Kabanata 26

1417 Words
EVANGELINE wasn't able to enjoy their stay in Monte Costa amidst all the s*x and romance they had. Ngayon pa lamang kasi ay nalulungkot na siya. Ayaw lamang niyang umiyak sa harap nito at baka isipin nito ay hindi niya kayaning makipagrelasyon dito kung ganito ang magiging setup. May lungkot sa mga mata niyang pinanood si Linel habang inaayos nito ang mga gamit sa maleta. Bumalik sila kanina sa Maynila nang makapag-ayos na ito ng mga gamit na dadalhin sa pag-alis. Linel placed everything inside the suitcase. He even included the shirt she wore. Ni hindi nito iyon nilabahan dahil gusto nitong manatili ang natural scent niya sa damit. Linel stood up after zipping his suitcase. Tumingin ito sa kanya habang bakas sa mga mata ang parehong lungkot na nakapinta sa kanyang mukha. He sighed. Naupo ito sa kama saka siya iginiya na kumandong sa hita nito. She didn't hesitate to straddle him. Inilagay naman nito ang isang palad sa kanyang baywang habang ang isa ay itinulak ang ilang hibla ng buhok niya patungo ng likod ng kanyang tainga. "Can I at least take you to the airport?" she asked. Maging sa boses ay bakas ang lungkot. "As much as I want to, I can't take you with me, baby. Ipapasakay kita ng taxi bago dumating ang susundo sa'min ni Linus." Bumagsak ang kanyang mga balikat. Nayakap niya ito saka niya nilunok ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. Yumakap din naman ito pabalik. He pressed gentle kisses on her shoulder as he held her as if he, too didn't want to be separated from her. "I'm gonna miss you. I'll come back as soon as I could." Hinagod nito ng palad ang kanyang likod. "Be safe while I'm away." Hindi na niya napigilan ang paghapdi ng sulok ng kanyang mga mata. Her eyes swelled with tears until she finally sobbed. "I love you . . ." she whispered. Humigpit ang yakap ni Linel sa kanya. He inhaled a sharp breath before he brought his face close to her ear. "Say it again . . ." She sniffed. "I love you." Kumalas siya sa pagkakayakap dito nang matitigan niya ang asul nitong mga mata. "I love you, Linel so you better be safe out there and come back in one piece. Kapag hindi ka bumalik, sinisigurado ko sa'yo na tatlong beses akong mag-aasawa." Natawa ito nang mahina. He wiped her cheeks while keeping the smile on his face even when his eyes glowed with sadness, too. "I love you. I've always been in love with you. I'd always cheat death just to hear you say those words over and over again . . ." Hinayaan niya itong halikan siya sa malalim na paraan. She kissed him back despite her tears trailing down her cheeks. Gusto niyang iparamdam dito na totoo ang pagmamahal na ipinakikita niya. She wanted him to feel it, keep it in his heart, and hold onto it while they are apart. God, she's hopelessly in love with this man. Sana nga ay kayanin niya ang ilang buwan na hindi niya ito makakasama. They didn't let go of each other until it was finally time for her to leave. Kahit hanggang sa pagsakay niya ng taxi ay humabol ng halik sa kanya si Linel. Nagbilin pa ito sa driver na siguraduhing makauuwi siya nang ligtas. Iyak siya nang iyak habang nasa daan pauwi. Mabuti na lamang at nagawa niyang pigilan ang emosyon niya nang nakarating sa kanila. Her parents aren't home, too while Deydey was busy. Nakapagtago kaagad siya sa kanyang silid at doon na ngumawa. She spent an entire day crying before she was able to pick herself up. Gina-gaslight na lamang niya ang sarili at nag-focus sa ibang bagay. Umaasang pagkalipas ng ilang araw ay masasanay rin siya. Sinasabi na lamang din niya sa sarili na nagawa niya ngang maghintay ng apat na taon na wala talagang kasiguraduhan kung makikita niya pa si Linel. Dapat mas kaya niya ngayong maghintay dahil may relasyon na sila. A few days after Linel and Linus left, the realtor had contacted Ae to let her know that the condo Linel had purchased for her is finally ready for occupancy. Akala niya ay mahihirapan siyang magpaalam sa mga magulang ngunit dahil idinahilan niya ang layo ng bahay sa university ay pumayag ang mga ito. Siguro ay dahil matagal na rin namang may pader sa pagitan nila kaya hindi na rin mahirap sa mga ito na mag-move out siya. "Dito 'yong condo mo?" salubong ang mga kilay na tanong ni Vina nang makababa sila ng taxi. Tinulungan kasi siya ng mga ito na maglipat ng mga gamit. Although Linel had made sure all the furniture and appliances that she would need were already in the unit, she still brought a few stuff from home. "Oo. Sa twentieth floor," sagot niya bago na naunang pumasok ng lobby. They took the elevator to the twentieth floor. Nang makapasok sa condo ay kaagad na pinasadahan nina Vina at Raiah ng tingin ang lugar. "Ang laki naman nito. Kumpleto pa sa gamit." Vina put the box down. "Eh 'di sana all." Ewan ba ni Ae pero parang iba ang naging dating sa kanya ng huli nitong sinabi. It was as if there was a hint of bitterness and jealousy in Vina's tone. Meanwhile, Raiah looks genuinely happy that she finally moved out of her parents' place. Alam kasi nito kung gaano siya ka-stressed sa kanila dahil sa mga magulang niya. "Ae, pwede bang mag-sleep over minsan? Malaki naman 'to, eh," ani Vina. "Uh, sure," sagot na lamang niya. Raiah smiled. "Sigurado akong mahal 'to, Ae pero deserve mo 'to. Mabuti na lang hinayaan ka nila Tita." Akmang sasagot na siya nang maunahan ni Vina. "Naunahan mo ko, Ae. Nagbabalak na rin akong lumipat, eh. May na-scout na akong condo. Sayang. Dapat dito na lang din ako. Mas malaki 'to." Kumunot ang noo ni Ae. Napaisip siya kung saan ito kukuha ng pera para sa pambayad ng condo dahil kahit na sabihing balak lang nitong umupa ay malaking halaga pa rin ang kailangan para sa isang condo unit. Hindi na lamang siya kumibo at baka ma-offend ito. Hinayaan na lamang din niya itong maglibot-libot sa buong unit. She just ordered them food and waited for the delivery. "Girls, dito muna kayo. Kunin ko lang ang food natin sa baba," anunsyo niya. "Sige lang," sagot ni Vina. Hindi man lang siya tiningnan dahil busy pang mag-selfie. "Samahan kita?" alok ni Raiah. Umiling siya. "Hindi na, kaya ko na. Magpahinga ka na muna. Kanina ka pa tumutulong sa'kin." Tuluyan siyang lumabas ng unit na medyo naiirita pa rin kay Vina. Noong nasa elevator na ay nag-notif sa kanya ang post ni Vina. She posted the selfies she took at Ae's condo and then put a caption that says, 'finally'. Nagsalubong ang mga kilay ni Ae. Finally? Why did Vina choose that caption? Ano'ng gusto nitong iparating sa caption nito? She just rolled her eyes and shrugged the thought. Lumabas siya ng elevator at dumiretso sa labas kung saan naghihintay ang delivery rider. "Salamat po," aniya pagkatapos tanggapin ang order niya. Nang akmang babalik na siya sa loob ay narinig niya ang pamilyar na tinig. "Ae?" She looked behind her and saw Tyra. Malaki ang tiyan na tila kabuwanan na. Napalunok siya. "Uhm, hi?" Itinuro nito ang building. "You're staying here?" "Uh, yeah." Seriously, why is this woman talking to her? Nabagok ba ang ulo nito at nakalimutan ang history nilang dalawa noong high school? "Good to know na afford mo. Anyway, attend ka sa baby shower ng baby ko, ha? It's gonna be on Sunday." Tyra smirked then rubbed her baby bump. "I'm sure Linel would love to know that you're gonna be there." Nanlamig ang katawan ni Ae. "S-Sorry, what did you just say? S-Si Linel?" "Yeah, si Linel." Lumawak ang kurba sa mga labi nito. "You didn't know? I'm pregnant with his child. He still chose me after all." Tuluyang nawalan ng kulay ang mukha ni Ae. Hindi niya alam kung sasagot pa ba o hindi kaya sa huli ay nakaalis si Tyra nang wala man lamang siyang nasasabi. It took her a while before she was able to walk back inside. Pagkapasok ng elevator ay halos manikip ang dibdib niya. Her breathing became sharp and her hold on the plastic bag tightened. Hinagod niya ang dibdib niya't nilunok ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. No, no. That can't be possible. That can't be .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD