“RIANA, tawagin mo na ang Kuya Joker mo sa kanyang kuwarto at kakain na tayo.”
Narinig ni Riana na utos ng kanyang Mama mula sa dining area. Kasalukuyan siyang nanonood ng Turkish drama sa kanyang laptop. Katatapos lang din kasi niyang sagutan ang kanyang mga assignment sa araw na iyon. Dahil wala naman siyang ibang gagawin sa bahay nila.
Napanguso pa ang dalaga nang maalala niya ang ginawang pagtaboy ni Joker sa kanya no’ng nakaraang gabi. Kaya takot siyang lapitan ito.
“Riana, narinig mo ba ang iniutos ko sa iyo?”
Mabilis niyang itiniklop ang laptop at saka tumayo.
“Opo!”
“Bilisan mo at tawagin muna rin tuloy ang mga kapatid mo.”
Kaagad umakyat si Riana sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Habang naglalakad nag-iisip siya kung paano niya tatawagin ng maayos si Joker. ’Yong tipong hindi siya nito sisinghalan o di kaya’y susungitan.
‘Bahala na si Batman.’ aniya sa sarili habang tinutumbok ang kuwarto ng kambal. Ngunit nagulat siya nang marinig na kausap ng mga kapatid si Joker.
Hindi muna niya inistorbo ang mga ito. Bagkus nakinig siya sa usapan kambal at Joker.
“Kuya Joker, may girlfriend na po ba kayo?” naringgan niyang tanong ni Nicholas. Mas isiniksik niya ang katawan sa pinto at inantabayanan ang sagot ng binata. Ngunit dumaan ang ilang minuto, wala siyang narinig na sagot mula rito.
“Kung wala kayong girlfriend, puwede po bang si Ate Riana, na lang ang gawin n’yong girlfriend? Gusto ka po namin para kay Ate.”
Halos nawindang ang pagkatao ni Riana sa pahayag ng kapatid. Pakiramdam niya pulang-pula ang buo niyang mukha. Letiral na binibinta siya ng mga ito sa binata.
Hindi na hinintay ni Riana ang sagot ng binata. Dahil alam naman niya kung ano ang isasagot nito.
“Kambal, kakain na. Tama na ’yan. Baka ma-stressed ang Kuya Joker, natin. Kayo rin baka biglang maging Leon ’yan,” biro niya sa mga kapatid saka mabilis na iniwas ang paningin sa binata.
“Hala Ate Riana, ang astig pala ni Kuya Joker, kung gano’n.”
Nagulat na lang si Riana nang muling magsilapitan ang kambal sa binata at nagpapabuhat ang mga ito.
“Kuya Joker, member ka ba ng Marvel? Puwede mo bang ipakita sa amin ang iyong powers?”
“Sasabihin ko sa mga kaklase ko, na may kuya akong astig.”
Hinawakan ni Joker ang kambal at saka binuhat ang mga ito palabas ng kanyang kuwarto.
“Huwqg n’yong ipagkalat. Kasi kapag nalaman ng ibang tao ang powers ko. Hindi ito gagana. Kailangan secret lang natin. Puwede ba ’yon?” Ibinaba niya ang kambal..
“Promise Kuya Joker, hindi namin sasabihin sa iba ang powers mo,” naunang sabi ni Charlene. Itinaas pa nito ang kanang kamay bilang panunumpa sa kanyang pangako.
“Oo nga Kuya Joker, nangangako po ako na walang pag-sasabihan sa inyong sekreto,” segunda ni Nicholas at maging ito ay itinaas din ang kanang kamay.
Napapangiti na lamang si Joker sa kanyang mga narinig. Talagang paniwalang-paniwala ang kambal sa narinig mula sa kanilang ate. Alam niyang biro lang iyon ng dalaga. Ngunit anong magagawa niya. Sa panahon ngayon mabilis maniwala ang mga bata sa kunting biro lamang.
“Oh siya mauna na kayo at susunod na ako.”
Mabilis nagsitakbuhan pababa ng hagdan ang kambal. Nang tuluyang makababa ang kambal sa sala. Nagulat si Riana ng biglang humarap si Joker sa kanya na hindi maipinta ang mukha nito. Humakbang siya pakanan, para makaiwas sa binata. Ngunit sumunod din ito sa kanya. Wala tuloy siyang kawala. Dahil na-corner siya sa dingding ng kanyang kuwarto.
Halos mataranta si Riana nang idikit ni Joker ang katawan nito sa kanya. Amoy na amoy pa niya ang sabon na ginamit nito. Mas lalong nataranta si Riana nang maramdaman ang mainit na labi ni Joker sa puno ng kanyang tainga.
“Kuya Joker,” mahinahon niyang tawag sa binata. Pilit niyang iniatras ang paa palayo sa binata.
“Alam mo ba kapag ako naging Leon, ikaw ang una kong lalapain,” may diing sabi ni Joker sa dalaga. Pinakawalan niya ito at naunang naglakad.
Naiwan namang nakatanga si Riana sa dingding. Iniisip niya ang sinabi ni Joker. Parang iba kasi ang dating ng salitang lalapain sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Basta’t ang alam lang niya nagtaasan ang balahibo niya sa katawan.at nadagdagan pa iyon nang pumaloob sa kanyang tainga ang mainit-init na hininga ng binata papunta sa kanyang katawan.
Nang mahimasmasan si Riana. Kaagad siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Ini-lock niya ang pinto at sabay na tumalon sa kanyang kama.
‘Ano ka ba Riana, ano’ng iniisip mo?’ sermon ni Riana sa kanyang sarili. Ano nga ba ang dapat niyang isipin sa nangyari kanina? Kapag nakarating iyon sa kanyang magulang. Tiyak hindi lang sermon ang abutin niya. Baka wala sa oras makapag-asawa siya ng maaga. Hinimig ni Riana ng ilang minuto ang sarili.
Tumayo si Riana mula sa kanyang kama at tumuloy sa banyo. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nang makitang hindi okay ang mukha. Naghilamos si Riana at nagsuklay ng kanyang buhok. Maya-maya pa at nagpasya na siyang lumabas sa kanyang kuwarto. Tuloy-tuloy na bumaba sa sala, papunta sa kanilang dining area.
“Halika na anak, maupo ka na riyan sa tabi ng Kuya Joker mo.”
Hindi nagpahalata si Riana sa kanyang pamilya. Mabilis niyang sinunod ang utos ng kanyang Mama. Hinila niya ang bakanteng upuan at naupo roon. Si Charlene ang inutusan ng kanyang Mama na magdasal. Pagkatapos no’n, tahimik silang nag-agahan.
“Mama, ang Kuya Joker, po ang paghugasin n’yo ng mga plato,” nakangiting suhestiyon ni Nicholas. Tapos na itong kumain at nakatayo sa tabi ng binata.
“Huwag naman anak. Bisita natin ang Kuya Joker, n’yo. Nakakahiya naman sa Tito Hector, n’yo. Mabuti pa isama ninyo ang Kuya Joker, n’yo sa palayan,” masayang pahayag ni Aling Mary sa kambal saka tinawag ang kasambahay nila. Tinatanong nito kung nakahanda na ang dadalhing pagkain para sa asawa.
“Tara Kuya Joker, magbihis na tayo. Tiyak matutuwa ka, kapag nakita mo kung paano mag-harvest ng mangga ang mga kalalakihan dito sa amin,” pagyayabang na sabi ni Nicholas. Hinatak pa nito ang kamay ng binata patayo ng bangko.
Sumunod na lamang si Joker sa kambal papuntang second floor.
“Mama, baka po maging n***o ’yang bisita ninyo. Sayang naman ’yong kutis niya,” sabi ni Rianna sa ina habang tinutulungan ang kasambahay nila sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila.
“Hayaan muna siya. Mabuti nga at masanay siya sa mga tao rito at ganoon din ang mga kabaranggay natin,” tugon ni Aling Mary. Inilagay na nito sa isang basket ang mga pagkaing dadalhin sa bukid.
“Tiyak maraming kadalagahan ang mapapaibig niyang Joker. Sa porma pa lang niyan, pag-aawayan na siya ng mga dalaga riyan,” sabat ni Beth. Abala sa paghuhugas ng mga plato sa lababo.
“Naku tumigil nga kayong dalawa. Bakit ba si Joker, ang pinag-uusapan n’yo? Mabuti pa tapusin n’yo na ang paghuhugas d’yan at aalis na tayo,” sagot ni Aling Mary sa dalawa. Binuhat na nito ang basket at dinala sa sala.
Naiwan namang nagkatinginan sina Beth at Rianna.
Makalipas ang dalawang oras nakagayak ng umalis sila Aling Mary kasama ang mga anak, at si Joker. Naiwan si Rianna dahil may biglaang tawag na natanggap mula sa kamag-aral nito. Maging si Beth ay naiwan din sa bahay.
“Totoo ba Rianna, ang kumakalat na tsismis sa ating baranggay?” tanong ni Phoebe. Kasalukuyan silang nasa sala.
Pinandilatan ni Rianna ng mga mata ang kaibigan. Akala niya kung anong mahalagang pakay nito sa kanya. Iyon pala mkikitsismis lang ito sa kanya.
“Ibang klase ka rin no? Napakalakas talaga sumagap ng tsismis ’yang radar mo,” pabirong sumbat ni Rianna sa kaibigan. Hinampas pa niya ito ng pillow.
“Sisihin mo ’yang magaling mong tiyahin. Siya ang nagkakalat dito ng tsismis sa ating baranggay. Kaya napasugod ako rito ng wala sa oras. Maglalaba sana ako.”
Inambahan ng hampas ni Rianna ng hawak na pillow ang kaibigan.
“Ano kasalanan pa ng bisita namin, kung hindi ka nakapaglaba. Batukan kaya kita riyan. Umuwi ka na at susunod ako sa bukid.”
“Ang damot naman nito. Remember shari g is caring.”
“Wala akong maii-share sa iyo. Uwi na!”
Wala namang nagawa si Phoebe kung hindi ang tumayo at naglakad papuntang pinto. Binuksan niya iyon at tuluyang lumabas ng bahay nila Rianna.