DUKE "I'm sorry Savannah. Kahit ilan beses mo pang gawin ito sa akin. Wala ka pa rin level upang ikaw ang pumalit kay Alona. Huwag mo ng pilitin ang sarili mo dahil wala lang sa akin itong ginagawa mo. Sinasaktan mo lang sarili mo." Banayad na saad ko rito habang ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig sa 'kin na alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Why? Wala naman akong dapat na gawin kundi sabihin kung ano ang nararamdaman ko para sa kan'ya dahil wala naman akong ibang nararamdaman para sa kan'ya. Napabuga na lang ako ng hangin sa aking bibig. Pinulot ko na lamang ang tuwalyang nahulog sa sahig saka ko binalot sa kan'yang katawan ngunit winaksi lang niya ang kamay ko. "Ang kapal talaga ng pagmumukha mo Duke! Kung wala lang sayo itong mga ginagawa ko. Huwag mong ipapakita sa akin

