CHAPTER TEN

1393 Words
PUNUNG-PUNO ang studio kung saan ginaganap ang live telecast ng pinakasikat na musical variety show sa bansa.  Isa sina Niko at Trishia sa napakadaming tao na nasa audience area.  Nando'n sila sa unahan nakaupo.  Kanina pa napapansin ni Niko na hindi mapakali sa sobrang excitement ang pamangkin.  Kahapon pa ito walang tigil sa kakasabi sa kanya kung gaano ito ka-excite na mapanood sa studio ng live ang naturang musical variety show.   Naging posible ang pagpunta nila dito dahil kay Atasha.  Mag-gu-guest kasi ito ngayong araw kaya inimbitahan sila nito na manood doon.  Dahil sa dalaga ay hindi na sila pinagbayad ng entrance fee, nabigyan din sila ng magandang puwesto sa unahan.  Sabi ni Atasha sa kanya, ito daw ang mag-o-open ng show.  Hindi na siya makapaghintay na marinig itong muling kumanta ng live.  The first time he heard her sing live was during their town fiesta and he had shivers all over after her performance.   Ang tanging hiling lang niya pagkatapos ng show na 'to ay makapag-usap silang muli.  Pagkatapos kasi nung naging pag-uusap nila sa penthouse nito tatlong araw na ang nakakaraan, hindi na sila muling nakapag-usap pa.  Oo, hiniling nito na maghintay siya.  Pero hindi naman siguro ibig-sabihin no'n na hindi na sila dapat mag-usap.  He missed talking to her.  Sa mga nakalipas na linggo ay parang naging parte na ng araw-araw na buhay niya ang marinig ang tinig nito.  But every time he was tempted to call her, maiisip niya agad na kailangan ng dalaga ng oras para makapag-isip without him bothering her.   Ayaw man niya, he can't help but to feel hurt nang malaman niya ang tungkol sa naging relasyon nito kay Trey.  Alam naman niya sa simula pa lang na meron itong ibang minamahal.  Pero hindi pa rin pala siya handa na makaharap ang lalaking 'yon.  To be honest, malapit na siyang mawalan ng pag-asa na siya ang pipiliin ni Atasha.  Ano nga bang panama niya sa lalaking naging malaking parte ng buhay nito?  He was there during the time when she needed someone to lean on.  Binago nito ang buhay ng dalaga.  Anong maipanlalaban niya do'n?  The only weapon he has was his unwavering love for her.   Yes, he loved her.  Hindi niya alam kung kailan nagsimula, maybe during the time their eyes first met or when she first smiled at him.  Pero hindi naman na mahalaga pa 'yon.  Ang mahalaga ay ang kasiguraduhan niya sa kanyang nararamdaman.  Mas napagtibay pa 'yon after that moment they made love.  He didn't expect that loving someone could be like that.  'Yon bang tipong nalulunod ka na sa sarili mong damdamin and the only way you could prevent yourself from drowning was to be one with that special person.  It's like she was his missing piece.  A piece that will fill him completely.   Narinig niya ang pagsasalita ng stage director, signalling the audience that the show was about to start.  Maya-maya pa ay pumaimbabaw ang isang voice over, welcoming them to the show.  Then namatay ang lahat ng ilaw.  At nang muling bumukas 'yon ay nasa gitna na si Atasha.   "Ate Asha looked so pretty," buong paghangang wika ni Trishia.   And he couldn't agree more.  Nakasuot ito ng kulay itim na goth-dress that barely reached her knees.  May mga kulay asul na highlights ang mahaba't itim na itim nitong buhok.  She looked like a very beautiful goth doll.  Pero para sa kanya, pinakamaganda pa rin ito ng walang make-up.   Lumapit si Atasha sa mic stand at nagsimula nang tumugtog ang banda sa likudan nito.  Hindi siya pamilyar sa melody ng kanta na tinutugtog ng mga ito, but than no longer mattered as soon as Atasha sang.   "I'm not a perfect person.  There's many things I wish I didn't do.  But I continue learning, I never meant to do those things to you.  And so I have to say before I go, that I just want you to know..."   He was instantly captivated.  By her voice, by the music, by the lyrics of the song.  She was singing it with so much heart na talagang madadala ang sinuman sa emosyon na ipinaparamdam ng kanta.  At hindi nito inaalis ang mga mata sa kanya habang inaawit nito 'yon.  "I'M SORRY that I hurt you.  It's something I must live with every day.  And all the pain I put you through, I wish that I could take it all away and be the one who catches all your tears.  That's why I need you to hear...  I found a reason for me, to change who I used to be.  A reason to start over new.  And the reason is you."  Malakas na palakpakan ang sumalubong kay Atasha nang matapos niya ang kantang 'The Reason' by Hoobastank.  Pero sa iisang tao lang nakatuon ang atensiyon niya.  Kay Niko.  Nakaupo ito sa unahan, kitang-kita niya ito mula sa kinatatayuan niya.  At kagaya niya, sa kanya lang din nakatuon ang atensiyon nito.  Kinuha niya ang mic mula sa mic stand.  Oras na para gawin niya ang tunay na dahilan kung bakit nag-guest siya sa variety show na 'yon.  At kung bakit niya inimbitahan na manood doon sina Niko.  "Hi everyone!  Dedicated nga pala ang kantang 'yon sa isang napakaespesyal na tao na nandito ngayon.  Siya na yata ang pinakamabait na tao na nakilala ko.  He accepted me even after knowing all my flaws and imperfections.  And for that I will always be grateful.  You showed me what it means to love someone completely.  Ang mahalin ang isang tao ng buong-buo nang walang hinihinging kapalit.  That's what you did.  Loving me so selflessly na wala ka nang pakialam kahit na nasasaktan ka na."  Naglakad siya patungo sa kinauupuan ni Niko, who was currently staring in awe at her.  Aware din siya na lahat ng pares ng mga mata do'n sa studio, pati na rin lahat ng camera ay nakatuon sa bawat galaw niya.    "But I don't want to hurt you anymore.  Heck, I'm wishing na hindi na nga dumating yung pagkakataon na muli kitang masasaktan.  Pero sa ngayon, isang bagay lang ang gusto kong malaman mo.  Isang bagay na dapat ay noon ko pa sinabi sa 'yo, but I was just too stupid to realize my own feelings.  To realize that I was falling for you."  Hinawakan niya ang kamay ni Niko at hinila ito patayo.  Nang makatayo na ito ay tiningnan niya ito sa mga mata at nagwika, "I love you, Nikolo Montreal."  A wave of different emotions crossed his face, from shock, to wonderment, and finally to something like happiness, bago tuluyang mamula ang mukha nito.  Hindi naman niya mapigilang mapatawa.  Ang mga manonood naman na nakasaksi sa pangyayari ay walang tigil sa paghiyaw.  Inilapit niya ang mic sa bibig para marinig pa rin ang boses niya sa kabila ng hiyawan.  "I might not have loved you the moment we met, I might not have even loved you the days after that, but believe me now when I say that I love you.  We might not have that heart-stopping kind of love that everyone wants, maaari ngang sabihin ng iba na napaka-boring ng love story natin.  Pero wala akong pakialam.  Ikaw na ang buhay ko ngayon, Niko.  And I will spend everyday of my life proving to you that I deserve your love."  Ngumiti naman ito, waring hindi na alintana ang mga taong nanonood sa kanila.  "You don't have to proove anything.  Sapat na sa 'kin yung sinabi mong mahal mo ako.  I love you, Atasha."  Ikinulong siya nito sa mga bisig nito.  Mas lalo pa tuloy naghiyawan ang mga tao.  "You do know that this is being telecast nationwide, right?" bulong nito sa kanya.  "Yup.  Kaya nga dito ko ginawa ang grand confession ko.  Baka kasi hindi ka maniwala kaagad kapag sinabi kong mahal kita.  At least here, in front of all these people, wala kang choice kundi tanggapin ang nararamdaman ko," ganting bulong niya.  Napatawa naman ito.  "Believe me, when you say you love me, I don't have any other choice but to believe you.  Sa mga katagang 'yon lang naman nakasalalay ang kaligayahan ko."  "Kiss!  Kiss!  Kiss!" malakas na sigaw ng audience.  Tumingala siya kay Niko.  "Narinig mo 'yon?  Kiss daw."  "Then I'll gladly oblige."  Binagtas nito ang pagitan nila at sinakop ang kanyang labi.  At kapwa na lang sila nagkatawanan nang bigla na lang silang sugudin ng yakap ni Trishia. WAKAS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD