Chapter 9

3306 Words
NASILIP niya mula sa garden ang mama ni Didrey. Wala kasi siyang magawa ng hapon na iton at kakatapos lang niyang mag siesta. Nagpapahinga pa din kasi ang kapatid niya. At isa pa, wala silang itinerary. Marami na din silang nagawa na nasa bucket list ng kapatid niya and they enjoying it that much. Halatang pinagplanuhan iyon ni Alyssa. Tumikhim muna siya para makuha ang atensyon ng ginang na abala sa pagtingin ng photo album na hawak nito. Agad na nginitian siya nito ng Makita siya at sumenyas na maupo sa tabi nito. “Join me, hija.” Pagkaupo niya ay nakatingin din siya sa larawan. At kung hindi siya nagkakamali ay mga baby pictures iyon ni Didrey James. “Nasumpungan ko lang tignan yung mga pictures ni Didrey. He was cute lalo na nung baby siya.” Napatango siya. Tama nga ang ginang. Ang cute ng binata nung baby pa ito. “Daddy’s boy yang si Didrey. Hindi nga mawalay sa anino dati ng daddy niya yan. Kung nasaan si Derrick asahan mong nandoon din siya. Kaya nga matagal bago naming nasundan siya.” Pareho pa silang napahagikgik sa sinabi ng ginang. Marami pa silang pictures na tinignan. Hanggang sa mapunta sila sa age na nakilala niya ang binata/ Isang picture ang pumukaw siya interest niya. Ang larawan na iyon ay parang kuha sa ibang bansa. After break up nila ay nagpunta sa ibang bansa ang binata? She have no idea. Nawalan na kasi sila ng communication noon. “Saano poi tong kuha na ito, Tita?”hindi nakatiis na tanong niya. Napansin niyang parang bigla itong nalungkot. “That picture was taken ten years ago. Sa America yan kinuhaan.”sabi nito sabay hinga ng malalim. “M-may nangyari po bang masama sa kanya that time?” Hinimas muna nito ang larawan bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ten years ago haloks nalugi ang lahat ng business ng pamilya ko. Na bankcrupt ang mga negosyo ng parents ko at napakalaking epekto niyon sa buong pamilya. Hindi iyon nakayanan ni Daddy kaya inatake siya sa puso. That time, nineteen years old pa lang si Didrey. He was close to his grandfather kaya dinamdam iyon ng husto ng anak ko. Bata pa lang si Didrey ay tine-train na ni Daddy dahil gusto niyang ito na ang humawak ng company niya that time.” Napansin niyang ikinuyom nito ang kamo marahil ay naalala nito ang nangyari ten years ago. “Dahil sa kasakiman ng tanong iyon ay namatay ang Daddy ko. Kaya hinding hindi ko siya mapapatawad. Tanging naiwang lang samin ay ang hospital ng asawa ko. Kalahati ng ari arian naming ay napunta lang para makabayad sa utang naming sa bangko. At kalahati noon ay kinamkam ng demonyong iyon.” “That time, noon ko lang napansin ang galit ni Didrey. Alam kasi niya kung ano talaga ang totoong nangyari. He promised to my father’s grave na babawiin niya ang lahat ng nawala at inagaw sa pamilya naming. Ang buong akal ko ay hindi siya seryoso dahil na rin sa bata pa siya noon. Then we decided to migrate In America. Doon nagbaog ang pananaw ni Didrey. Naging seryoso na siya sa pag aaral. In two years, nabalitaan ko anlang nakikipagsosyo siya sa negosyo sa kapatid ko. Halos buong buhay niya ay isinubsob niya sa negosyo hanggang sa unti unti kaming nakabangon. He build his own empire at ang mga dati anming negosyo ay nabawi na niya. He missed half of his life. Hindi niya iyon naenjoy dahil sa nangyari. But im happy kung ano ang naabot niya ngayon.” Huminga muna ito ng malalim saka siya binalingan. “Luzzel, thank you for giving may son a second chance. Hindi ko man alam ang nangyari sa inyo sati pero kung anuman ang kasalana na nagawa niya sana napatawad mo an siya. After ten years, ngayon ko lang nasilayan ang ngiti ng anak ko.” Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya saka pinisil iyon “Can you stay beside him? Ikaw lang ang nagpapangiti sa kanya.” Ginantihan lang niya ng pagpisil ang ginang sa sinabi nito. “COME ON, ATE!”excited na tawag sa kanya ni Alyssa. Natatawang sumunod nalang siya dito. Balak kasi nilang mag bonfire sa tabing dagat ng gabing iyon. Isa kasi iyon sa bucket list ng kapatid niya. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Didrey james sa kamay niya. Mula pa kanina ay hindi na nito binitiwan ang kamay niya. Ginantihan niya iyon ng matamis na ngiti. Sabuong durasyon ng pag stay nila sa isla ay walang oras na hindi sila magkasama ng binata. At aaminin niyang Masaya siya. Shes happy being with Didrey James. She feels like a dream come true. Alam niyang unti unting umuusbong ang pagmamahal nya sa binata na matagal na panahon ng naibaon niya sa kaibuturan ng puso niya. “It’s a wonderful night, darling. Ang ganda ng buwan.”narinig niyang sabi nito. Doon lang niya napgtuuanan ng pansin ang buwan. Full moon ng gabing iyon at napakaliwanag ng paligid sa tulong niyon. Pakiramdam niya ay napaka romantic ng atmosphere ng mga oras na iyon. “Yes. Napakaganda ng moon ngayon.”ani niya. Napapitlag siya ng bigla siya nitong akbayan. “Sabi ng matatanda, kapag daw bilog ang buwan. Dapat na halikan daw ang love one mo para kayo na ang magkatuluyan forever.” Tinaasan niya ng kilay ang binata. Pagbalimg niya ditto ay kitang kita niya ang nakakalokong ngiti na nakalarawan sa mukha nito. “Wala akong narinig na ganyan sa mga matatanda, Didrey.” He chuckled. Halatang pinag tri-trip-an na naman siya nito. “Darling, bakit ba kasi ayaw mong maniwala sakin?” Napairap siya.”Gust mo naman makatsansing eh.”ani niya. Doon na ito natawa ng malakas. Everytime kasi na nagkakarooon ito ng pagkakataon ay nakakatsansing ito sa kanya. He kissed her kapag may pagkakataon. And everytime they kissed, ramdam niya na para bang lagi sila lang dalawa ni Didrey James sa mundo. “Hindi ko na naman kailangan mannstsing eh. Alam ko naman na gusto mo naman.”malokong sabi nito. Siniko niya ito. “hindi kaya! Ikaw lang yung umaabuso sa situation natin.” “Really?” Nanlaki bigla ang mga mata niya ng kaibigin siya nito hanggang sa magkalapit ang mga mukha nila. “You don’t like this?”sabi nito sabay walang babalang hinalikan siya nito sa labi. Smack lang ang halik na iyon ngunit ramdam niya ang samot saring sensasyong dumaloy sa katawan niya. Wala sasariling napailing siya. Teka, bakit nga ba siya umiling? Napapikit siya ng hagkan siyang muli nito sa labi. Sa pagkakataong iyon ay mariin ang paghalik nito. Kusang dumilat ang mata niyg ng matapos ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ng binata. Kitang kita niya sa kislap ng mga mata nito ang love. “Mamaya na yang loving loving! Ready na ang bonfire natin,” Saka lang siya natauhan ng marinig ang pagisigaw ni Alyssa. Ramdam niya ang pamumula ng mukha niya. Hindi niya talaga mapagkakailang gusting gusto niya ang paghalik na ginawa sa kanya ng binata. She heard him chuckled habang masuyong hinawakan nitong muli ang kamay niya at hinila papunta kina Vaughn na halatang nag-eenjoy na sa bonfire. Pagkaupo niya ay tinititgan niya ang kapatid niya. Hindi niya lang pinapahalata ngunit sa bawat araw na dumadaan ay dumadagdag ang pangamba niya para sa kapatid. Kaninang umaga kasi nang puntahan niya ito sa kwarto ay napansin niya ang mga pasa nito sa braso at sa iba pang parte ng katawan. Alam niyang tinatago iyon ni Alyssa. Kung natatakot at nangangamba siya, paano pa kaya ang kapatid niya? She was sure na takot natakot ito. Everyone is afraid to die. Iyon ang pinakanakakatakot na pwedeng mangyari sa isang tao. Naramdaman niya ang pag akbay sa kanya ni Didrey. “She will be alright, Luzzel. I promise you.”he whispered to her ears. Malamang ay nahahalata nito ang takbo ng isip niya. Binalingan niya ang binata. “Are you sure? She will be alright?”wala sa sariling tanong niya. Ilang beses na nga ba niya naitanong iyon sa sarili niya? “Yes, darling.gagawin ko ang lahat para maging Okay ang kapatid mo.” Pagkasabi niyon ay ikinulong ng binata ang mukha niya sa dalawang palad nito at masuyong hinalikan sa noo. Pagpikit niya ay hindi niya napigilan ang luhang kanina pa yata gusting umalpas. Nang mahalata marahil ni Didrey ang pagluha niya ay hinalikan nito ang mga psngi niya. “Ssshhh.. Darling. Ssshh. Im always here. Andito lang ako para sayo.” Sa sinabi nito ay pakiramdam niya ay napanatag na siya. Sa buong durasyon ng gabi ay hindi binitiwan ng binata ang kamay niya at doon lang siya umiimot ng lakas. “Luzzel..”tawag nito sa pansin niya. “Hmm..” “I love you..” Bigla siyang napalingon sa declaration nito. Pero teka nga, tama ba talaga ang narinig niya? Baka naman nabibingi na lang siya? O marahil ay parte iyon ng pag arte ng binata sa naging usapan nila? Marahil ay oo. Malaki ang posibilidad na arte lang iyon ng binata. He was a good actor afterall. Kiming ngumit lang siya. She didn’t know ung anong klase ng ngiiti ang lumabas sa labi niya. But she doesn’t want to know. Is alang ang alam niya. Na kahit pagbalik baliktarin ang pagnyayari, she never stop loving him. Hindi huminto ang puso niya na mahalin ang binata. Marahil ay nagpahinga lang ng maraming taon pero kahit na kaila ay hindi huminto ang puso niya na mahalin ito. “I love you, Ddirey James..”sambit niya. Sa Sinai niya ay muling kumislap ang mga mata nito. “Mahal din kita..”sabi ulit niya. Siguro ay dahil narin sa bugso ng damdamin kaya niya nasabi ito but she didn’t care. Basta ang alam lang niya ay mahal niya ang binata. NAPAUNGOL siya ng maramdaman ang marahang paghaplos sa pisngi niya. Halols gabi na din kasi silang nakauwi at natulog. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya na maamoy niya ang halimuyak ng bulaklak. Pagdilat niya ay hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. Sumilay ang magandang ngiti niya ng Makita si Didrey James na may hawak na bulaklak. Bumangon agad siya mula sa pagkakahiga at agad na inayos ang buhok niya. “You look beautiful in the morning, darling.” Napairap siya. “Wala ka naman bang ibang pwedeng bolahin at ako na naman ang nakita mo?” Ibinigay nito ang pumpon ng bulaklak sa kanya. It was red roses. Sa tantya niya ay isang dosena ang mga iyon. Habang hawak at sinasamyo niya ang bulaklak ay maluwang ang pagkakangiti niya. “Naunahan ko si Vaughn sa mga roses. Bagal niya eh. Tanghalli nagising.”nakakalokong sabi nito. She giggled. Araw araw kasi ay binibigyan ni Vaughn ang kapatid niya ng flowers. Naririnig niya din na araw araw angrereklamo din si Tita Yanny na mauubos na ang mga alaga nitong roses. Tinatawana lang naman ito lagi ng dalawang magkapatid. “Lagot ka kay TIta Yanny. Inuubos niyong magkapatid ang mga alaga niyang roses.” Iniipit nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. “Don’t worry, Darling. Kapag naman nalaman niyang sayo napunta ang flowers niya ay wala ng reklamo si Mommy. She likes you.” Napangiti siya sa sinabi nito. Tama si Didrey. Gusto siya ni Tita Yanny at hindi nito nililihim sa kanya na siya ang gusto nito para sa anak nito. “I like it.”ani niya. “Like it lang?” Napangiti siya ng maluwang. “I love it,” “Love it lang?” “Thank you for the flowers, Didrey.” “Thank you lang?” Natatawang hinampas niya ito sa braso. “Ano bang dapat kong sabihin? I already said I like it, I love it and thank you.” Pinagkatitigan muna siya nito bago nagsalita. “’How about saying that you love me?” She sighed. “I already said it kagabi diba?” Parang batang napalabi ito. “Iba naman yung kagabi eh. Iba din dapat ngayon. ” Naaaliw na pinisil niya ang pisngi nito. “oo na, sasabihin ko na.” Biglang kumislap ang mgata nito. Halatang excited sa sasabihin niya. “I love..” “I love?” “I love the flowers..”nakangsing sabi niya. Napatili siya ng bigla siya nitong kilitiian sa magkabilang tagiliran hanggang sa mapahiga na siya ng tuluyan. “Stop! Stop it! Didrey James Perez!”patiling saway niya. “Hindi kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi yung gusto kong marinig.”banta pa nito. “Okay, Okay! I love you, Didrey!”sabi niya habang pinipigilan ang kamay nito sa pagkiliti sa kanya. Nagulat siya ng mukha naman niya ang hawakan nito at tinitigan siya. “I love you, Luzzel.” pagkasabi niyon ay agad na sinakop nito ang bibig niya. “I love you, Didrey.”sambit niya after they kissed. Masuyong niyakap siya ng binata. At siya naman ay inihilig niya ang mulha sa balikat nito. The she sighed. Napakasarap sa pakiramdam na yakap yakap ka ng taong mahal na mahal mo. “Come, may inihanda akong breakfast sayo. Meet me at the garden.” Wala sa sariling napatango siya. Nang makalabas na ito sa room niya ay napabuntong hininga siya. Dahil feeling niya ay parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya na nararamdaman niya. Maya-maya ay nagdecide na siyang bumangon at nag ayos. Exicted na bumaba siya at nagpunta sa garden, every morning kasi ay doon sila nag-aalmusal. But this time ay may something sa atmosphere ng maabutan niya sina Vaughn . tahimik kasi ang mga ito na halatang ang tension na namamagitan. “Hey, guys. Good morning.”agad na bati niya sa mga ito. Ngunit wala siyang narinig na masayang tugon mula dito. Nilingon niya si Didrey James na ngayon ay seryoso ang mukha. Magtatanong n asana siya ng may biglang magsalita nula sa gilid niya. “Luzzel..” Nang marinig niya ang tinig na iyon ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nilingon niya si Brent na ngayon ay nakatayo habang seryosong nakatingin sa kanya. “B-brent..”sambit niya. Bakit nga bas a loob ng ilang araw na pag tay nila sa isla ay nawala sa isip niya ang lalaki? She can feel the guilt na unti unting nilalamon ang puso niya. Nasaan na nga ba ang pangako niyang hinding hindi niya lolokohin ito? Na hindi niya ipaparamdam dito kung gaano kasakit ang masaktan? “Brent, let me explain..” Nagkibit balikat ito.”Sure. you owe me an explanation kung bakit kailangan ko pang puntahan ang girlfriend ko sa ibang lugar without my knowledge at kung anong ginagawa mo dito. I deserved an explanation, Luzzel.” Napakagat labi siya. Sa sinabi nito ay para siyang nagising sa isang napakagandang panaginip at mahimbing siyang natutulog. She didn’t know kung ano ba talagang dapat na sabihin niya dito. She can see hurt in his eyes kahit na hindi nito iyon sabihin. “What? I thought you will explain, Luzzel? I’m waiting.” Magsasalita n asana siya ng biglang tumayo mula sa kinauupuan niya si Didrey at dali daling lumapit sa lalaki. “You cant just talk to her like that, Asuncion. Wala kang karapatang kausapin ng ganyan si Luzzel lalo pa at nasa teritoryo kita.”banta pa ng binata. “I’m not talking to you, mr. Perez. Im talking to my girlfriend at hindi ikaw.” Nanlaki agad ang mata niya ng biglang kwelyuhan ito ni Didrey. “She’s not your girlfriend! Kahit kailang hindi siya naging sayo!” Galit na inalis ni Brent ang kamay ng binata sa kwelyo nito. “I know this is all ang act. Para mapagbigyan lang ang kagustuhan ng kapatid niya.” Doon lalong nagdilim ang mukha ni Didrey. “This is not an act.”sabi nito na while greeted his teeth. “I’m not that stupid para mapaniwala sa arte niyo ni Luzzel. I’m not Alyssa na madalling mapaniwala.” “Brent, stop it please.”pakiusap niya sa lalaki. Malamig na tinig na lang siya nito. She never seen Brent like this before. Hindi pa niya nakikita dati kung paano ito magalit. “I will stop kung sasama ka sakin ngayon.” Napatulala siya sa narinig mula dito. Mukhang pinapapili siya nito kung ano ba ang dapat niyang piliin. Binalingan niya si Didrey James na ngayon ay nakatingin sa kanya. Sino nga ba ang dapat niyang piliin? Ang lalaking nanankit sa kanya ten years ago ngunit ito pa din ang tinitibok ng puso niya? O ang taong ginawa ang lahat mapasaya lang siya? “Luzzel, let’s go.”ani ni Brent na mahalata siguro nito ang pagdadalwang isip niya. “She’ll stay and that’s final. Hindi siya alais at sasama sayo.”deklara ni Dirdrey. Napahawak siya sa sintido niya na biglang kumirot. “Look, hindi natin maayos kung anumang issues na mayroon tayo ngayon.” “I don’t care. As long as you will stay with me.”ani ni Didrey. Halata dito ang determinasyon at pagtitiwala na ito ang pipiliin niya. And that’s hurt her even more. Umiling iling siya sa binata. Saka naglakad papunta sa kinarorooan ni Brent at hinawakan ang kamay nito. “Let’s talk inside, Brent. Please?”pakiusap niya sa lalaki. Huminga ito ng malali saka ginantihan ng pisil ang kamay niya. “For you, luzzel.” Bago pa sila makalayo ay naramdaman niya ang malaks na paghila sa kanya ni Didrey James. Napasigaw siya ng bigla nalang nitong suntukin si Brent. “Huwag mong mahawak hawakan ang kamay ni Luzzel!” Dahil sa lakas ng pwersa ng binata ay napasubsub si Brent sa damuhan. Dadaluhan sana niya ito ngunit pinilan siya ni Didrey. “Don’t get near him, Luzzel.”banta pa nit sa kanya. “Ano bang nangyayari sayo at bigla ka nalang nanunutok? You shouldn’t do that thing, Didrey. Hindi mo dapat ginawa it okay Brent!”glait na sabi niya “At bakit hindi ko gagawin iyon? Nilalayo ka sakin ng lalaking ito. Inaagaw ka sakin ng Brent nay un.” “Pero hinid mo siya dapat sinaktan. Wala siyang ginagawang masama sayo!” He hissed. “Walang ginagawang masama? Hindi ba maituturing na masama ang paglalayo niya sayo sakin?” “Didrey, he has all the right para ilayo niya ako sayo. Brent is my boyfriend. He’s my boyfriend.” Napaatras siya ng makita ang pag-apoy na mga mata ng binata marahil ay dahil sa sinabi niya. “ANong tawag mo sakin, Luzzel? Anong tawag mo sa gingawa natin? Arte lang ba para sayo ang lahat? Pati ang pagsabi mo na you love me? This is all just an act for you?” Pinikit muna niya ang mga mata ng ilang saglit bago dumilat at tinitigan ng diretso ang binata. “Im sorry. From tha start ay alam naman natin na nagpapanggap lang tayo na mahal natin ang isat isa. For my sister’s sake at nagpapasalamat ako sayo for that. P-pero hanggang ditto na lang siguro ang pagpapanggap natin. We cant go further than this. I don’t want to hurthim.” Napapitlag siya ng magmura ito ng malakas. “Damn it! Damn it!” Nang hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin ay napaluha na lang siya. “I’m so sorry.” Ngunit hindi na siya pinansin ng binata at nag walk out na ito. Mula sa nanlalabong paningin ay kita niya si Didrey na unti unting nawawala sa paningin niya. She chose Brent over the man she really loves dahil ayaw niyang makasakit ng taong nagmamahal ng totoo sa kanya. Alam niyang ginawa niya ang tama at nararapat. Pero bakit hindi siya Masaya? Bakit parang pakiramdam niya ay nagkadurog durog ang puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD