Gabby "Are you coming with us?" Binuksan ko ulit ang blower saka ko ito itinapat sa buhok ko. "Gusto ko, Babe. Problema lang, nilalagnat ako." "What?" Napatigil ako sa pagbo-blower saka ko ito pinatay at inilapag sa vanity mirror. "What do you mean may sakit ka?" "Sorry. Dapat pala nakinig ako sa iyo kahapon." I sighed bago ko isinandal ang likod ko. Ang tigas kasi ng ulo nitong lalakeng ito. Sinabi ko nang huwag na maligo sa ulan kahapon, nagpumilit pa rin kasi, as to what he said, minsan lang umulan ng malakas. "What did I tell you?" "Sorry. Pero kaya ko pa naman. Sasama ako." "And make me and my family worried? No. Kahit magskip ka na. We still have a lot of Sundays naman para magsimba. Missing one wouldn't hurt." "It will. Spiritually. Hello." Umubo siya sa kabilang linya kaya

