Dahil walang pasok ngayon si Tasya ay napagdesisyonan ni Riker na manood sila ng cine ngayong araw at kumain na rin sa labas. May bagong disney movie sa cinema kaya naman iyon ang papanoorin nila. Masayang silang pumunta sa mall habang magkakahawak ang kamay. She can see how Riker make an effort so they can have a quality time. Paano niya pa itatanggi na gusto niya talaga ang binata. Hindi lang nga gusto dahil mahal na niya talaga ito. "Let's buy a popcorn and juice," sambit ni Riker at pumila sila sa bilihan ng popcorn. Nagpabuhat si Tasya kaya siya ang nagbitbit ng dalawang popcorn at juice nila. Pumasok sila sa cinema at pumwesto sa medyo gitna na parte. Sobrang relaxing ng araw na 'to para sa kaniya, masaya siyang kasama ang dalawang importante sa buhay niya. How she wish that the

