"Ahh, so pinag-uusapan niyo akong dalawa," wika ni Ethan, bahagyang itinaas ang kanyang isang kilay ngunit may pahiwatig na ng ngiti sa sulok ng kanyang mga labi. Nawala na ang pait sa kanyang boses, napalitan ng kuryosidad. "Oo, madalas, lalo na kapag wala pang prof," kaswal na sagot naman ni TJ habang nakasandal nang komportable. Napatingin si Ethan kay TJ nang mabilis bago muling ibinalik ang pansin sa kalsada. Medyo nagulat siya na nagagawa pala silang maging paksa ng usapan ng mga nursing students. "Ethan, kasi kinakamusta niya ako sa bahay. Na-curious siya kung paano sa bahay na dalawang lalaki ang kasama ko... dalawang nakakatakot na lalaki," natatawang pagpapatuloy ni TJ. "Sabi ko, hindi naman sila nakakatakot, ang cool nga nilang kasama sa bahay. Tapos, hindi siya makapaniwala

