HIMAYA’S POV “Grabe, girl! Ikaw na talaga, ang haba ng hair mo. Ano, masarap bang humalik si Jude?” nanunuksong tanong ni Ella. Namula ang mukha ko sa sinabi ni Ella. Nakita niya kaya? Nakakahiya. “N-nakita mo?” nauutal kong tanong. “Oo naman. Tatawagin sana kita para magpatulong, kaso naabutan ko kayong naghahalikan kaya napapikit na lang ako. Bigla akong nainggit, e,” sagot niya at saka siya napahalakhak. Napakamot tuloy ako ng ulo at natawa na rin ng mahina. Bigla ko tuloy naalala ang eksena naming dalawa sa hardin kanina. Hindi ko alam kung anong naisipan ni Jude at binasa niya ako. Para siyang bata na tuwang-tuwa habang nakikipaghabulan sa akin. Hindi ko pa rin maiwasan na kiligin lalo na kapag naalalala ko ang mga halik niya. Hindi ko man maamin, pero napakasarap humalik

