Gabby Pinanuod ko lang siya mula sa malayo habang papaakyat siya ng stage. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti kahit na sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko dahil sobrang saya ko para sa kaniya. I'm so proud to see him graduate and be recognized as a magna c*m laude. All of his hard work paid off. Ang dami niyang inendure just to maintain his grades. Hindi man ito ang pinakagusto niyang kurso, masaya pa rin ako para sa kaniya dahil at least, nakapagtapos siya. Nang matapos ang ceremony, nagpunta kaagad ako sa gitna ng school grounds. May punong nakatayo rito na pinalilibutan ng bench kaya dito ako umupo. Dito rin kasi namin napag-usapang magkita once na matapos na ang ceremony. Majority ng nakikita kong tao, mapa-estudyante, magulang o kamag-anak ng mga grumaduate, nakangiti haban

