"Actually, Lo, una namin silang nakita sa mall nung unang gabi na wala kayo sa mansyon," panimula ni Ethan habang pinalalamig ang boses. "Nagdesisyon akong ilabas si TJ para mag-dinner at bumili ng ilang kailangan niya sa school. Ang sabi sa akin ni Lola Amila noon, sabihin ko raw sa inyo na one of these days ay dadalaw sila sa mansyon para makita kayo. Sinabi ko naman agad na wala kayo sa Pilipinas dahil nasa Brunei kayo." Huminga nang malalim ang abogado bago ipinagpatuloy ang pagkukuwento. "Tapos kagabi, walang pasabi silang dumating. Natapat pa na halos patapos na kaming kumain ng hapunan ni TJ. Pinapasok ko naman po sila agad bilang paggalang, pero dire-diretso sila sa hapag-kainan at agad na nag-utos kay Manang na ipaghanda sila ng pagkain." "Ang nakakainis pa, Lo," singit ni TJ,

