HIMAYA’S POV Napasigaw ako nang bigla akong hilahin ni Jude papalubog sa napakalamig na tubig ng talon. “Jude!” singhal ko sa kanya pero tanging tawa lang sinagot niya sa akin. “I love you, Aya,” bulong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa labis na kilig. Sino ba naman ang hindi? Isang Jude de la Gracia ang nagtatapat ng pag-ibig niya sa isang katulad ko. “Mahal din kita, Jude,” sagot ko. Nandito ulit kami ngayon sa talon para maglakwatsa. Ilang araw na mula ng umalis si Isabelle sa mansion at katulad ng dati, kung saan-saan na naman kami namamasyal ni Jude. Nagsimula na ring magsidatingan ang mga makinarya sa Hacienda at pinatawag na nila ang mga trabahador. Nakakalungkot dahil kailangan nilang pakawalan ang ibang mga tauhan para mabawasan ang mga gastusin ngunit na

