Habang paakyat sila sa malawak na hagdanan ng mansyon, napansin ni Lolo Ricardo na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni TJ. Halatang abot-langit pa rin ang kilig ng dalaga sa naging pag-angkin sa kanya ni Ethan sa harap nina Lola Amila at Chelsie. Ngunit ang hindi alam ng dalawa, may palihim na ginawa ang matanda habang nag-uusap sila kanina sa sala. Palihim palang binuksan ni Lolo Ricardo ang voice recorder sa kanyang cellphone nang bitawan niya ang linyang, "Walang ibang papakasalan si Ethan kundi ang apo kong si TJ. Wala nang iba, 'di ba Ethan?" at pinatay niya lang ang recording matapos sumagot si Ethan ng, "Yes po, Lo." Pagpasok nilang tatlo sa veranda kung saan ipinihanda ni Lolo Ricardo ang kanilang hapunan, naupo sila sa pabilog na lamesa. Habang nag-aayos ng kubyertos ang

