2

1681 Words
Gabby "See?!" bulyaw ni Drew habang nakapamewang sa harap ko. "Ayaw mo maniwala sa akin, eh! I told you so!" Napatungo na lang ako. Alam ko naman na binalaan niya na ako. Siya pa nga unang nakapansin sa mga malalagkit na tinging ipinapako sa akin ng future ex amo ko. Pinili ko lang talagang hindi siya pakinggan dahil nakakabobo naman ang assumption niyang iyon. Ang denial ko rin kasi. Kahit ako, nahahalata ko na noon pero dahil sa kasabikan ko sa trabaho, isinawalang bahala ko na lang ang mga ipinupunto sa akin ni Drew. "Sorry na nga, eh." pabulong na sinabi ko bago ko pinaglaruan ang mga daliri ko. "I know, I know - I should've listen to you. I'm sorry, okay?" "Problema sa iyo, akala mo lagi, kapahamakan ang dala ko sa iyo. Hindi mo alam, inaalala rin kita dahil kaibigan kita. Heck, I even run here nang mareceive ko iyong message mo. We've been best friends for years pero wala ka pa rin tiwala sa ibang sinasabi ko porque maloko ako!" "That's why I'm saying sorry, okay?! Would you chill the f**k up!" Tumayo ako at hinarap siya. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya dahil sa pagbubulyaw niya sa akin. As a matter of fact, mas inis ako sa sarili ko dahil totoo ang mga sinabi niya. I really need to trust him more. "Watch your language, Eru! Mas malilintikan ka kapag narinig ka nina Tita, sinasabi ko sa iyo!" "I'm old enough para magpasya kung anong salita ang babanggitin ko!" Seriously, they need to stop restraining me on the words that I use. Oo, alam kong goody two-shoes ako pero I love cussing kaya ayoko talaga kapag pinagagalitan nila ako kapag nagmumura ako. "Teka nga, bakit ba ikaw iyong galit rito ngayon?" Itinulak niya ako paupo sa kama saka humila ng isang upuan at ipinwesto sa harapan ko. Umupo siya rito saka ipinagkros ang mga braso. "As far as I know, ako ang dapat nagbubunganga rito. Anong karapatan mo para magalit, eh, in this situation, ako dapat ang galit?" "Fine. Sorry." I resigned. Tama siya. Dapat ako pinagagalitan niya. It's for my own good naman kasi. "Again, sorry. I promise to trust you more, Ramirez. Kung kailangan mo akong iguide, then do so." Yeah, I really need someone to guide me aside from my parents. In a way kasi, aminin ko man o hindi, matino rin talaga magpayo ang mokong na ito. Minsan nga lang talaga, sablay kaya nawawalan ako ng tiwala sa mga payo niya. Kaya nga siya nagalit, eh. "Iyan iyan iyan." I had a mouthful of advise from him. Iyong iba, walang kwenta. Iyong iba, in a way, may sense naman. The following morning, hindi muna ako pumasok at nagcall in. Ayoko man pero iyon ang payo ni Drew. I fought for what I need - and that is to come to work pero hindi ako nanalo. Iniisip ko kasi, sayang ang araw kaya nakipagtalo talaga ako. Kahit ayoko sa office at nagdedecide na ako magresign, sayang pa rin ang araw. Nagpumilit kasi siya na huwag ako pumasok. And when I didn't listen, he forced me to call in. Siya pa nagdial sa number ng office. He said, he'll even pay me for my day. Ni hindi na nga siya umalis sa unit ko dahil sa ipinagpipilitan niya ang gusto niya. In the end, hindi siya umuwi at talagang tinabihan ako sa kama para hindi daw ako makatakas. Alam ko na nagalit rin talaga siya sa boss ko. Kahit dati pa nang magsimula ako sa trabaho, vocal siya kung gaano niya hindi kagusto ang boss ko. Even my officemates, hindi niya rin talaga gusto. Ewan ko ba sa taong ito. Masyadong possessive na hindi mo maintindihan. Nagstay lang kaming dalawa sa unit habang naglalaro ng video games at nagbinge watch ng horror movies. Again, nagtalo kami dahil pinipilit ko siyang pumasok. Graduating kasi tapos umabsent dahil tinatamad raw siya. Kampante naman ako na kahit umabsent siya, makakapasa siya. Hindi man kasi halata, matalino rin ito tulad ng kuya ko. "Gago ka, ipinabalik mo pala sa katulong namin lahat ng gamit ko sa bahay namin?! Wala na akong susuotin na malinis rito sa unit mo! Even my underwears!" I silently laughed when I read his message. Siraulo kasi, nawiwili na mag-iwan ng maruruming damit sa unit ko. Nauna kasi akong nagising sa kaniya kaya hiniram ko kay Tita iyong katulong nila para kuhanin iyong mga gamit niya sa unit ko. Ayaw niya kasing umaalis na may bitbit na gamit kaya iyong ibang gamit niya, iniiwan niya na lang either sa unit ko o sa bahay nila. Ang tamad niya, sobra. Dalawang kanto lang layo ng subdivision nila sa building na tinitirahan ko tapos pagbibitbit na lang ng kaonting gamit, inaayawan niya pa. Hindi bale sana kung may renta ang pagpwesto niya ng mga gamit niya sa unit ko. "Masyado ka nang feel at home sa unit ko. And please use po and opo kapag ako kausap mo. Remember, I'm three years older than you." I pressed send saka pumasok sa elevator. Crowded, sobra. Ayoko talaga sa elevator, lalo na kapag ganitong crowded. Sobrang tahimik. It's so awkward at minsan, hindi ko pa gusto ang amoy ng iba. Gusto ko na nga lang minsan maghagdan kahit nasa 19th floor ang lungga ko. Nagvibrate ang phone ko as soon as I stepped out of the elevator. Pagkaopen ko nito, napangisi ako dahil sa message ni Drew. "Pakyu! P.S: Stay away from your boss kung hindi susugurin kita diyan!" Buong araw akong tahimik, as usual. This has always been my routine since day one. Hindi ko alam kung bakit ilang na ilang iyong iba makipagkaibigan sa akin, or even talk to me. Makipag-usap man sila, work related lang. Is it because of my family? Parang naging curse pa tuloy na Eru ang apelyido ko pero that's stupid. Maayos ang pamilya ko; maraming natutulungan at napapasaya kaya hindi ko dapat isipin na curse ang apelyido ko. As for my boss, nagmemessage ito at nangungulit, asking me to forgive him and kung hindi raw ba mutual ang nararamdaman namin. For f**k's sake, I've only been here for three months tapos kung makadeclare ito na gusto ako, grabe. Isa pa, nandito ako para magtrabaho hindi para lumandi. Iniiwasan ko rin talaga ito dahil baka may mangyari na namang hindi inaasahan. Nakipagkulitan lang rin ako kay Drew through Messenger. Siguro lagpas fifty times kung ilang beses niyang tinanong kung lumalapit ba ang amo ko sa akin. I sent him the pictures of me and my boss' conversation at grabe ang inis niya rito. Tadtad ng mura at pagbabanta niya ang message box namin dahil ayaw niya akong papalapitin sa amo ko. Namura ko lang siguro siya ng isang beses dahil naflood na talaga ng mura ang box namin. Everything was good at the office - aside sa messages ng boss ko. Everything was going well dahil akala ko, hindi ako mabubulabog but I was wrong. I was f*****g wrong dahil narinig ko ang pagchichismisan ng dalawa kong officemates na babae. They were talking about the how our boss flirts with me and how I'm 'so pahumble', kesyo ganito ganiyan. As if naman na gusto ko. Kung gusto nila, sila na lang landiin ng taong iyon, eh. May pahumble pa silang naiisip. It sadden me. Umalis nga ako sa bahay namin para makalayo sa pagkukumpara sa akin at sa kapatid ko tapos ganito pa mangyayari sa akin rito. I thought this would be my escape pero mali pala ako. I should've seen this coming lalo pa't maingay ang pangalan ng pamilya ko. Siyempre, pati ako damay. "Mom," bungad ko nang makita ko itong nakaupo sa sofa sa salas ng unit ko. Napatingin ito sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik saka ito nilapitan at niyakap. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. I missed her. "Wala naman. I just thought, why don't I visit you and see how you're doing." Iginiya ako nito paupo saka kinuha sa akin ang bag ko, na itinabi niya lang rin sa gilid niya. "Medyo maluwag ako ngayon dahil tapos na ako sa filming." "Good to hear. Bakit hindi ka na lang umuwi at nagpahinga?" "Hindi ka pa ba babalik sa bahay?" nakasimangot na tanong nito. Binalewala pa ang tanong ko. "Namimiss ka na namin." "Mom, alam niyo naman kung bakit ako umalis, hindi ba?" "I know pero kasi, you, thinking that you're being compared to your brother or sister isn't right. Alam mo naman iyon, hindi ba? Ilang beses na namin sinabi ng dad mo na all of you are great on your own ways. Isa pa, everybody misses you." "Mom, I know that you know na hindi kami magkalevel ni Kuya at Izzy. Walang wala ako sa kanila. Maybe in your heart pantay kami pero sa achievements nila, walang wala ako. The only thing that I gave you guys are my diplomas, nothing else - no medals, recognitions, achievements, throphies, nothing." "That's not true." Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi saka ako tinitigan sa mata. Pakiramdam ko, nasaktan ko si Mama dahil sa mga nasabi ko. Wala naman akong magagawa dahil iyon ang totoo. Iniisip ko nga, ako ang black sheep sa pamilya namin. "You guys are equal-" "We're not, Mom. Kaya nga ako humiwalay sa inyo, hindi ba? Because I want to prove to everyone that I can also do things on my own; that I can live alone; that I can stand on my own two feet; that I can achieve great things just like my brother and sister." Nginitian ko si Mama saka hinawakan ang mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. "Just let me do this, Mom. I need this. I just need to assure myself na kaya ko talaga." "If that's what you really want, wala na akong magagawa." Ngumiti ito ng bahagya saka pinisil ang ilong ko. "Just always remember na we love you and we are proud of you. Nandito lang kami, okay?" Thanks, Mom. I needed this type of talk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD