habang para namang naging palamuti si Ae sa backseat. She even saw Linel glanced at her again while he's driving. Bakit siya tinitingnan nito? Gusto ba nitong makita na nasasaktan siya? Na nagsisisi siya?
Oh God, this is the part where she starts contemplating about her life choices. Parang gusto na yata niyang bumaba ngayon pa lang.
Sumandal na lamang siya sa headrest at tumingin sa labas. Maya-maya ay sinilip siya ni Fina sa likod.
"Ae? Wala ka naman sigurong boyfriend na magagalit if we're gonna get drunk tonight?" Fina asked in a casual way.
Lumunok siya nang makitang nakatitig sa kanya si Linel mula sa rearview mirror. "W-Wala."
Fina smirked. "She's still single," Fina said to Linel but Ae wasn't able to hear it anymore.
Ae saw Linel sigh before he tapped his fingertips on the steering wheel. Napabuga na lamang din siya ng hangin saka na ibinalik ang atensyon sa labas ng sasakyan.
Looks like she's going to regret accepting Linus' invitation . . . dahil parang ngayon pa lang ay mamamatay na siya sa selos