CHAPTER FIFTY-FOUR

2238 Words

HIMAYA'S POV Tahimik lang kaming nakaupo sa maliit na sala ng aming bahay. Nasa kwarto na si Elyssia at kasalukuyan nang natutulog kasama ng mga kapatid kong lalaki, habang kami nila Nanay at Mira ay nandito upang makipag-usap sa pamilya ni Jude. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila ngayon sa harapan namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, lalo na at kaharap ko ang taong sumira sa buhay ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng masasakit na salitang nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ko. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang kanyang pang-iinsulto at ang pagkamuhi sa kanyang tinig. Pakiwari ko ay hindi ko siya kayang tingnan dahil lahat ng respeto na inipon ko para sa kanya noon ay naglaho na. “Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?“ m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD