HIMAYA’S POV “It’s me…” bulong ni Jude sa tenga ko saka ako hinila papunta sa gilid ng malaking cabinet kung saan wala masyadong dumaraan. Agad akong napapikit nang lumapat ang labi niya sa akin. Ilang araw na kaming ganito, patagong nagkikita sa loob ng mansion. Kung minsan nga ay hindi ko maiwasang matawa sa sitwasyon namin, para kaming mga daga na nagtatago sa pusa. “God, I missed you. Pasensya ka na kung masyado akong busy nitong nakaraan ha. I’ve been helping Lolo with the farm,” pagpapaliwanag niya. “Okay lang, Jude. Naiintindihan ko iyon,” sagot ko. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Ilang araw na rin silang pabalik-balik sa bayan para mag-canvass ng mga makinarya na kailangan ni Jude. Ang iba raw ay wala pa rito sa probinsiya kaya kinailangan pa nilang mag-order sa Manil

