Ang silid ay nababalot ng isang uri ng katahimikan na tanging ang t***k ng kanilang mga puso ang naririnig. Sa ilalim ng madilim na liwanag mula sa side table lamp Agad naupo si Ethan sa gilid ng kama. Sa ilalim ng malamlam at dilaw na liwanag mula sa side table lamp, sinalubong niya ang mga mata ng dalaga nang may kakaibang lalim at seryosong emosyon. Walang sabi-sabi niyang hinawakan ang dalawang kamay ni TJ at marahan itong inangat para halikan ang mga palad nito. Habang ginagawa iyon ng abogado, si TJ naman ay nakatingin lang sa kanya—pigil ang hininga, dinaramdam ang bawat kuryenteng dulot ng haplos ng binata. Matapos halikan ang kanyang mga kamay, mas lumapit pa si Ethan. Bawat galaw ng lalaki ay tila kalkulado ngunit puno ng pananabik. Marahang lumipat ang mga kamay ni Ethan sa

