Hindi natuloy ang engagement party ni Savanah sa matandang lalaking nais ng mga magulang niya na maikasal ito. Dahil sa kahirapan ng buhay ay parang binenta na nga siya ng mga ito sa isang matanda.
Dahil sa inis ni Alona na kaibigan ni Savanah. Nakatanggap siya ng malakas na sampal kahit nasa harapan sila ng mga magulang ni Duke.
"Yan ang nababagay sayo Savanah dahil malandi ka. Mas nauna ka pang nabuntis kaysa sa akin. How dare you!" galit na ani nito na halos duruin pa siya ni Alona.
Nasa mansyon na ang mga ito at tila mainit ang mga ulo ng dalawang magkasintahan. Hindi na matutuloy ang kasal nilang dalawa dahil sa iskandalong ginawa ni Savanah sa engagement party ng matandang si Mr. Failon.
Umiiyak si Savanah habang sapo ang namumula niyang pisngi. Hindi naman niya gustong sirain ang kasal ng dalawa. Kaya lang naman niya iyon ginawa ay upang hindi lang matuloy ang kasal niya sa matandang hindi naman niya mahal. Masakit din sa part niya dahil itinakwil pa siya ng mga magulang niya. Yung desisyon niya ay tila binalewala lang ng kan'yang mga magulang. Pakiramdam niya ay hindi siya tunay na anak ng mga magulang niya.
Tinitigan niya si Alona na may pagkaawa sa mga mata nito. "I'm sorry Alona. Hindi ko gustong sirain ang kasal niyo ni Duke."
"But you did it, right?" malamig na ani ni Duke.
"Oo, ginawa ko iyon pero hindi naman ako totoong ___" Naputol ang sasabihin nito nang tapunan siya ng marahas na titig ni Duke.
"Anong hindi totoo iha?" sabat naman ng mommy ni Duke. Hindi agad na makasagot si Savanah dahil natatakot siya sa susunod nitong sasabihin. Nagbabanta ang mga mata ni Duke habang nakatingin pa din ito sa kanya.
"Mom... Totoong buntis siya. I'll take her and her child she carried," saad ni Duke.
"Kung ganoon. Nakapag desisyon na kami ng mom mo. Kailangan mong pakasalan si Savanah sa lalong madaling panahon," utos ng kan'yang ama.
Umawang ang ibabang labi ni Savanah kasabay ng pag-iling nito.
"No tito, tita!" Mariing tanggi naman ni Alona. "Hindi ako papayag. Pwede naman akuin na lang ni Duke ang bata. Gusto ko pong matuloy ang kasal namin ni Duke. At ikaw Savanah? Ganito na lang isusukli mo sa lahat ng naitulong ko sayo? Bakit mo nagawa sa akin ito?" Nasa boses nito ang hinanakit.
Yung pinangarap niyang maikasal sa isa sa mga quadro ay hindi na matutuloy dahil sa iskandalong ginawa ni Savanah.
"I'm sorry Alona. Aayusin ko ito okay. Ma'am... Sir, mali po kayo ng pagkakaintindi niyo. Hindi ko magagawang magpakasal kay Duke," mariing tanggi nito.
Gusto niya lamang maayos ang maling akala ng lahat. Ayaw niyang masira kung ano ang pinagsamahan ng kaibigan niyang si Alona.
Tumayo si Duke mula sa kinauupuan niya at tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Savanah. Bago pa man niya lapitan si Savanah ay siniil niya muna ng halik sa labi ang nobya niyang si Alona kahit nasa harapan pa sila ng mga magulang nito.
"I'll promise... I'll get back to you," ani nito habang haplos niya ang kaliwang pisngi ni Alona.
Matapos niyang sabihin iyon. Marahas niyang hinila si Savanah sa kan'yang braso. Hindi niya ininda ang sakit kahit madiin ang pagkakahawak nito sa braso niya.
"Mom, dad... Ako na ang bahala kay Savanah. Kayo na muna ang bahala kay Alona. Iuuwe ko na muna si Savanah sa condo ko," paalam nito. Ngumisi si Alona kay Savanah.
"But son... Pwede mo namang huwag nang idala sa condo si Savanah. Pwede naman tumira si Savanah rito sa amin ng dad mo. Kami na ang bahala sa kan'ya at sa baby niyo," ani nito ngunit hindi nakinig si Duke.
"I'm sorry mom. Ako pa din ang magdedesisyon," maawtoridad na sagot nito.
Marahas na tinangay niya si Savannah palabas ng mansyon. Walang nagawa ang mag-asawa sa kanilang anak.
Gusto lamang niya pahirapan muna si Savanah at iyon ang kan'yang plano kaya pumayag siya sa kagustuhan ng mga magulang nito. Kung ano ang pinasok niyang gulo ay mas lalong guguluhin ni Duke ang buhay niya.
"Bitawan mo na ko Duke!" Pagpupumiglas niya habang tinutonton nila ang sasakyan nito. Halos magmakaawa na si Savanah para bitawan lang siya pero hindi niya ito pinakinggan. Umiiyak na din siya dahil sa higpit na pagkakahawak sa kan'yang braso.
Binuksan agad ni Duke ang pinto ng sasakyan saka niya ito binitawan ang braso niya. Tila naginhawaan naman ang braso niya nang tanggalin niya ang kamay sa braso nito. Napahaplos siya doon. Tila naroon pa din ang sakit dulot sa ginawa nitong pagsakal sa braso niya. Mariin niyang tinitigan si Duke saka niya ito sinampal ng malakas sa kaliwang pisngi nito. Tumabingi ang mukha ni Duke ngunit ngumisi lang siya nang harapin niya si Savanah. Tila aware na siya na gagawin ulit ni Savanah dahil ito ang pangalawang beses na sinampal niya ito.
"Hindi ako sasama sayo Duke!" madiing bigkas nito at nilalabanan niya pati ang pagtitig nito sa kan'ya. Kahit ganun pa man ay matatalo siya dahil sa marahas ang bawat pagtitig nito kay Savanah. "Pabayaan mo na kong umalis. Alam mo naman na hindi talaga ako buntis. Ginawa ko lamang iyon para hindi matuloy ang kasal namin ng matandang iyon. Pwede niyo pa naman ituloy ang kasal niyo ni Alona," ani nito dahil iyon naman ang totoo. Ayaw niyang matali sa isang matanda. Nandidiri siya.
"I'm not easy to please Savannah. I won't do that," sabay ngisi nito. "Get in!" mariing utos niya.
"Ayoko!" matigas na sagot nito sabay kuyom ng kan'yang kamao.
"I will not allow you to believe all the people so easily, even my parents. Why don't we figure it out. To make everything more realistic," malamig nitong sambit habang si Savanah ay hindi makapaniwala dahil hindi niya akalain na ganito ang kalalabasan ng kan'yang pagsisinungaling.
"Hindi..." sabay iling nito. Nag-uumpisa na naman mangilid ang mga luha nito sa mga mata niya. Paano niya pa matatakasan ang pagkakamaling nagawa niya kung si Duke na ang kan'yang kaharap.
Pinilit siyang isinakay ni Duke sa loob ng sasakyan kahit ayaw niya. "Hayop ka Duke! Palabasin mo ko rito!" sigaw nito sa loob na halos sipain niya na ang pinto.
Pagkasakay ni Duke sa loob ng sasakyan ay doon na tumigil sa pagsisigaw si Savanah dahil sa takot niyang baka kung ano ang gawin nito sa kan'ya sa loob ng sasakyan. Iniisip niya tuloy na baka gahasain siya.
Napaigtad na lang siya dahil sa lakas ba naman ng pagkakasarado nito sa pinto ng sasakyan. Nakaramdam ng takot si Savanah nang umiba ang ihip ng hangin at dama niya na ang galit ni Duke sa kan'ya.
"Be nice if you are in front of me," malamig niyang sabi habang ang paningin niya ay nakatuon lang sa mismong harapan niya.
Bago pa man niya paandarin ang sasakyan. Binalingan niya muna ng tingin si Savanah. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"This night is so exciting Savannah. I know that we will enjoy this night," malamig niyang ani na halos mangilabot siya sa takot. Doon niya na pinaharurot ng mabilis ang minamaneho nitong sasakyan.
Hindi pa rin maproseso ng kan'yang utak ang mga sinabi ni Duke sa kan'ya. Alam niyang hindi nito magagawa ang mga sinasabi nito dahil mahal niya si Alona. Alam niyang ginagawa niya lang ito para palabasin sa lahat ng mga tao na buntis nga siya. Upang mas maging makatotohanan ay gagawin ni Duke kung ano ang kahihiyan na ginawa niya sa pamilya ng Monteclaro.
Dahil sa pagkatulala niya. Hindi niya na namalayan na narito na sila sa tapat ng kan'yang penthouse. Dito niya dinala at hindi sa condo niya.
Kusang bumaba naman siya nang buksan ni Duke ang pinto ng sasakyan. Baka kasi kaladkarin na naman siya para lang bumababa ito ng sasakyan.
Takot ang naramdaman ni Savanah. Ayaw niyang pumasok sa loob. Iniisip niya kung tatakas ba siya o hindi. Hindi niya kasi alam kung ano ang balak na gawin sa kan'ya ni Duke.
"Savannah!" sigaw ni Duke na halos magulat siya sa kinatatayuan niya. "Why are you just standing there? Huwag mo kong pilitin kung ayaw mong pwersahan kitang kaladkarin papunta sa loob!" matigas niyang sambit.
Sadyang ayaw talaga kumilos ni Savannah dahil sa takot na nararamdaman niya ngayon. Sumasabay pa sa lakas ng kaba sa kan'yang dibdib. Nakakaubos ng hininga.
Hindi niya namalayan na nakalapit na ito sa kan'ya. Nagulat siya nang buhatin siya nito at isinampay siya nito na parang isang damit lang na isinampay nito sa kan'yang balikat.
"Buwisit ka Duke! Ibaba mo ko!" sigaw nito sabay palo niya sa likod nito.
Hindi nakinig si Duke dahil itutuloy niya pa din ang balak nito. Hanggang sa tuluyan niya na itong naidala sa loob ng kan'yang madilim na silid. Pagkabukas niya ng ilaw ay doon niya itinapon sa malambot na kama si Savanah at tumalbog pa ang katawan nito roon.
"Anong gagawin mo sa akin?" kinakabahan na tanong niya habang paurong ito sa kama. Nakita niyang may kinuha itong tali sa may drawer cabinet sa side table.
"Hindi ko na kailangan sagutin ang mga tanong mo Savannah." Pwersahang pinahiga niya ito sa kama. Kahit anong panlalaban ni Savannah ay mas malakas pa din si Duke sa kan'ya. "Don't wait me to come home early. Just go to sleep right away," ani nito habang itinatali niya ang dalawang kamay at dalawang paa nito sa bawat sulok ng kama.
"Pakawalan mo ko Duke. Huwag mo gawin sa akin ito. Please maawa ka," pagmamakaawa niya. Kahit anong iyak at pagmamakaawa nito ay hindi iyon maramdaman na maawa ito.
Nakapagdesisyon na si Duke na gagawin niya ito bilang kabayaran sa ginawa niya at ngayon niya na kukunin ang pagka****e niya kahit na magalit pa ito sa kan'ya.
Ito ang kapalit na kan'yang kahihiyang ginawa. Ang pangalan ng pamilya niya at ang kasal nila ni Alona na sana ay ikakasal na dapat sila sa isang Linggo ngunit hindi na iyon matutuloy dahil kay Savannah.