HIMAYA'S POV Nang imulat ko ang mg mata ko ay bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Naguguluhang hinanap ng mga mata ko si Jude, paanong nagkaroon ng kisame ang bahay namin? Akmang igagalaw ko ang aking kamay nang maramdaman ko na may nakakabit dito. Pagtingin ko ay saka ko napagtanto na nasa ospital ako. Ginising ko si Nanay na nakaupo sa tabi ng kama ko. “Nay…” pukaw ko sa kanya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at biglang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. “Anak, gising ka na… Salamat sa Diyos at hindi ka niya pinabayaan,” naiiyak niyang sambit. Kinapa ko ang aking tiyan nang wala akong maramdaman na paggalaw. Ganoon na lang ang gulat ko nang wala akong makapang umbok. “Nay, ano'ng nangyari sa anak ko?“ nanginginig kong tanong. “Huwag kang mag-alala, anak. Maayos na ang

