ISANG ngiti ang awtomatikong sumilay sa labi ni Atasha nang imulat niya ang kanyang mga mata. Ibinaling niya ang mukha sa kabilang panig ng kama at dagling naglaho ang ngiti sa kanyang labi nang hindi niya masilayan ang taong inaasahan niyang nando'n lang sa tabi niya. Tumayo siya at dinampot ang isang nakakalat na poloshirt sa carpeted na sahig. Isinuot niya 'yon para kahit paano ay matakpan ang kanyang kahubdan.
She was immediately engulfed by his scent and just like that, muli na namang nagbalik ang ngiti sa kanyang labi. Lumabas na siya ng kwarto at agad niyang nakita ang hinahanap. He was standing in front of the window which was overlooking the city of Makati. Wala itong suot na pang-itaas, she could perfectly see the firm muscles of his back. Hindi na niya napigilang lapitan ito at ipulupot ang mga braso sa beywang nito.
"Trey, bakit gumising ka kaagad? May ilang oras pa naman bago ka bumalik sa trabaho. Let's go back to bed, or," sinimulan niyang igalaw ang mga kamay and started tracing circles on his stomach, "do you want to do something else?" wika niya, in a teasing tone.
Pinigil nito ang kamay niya at humarap sa kanya. "As much as I want to sweetheart, may gusto muna akong sabihin sa 'yo."
Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito and stared at his handsome face. Kahit siguro gaano katagal na panahon pa ang lumipas, hinding-hindi siya magsasawa na pagmasdan ang mukha nito. A face that can immediately make her heart beat like crazy. "Hindi ba pwedeng mamaya na lang?"
"Asha," wika nito, calling her by her nickname. "I'm getting married."
"Ano?" aniya, hindi sigurado kung tama ba ang narinig.
"I'm getting married," ulit pa nito na para bang isang napakakaswal na bagay lang ang sinabi nito.
Bumitaw siya dito, kasabay no'n ay ang unti-unting pagrehistro sa kanya ng sinabi nito. Ang kasiyahang nadarama niya kanina ay agad na napalitan ng matinding galit. Ubod nang lakas niya itong itinulak. Nagbabadya nang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Damn you, Treyton! So ano pala 'to, farewell s*x, gano'n?"
"It's only a marriage of convenience. Pareho kaming makikinabang sa kasal, kaya pumayag na 'ko. At isa pa, kahit siguro makasal na ko, I will still keep coming back to you." Bumaling ito sa kanya and his lips formed a sly smile. "You know how much I love your body."
Lalo lang nag-igting ang galit na nadarama niya dahil sa sinabi nito. Para kasing sinabi na rin nito na ang katawan lang talaga niya ang habol nito sa kanya. "I hate you."
Hinigit siya nito, making their bodies collide. "Oh come on, Asha. Alam naman natin pareho na mahal mo 'ko," ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. "At kahit na gustuhin mo pa, you can never get rid of that feeling."
At siniil siya nito ng halik sa mga labi.
Gusto niyang magwala, gusto niya itong itulak palayo, pero hindi niya magawa. Sa halip ay tinugon niya ang halik nito, kissing him with every bit of anger and pain she was feeling. Dahil kahit na ano pang gawin niya, hindi niya magawang itanggi ang mga sinabi nito. She loved him. No matter how much she doesn't want to, she loved him. And she hated him more for that.
NANGGIGIL na ibinato ni Asha ang tablet sa pader ng dressing room niya. Ang tunog ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga parte no'n ang nakatawag ng pansin ng PA niyang si Rina. Akma sana nitong dadamputin 'yon pero agad niya itong sininghalan. "Don't touch that!" Dinampot niya ang handbag at dumiretso sa pinto ng dressing room.
"Miss Asha, saan kayo pupunta? Malapit na pong magsimula ang shooting ng music video niyo," pigil sa kanya ni Rina.
"Wala akong pakialam," galit na wika niya at tuluyan na siyang lumabas.
Dire-diretso lang siya sa paglalakad, walang pakialam sa mga nagtatakang tingin na binibigay sa kanya ng mga taong nakakasalubong. Nang makita niya ang kotse ay agad siyang sumakay doon. Pinaandar niya ang sasakyan palabas ng resort. Ang resort ay nasa probinsiya ng Quezon. Dito i-shu-shoot ang ilan sa mga eksena ng bago niyang music video.
Pero bago pa man magsimula ang shooting, she had the unfortunate pleasure of logging in into her i********: account. Doon nakita niya ang naka-post na larawan ni Treyton at nang fiancée nito, happily smiling together and announcing their engagement. Sa labis na galit na nadama ay hindi na niya napigilan na ibato ang tablet niya. It was just so unfair. Dahil sa kabila ng galit, mas nananaig pa rin ang sakit na nadarama. At isang tanong lang ang paulit-ulit na nag-e-echo sa utak niya, why can't Treyton love her?
Nakilala niya si Trey six years ago when she was still a spoiled and naive teenager. Nagkakilala sila during the darkest time of her life. Kakahiwalay pa lang no'n ng mga magulang niya. She didn't know how to cope up with the pain and sadness that she felt. Umalis ang tatay niya patungong Amerika, leaving her with her mother. Sa kanyang ina na wala nang ibang ginawa kundi magpakalunod sa alak. Wala siyang ibang matakbuhan. And she started falling in with bad crowds.
Hindi na siya pumapasok sa eskwelahan. Tuwing gabi ay lagi siyang nasa bar, partying nonstop. Lahat ng klaseng bisyo ay pinasok na niya, alak, sigarilyo, even drugs. At eighteen, she had already lost her virginity. It hurt, it didn't even feel good. Pero wala siyang pakialam, she gladly welcomed the pain. Because feeling the pain meant she was still alive. Na kahit gaano pa niya kagusto na mawala na sa mundong ito, may parte pa rin niyang nananatiling gustong mabuhay.
And then she met him. Treyton Villaruel.
Nasa isang bar siya no'n at kumakanta. Napilit kasi siya ng isa niyang kakilala na may banda na humalili muna sa lead singer ng mga ito. Paminsan-minsan kasi kapag wala siyang ginagawa ay sumasama siya sa mga gig ng mga ito. Pagkatapos ng performance nila, lumabas muna siya ng bar para manigarilyo. At noon ito lumapit sa kanya. She could still remember the things he said to her back then.
"You're good," wika ng isang tinig sa may likuran niya.
Nilingon ni Asha ang pinanggalingan ng tinig, it was a guy and a teasing smile immediately crossed her lips when she saw his face. Sa kabila kasi ng kalasingan niya, hindi pa rin nakalampas sa kanyang pansin ang taglay nitong kagwapuhan. Tall, mestizo, with a perfect straight nose, and a pair of very arresting coal black eyes, he was in no doubt very hot and definitely gorgeous.
Lumapit siya dito. "If you're trying to pick me up, hindi mo na ko kailangang purihin. One smile and I will gladly go with you."
Tumawa naman ito ng malakas, his eyes dancing with amusement. "I'm not only going to pick you up. I'm going to make you a star." Nagtaka naman siya sa sinabi nito. "Alam mo ba kung ano ang una kong naisip nung nakita kitang kumakanta sa stage kanina?" Isang marahang iling naman ang naging sagot niya. "That I finally found a very special treasure." Hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya. "And that's you, sweetheart."
At 'yon na nga ang naging simula ng lahat.
Ipinakilala ni Trey ang sarili nito bilang presidente ng isang bagong music label. He said that he wanted to scout her and make her the new singer of his company. Pinagtawanan lang niya ito nung una at sinabihan na nababaliw na ito. Pero nginitian lang siya nito and said that it will be his life goal to make her a famous singer. Naisip niya na talagang nasisiraan na ito ng ulo. How can an addict be a famous singer? But the thing was, hindi ito sumuko sa kanya. At that time when everybody else already considered her as a lost cost, a trash by society's standard, he stayed. He stayed and showed her that there was still something good about her. At 'yon ay ang kanyang tinig.
Hindi na niya napansin na unti-unti na niya itong pinapapasok sa buhay niya. Sa tulong nito ay paunti-unti niyang iniwan ang kanyang mga bisyo. He helped her to get clean. Muli siyang bumalik sa pag-aaral. Hindi lang 'yon, pati ang nanay niya ay nakumbinsi rin nito na mag-undergo ng rehabilitation para maalis na ang pagka-adik nito sa alak. That moment was a life changer for her. Seeing her mother crying in front of a complete stranger, telling him that she wanted to change, that she doesn't want to hurt her daughter any longer. Simula sa puntong 'yon, ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para lang makabawi sa lahat ng kabaitan na ipinakita sa kanya ni Trey.
Kaya naman pumayag siya na maging contract singer ng kumpanya nito, ang Reagent Recording. At that time, isa pa lang itong bagong tayong music label. Mabibilang lang sa daliri ang mga contract artist nito. Nang mapabilang siya sa kumpanya nito, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na sisikat siya. Pero minahal ng masa ang boses niya. Her first single hit number one on every chart in the country. Simula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat niya. At ngayon nga ay siya na ang tinaguriang 'Pop Rock Princess' ng bansa.
Isa na siyang sikat na mag-aawit ngayon, maayos na rin ang nanay niya. Sa katunayan nga, proud na proud ito sa lahat ng tagumpay na nakamtan niya. Pero ang lahat ng tagumpay na 'yon ay dahil kay Trey. Wala siya ngayon sa kinatatayuan niya, if he did not see her on that bar that night. Para sa kanya, si Trey ang kanyang tagapagligtas. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang mahulog ang loob niya dito. Pero hindi naman nagpapakita ng interes sa kanya ang binata. Kung tratuhin siya nito ay para lang siya nitong nakababatang kapatid. She hated it. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon, she seduced him.
Hindi naman siya nito tinanggihan. Sino nga ba ang tatanggi kung grasya na mismo ang nalapit sa 'yo? They have been sleeping together for the past two years. Nung umpisa ay sapat na sa kanya 'yon. Sa buong panahon naman na magkasama sila, he never had an affair with another woman. Pero para dito ay purely physical lang ang relasyon nila, but for her it was more than that.
Sa simula pa lang naman ay sinabi na nito sa kanya na walang commitment sa klase ng relasyon na papasukin nila. Siya lang itong tanga na pumayag sa gano'ng klaseng set-up. Anything just to give her a reason to be with him. But even she reached a point where she wanted more. Dahil sa bawat pagniniig ng kanilang mga katawan, she gave a little part of her to him. Kaya naman ngayon na dapat nang matapos ang lahat, baon na baon na siya. Na hindi na niya alam kung paano pa siya bibitaw.
Nang sabihin nito sa kanya na ikakasal na ito, pakiramdam niya ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Umaasa pa rin siya hanggang ngayon na isang malaking biro lang ang lahat. Pero nang makita niya ang larawan ni Trey at ni Nadine Angeles, ang babaeng mapapangasawa nito, unti-unti nang nag-sink in sa kanya that this was really happening. The guy she loved for the longest time was really getting married.
Parang pinipiga ang puso niya sa tuwing naiisip niya 'yon. Hindi niya matanggap na malapit nang mawala sa kanya ang binata. Gustung-gusto niya itong ipaglaban, but what's the point on doing that when he obviously doesn't feel the same way about her? Maybe I should have just gotten myself pregnant. Napatawa siya ng pagak. Would she really stoop to that level? Na pipikutin niya ito para lang matali ito sa kanya? No, hindi niya kayang gawin 'yon dito. He, at least, deserved that much from her. But doesn't she also deserve more than this from him? More than this wretched pain?
Noon biglang tumunog ang cellphone niya. Wala sa loob na sinagot niya 'yon, it what either her manager or her PA. "What?"
"It's me, Asha," wika ng tinig na napakapamilyar na sa kanya. "Nasaan ka?"
"None of your God damn business, Treyton," pasinghal na sagot niya.
"Tinawagan ako ng manager mo. Bigla ka na lang daw umalis sa shooting ng MV mo. Be a good girl and go back Asha. Don't cause any more problems."
"So gano'n na pala ang tingin mo sa 'kin ngayon, a problem? Well, let me tell you this, I won't go back. I can't do this anymore. Ang sakit-sakit na Trey," sa puntong 'yon ay tuluyan nang nabasag ang tinig niya. "Just... just give me some time to be alone. Please." And she hunged up.
Tinapakan niya ang preno ng kotse para huminto ang sinasakyan. Lumabas siya at luminga sa paligid, tanging mga bundok at mga puno lamang ang nakikita niya. Ni hindi man lang niya alam kung saan na siya nakarating. Tinitigan niya ang bangin na nasa harapan. It really seemed a good idea to throw herself at this cliff right now. Anything just to end all this unnecessary pain. Tuluyan nang nalaglag ang mga luhang kanina pa niya kinikimkim. Umabot na ba talaga siya sa punto na pati pagpapatiwakal ay kinukunsidera na niya?
No, she's stronger than this. Magagawa niya muling umahon. So she did the only thing she can do, she cried. She cried and cried until she felt that there's no more tears left in her. Ang tanging gusto lang naman niya ay mahalin din siya ni Trey. Pero alam niyang malabong mangyari 'yon. He can never love her, not the way she wanted. Pero hinayaan pa rin niya ang sarili na mahulog dito. Kaya heto siya ngayon, labis-labis na nasasaktan.
She needed a sanctuary, somewhere where she can feel safe, where she can forget all this pain. She needed someone to save her.
And that's when he came.
Sa pagkagulat niya ay may bigla na lang humigit sa braso niya mula sa likuran. Iniharap siya ng kung sino mang taong 'yon at hinawakan sa magkabilang balikat. It was a guy wearing a white t-shirt and faded jeans. Magulo ang buhok nito na wari bang hindi man lang nadadaanan ng suklay. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.
"Miss, huminahon ka lang. Kahit na ano pa mang problema ang pinapasan mo ngayon, hindi pa rin 'yon sapat para wakasan mo ang buhay mo," puno ng emosyong wika nito.
Napatanga naman siya dito. Hindi yata't iniisip ng lalaking ito na magpapakamatay siya.
"Tandaan mo yung kasabihan na there's always a light after the tunnel. Maaaring ngayon iniisip mo na hindi mo na kaya pero darating din yung panahon na magiging maayos din ang lahat. Hindi pa siguro 'yon ngayon o posibleng hindi rin bukas, but surely it will come." Banayad nitong pinawi ang mga luhang naglalandas pa rin sa pisngi niya. "So please choose to live. Live and conquer all your fears. 'Wag ka agad-agad sumuko."
She was completely taken aback. Hindi niya tuloy napigilan na titigan ang lalaki. His eyes were the color of dark chocolate, full of warmth and kindness. Napailing siya. Hindi makapaniwala that this man, this stranger with genuine care and compassion in his eyes, could somehow ease the pain she was feeling. Even just for a little bit. At kahit pa nga halata namang wala itong kaide-ideya sa mga pinagsasasabi.
Kahit hindi niya gusto ay hindi na niya napigilang mapatawa. "I'm not trying to kill myself."
Wari namang napahiya ito dahil bigla na lang itong namula. It made him looked so adorable. "I- I'm--"
Dali-dali nitong inalis ang palad nito na nakadampi sa pisngi niya. Pero agad niyang inabot ang kamay nito at idinamping muli ang palad nito sa pisngi niya. At natagpuan na lang niya ang sariling nagwiwikang, "Do you believe in love at first sight?"