"Shaina... why are you here?" kaswal na tanong ni Riker sa katapat nilang babae. Bumaba ang tingin nito sa magkahawak nilang kamay at nakita niya pa ang pasimpleng tingin nito sa kaniya bago ibalik ang tingin sa binata. "I said I miss you—" "Cut the crap. I don't have time for unimportant things," malamig na sambit ng binata. Naglakad ito kaya pati na rin siya ay napalakad dahil hindi naman nito binibitawan ang kamay niya. "O-okay... Let's talk if you have free time!" Nilagpasan nila ang babae, hindi man lang ito tiningnan pabalik ni Riker kaya nagtaka lalo siya kung sino iyon. She can't help but to look back. Nakita niya itong masamang nakatingin sa kaniya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin niya rito. Pumasok sila ng opisina at doon lang binitawan ni Riker ang kamay niya. "You can

