“Hon, sayo to di ba? Bat andito to?” tanong ni Dennis nang iabot kay Diane ang hand-painted chopstick na napulot nya sa flooring ng kusina.
“A-ahh oo. Hinahanap ko nga yan eh.” patay-malisya nitong sagot.
“Happy birthday Pa.” bati ni Pam sa ama sabay halik sa pisngi nito pagkalabas ni Greg ng banyo matapos maligo.
“Happy birthday pare, almusal na.” bati din ni Diane kay Greg.
“Salamat mare.” sagot nito sabay ngiti, pilit kinukubli ng dalawa ang makahulugan nilang sulyapan.
“Pre, mukhang memorable tong 2020 sayo ah. COVID bertdey.” pang-aasar ni Dennis.
“Haha oo nga pre, di ko talaga makakalimutan tong birthday kong to.” natatawang sagot ni Greg sabay ang makahulugang sulyap kay Diane.
Matapos mag-almusal ay gumayak na para umuwi ng Batangas ang mag-ama, takot na maipit sa dagsa ng mga babyahe palabas ng NCR at upang wag na abutan ng lockdown sa March 15 ng hating-gabi.
“Di na natin nai-celebrate ang birthday mo pre.”
Nanghihinayang si Dennis dahil kinontact pa naman nya ang dati nyang supplier ng college walkers at meron na sana syang surpresang ‘regalo’ para sa kumpare.
“Ayos lang pre, ok na yung kagabi. Wala, di natin inaasahan to eh. Kayo pala, anong balak nyo?”
“Pag-uusapan pa namin pre.”
“Payo lang pre ha, mas safe ngayon dun satin. Alam mo naman dito sa Maynila, masyadong madaming tao kaya mabilis kakalat yan.”
Nakakunot ang noo ni Dennis at napapaisip.
“Oh sige pre, basta sabihan mo na lang ako. Lakad na kami, pakisabi na lang kay kumare.”
“Ok pre, update mo na lang din ako ng sitwasyon sa daan.”
Nang makaalis na ang mag-ama ay tumunog ang phone ni Dennis. Si Pam. Binasa nya ang message ng inaanak.
Ninong, sa Batangas na lang kayo magstay. May bibigay ako sa yo.
Hindi na iyon pinansin ni Dennis, wala syang oras ngayon para sa mga kalokohan ni Pam. Dali-dali na nyang pumasok ng bahay nang masaktuhan nya si Diane na pababa na ng hagdan habang buhat si JR. Naka-uniform na ito at nakagayak na para pumasok.
“Nakaalis na sila Hon?” tanong ni Diane habang binababa sa sofa ang anak.
“Mag-empake ka.”
“Ha??”
“Damit, mga essentials na kailangan natin for 1 month. Mamayang gabi tayo babyahe paBatangas.”
“Hon, paano ang trabaho ko?”
Hindi kumibo si Dennis, tila walang nadinig.
“Hon, please naman. Alam mo namang may sworn duty ako as a nurse. Kailangang-kailangan kami magduty lalo na ngayon.”
“Hon nuon pa kita pinapatigil magtrabaho, ayaw mo making sakin. Pwede ba ako naman ang masunod ngayon?”
Binalikan ni Dennis ang kanyang kape sa dining at kunot ang noong hinigop iyon.
“Hon! I cannot just abandon my job. Unawain mo naman please!”
“Lalala pa ang sitwasyon dito, dadami pa ang mahahawa, mag-aagawan na ang tao sa resources pag naglockdown na. Ano, mas mahalaga pa ba sa yo ang ibang tao? Kami ng anak mo, ok lang sayo na mahawa kami sa sakit na iuuwi mo?” Tiim-bagang si Dennis, nagtitimpi lang sa katigasan ng ulo ng misis.
“Hon naman! Ang OA mo naman eh, hahayaan ko ba yun mangyari? Isa pa, post-op naman ang assignment ko, hindi naman ako sa ER o sa pulmo. Please, intindihin mo naman Hon. Saka kahit wala pa ngayong case sa Batangas, nakakasiguro ka ba na di magkakaron don?”
“Mag-empake ka.” Inabot ni Dennis ang cellphone at susi sa mesa at akmang aalis ng bahay.
“Hon, pano sila mama’t papa?! Di ko sila pwede iwan!”
“Isama natin sila, may bahay naman, magiging kumportable sila don.”
“Hon please, hindi ko naman pwedeng basta na lang talikuran ang tungkulin ko sa ospital.”
Nanghihina na ang boses ni Diane, pinipilit pa ring mangatwiran kahit sa tono ng mister ay alam na nyang hindi sya mananalo dito.
“DIANE! MAS MAY RESPONSIBILIDAD KA SA PAMILYA MO! Kung kinakailangang bitbitin kita, gagawin ko!” Di na nakapagtimpi si Dennis at nakapagtaas na ng boses sa asawa.
“Mag-empake ka na. Sasaglit lang ako sa shop para kausapin mga tao.” pagsasara ni Dennis sa kanilang usapan. Nagsuot sya ng mask at tuluyan nang umalis.
Hindi na napigilan ni Diane maiyak. Wala na syang nagawa at napaupo na lang sa sofa.
“Miii…” bati ni JR sa kanya at umakap ito sa kanyang tuhod. Binuhat nya ang anak at niyakap ito ng mahigpit.
————————-
Wala pa rin silang kibuan sa daan, tahimik na tahimik ang loob ng kanilang sasakyan. Tulog na si JR sa car seat nito, maging ang aso nila ay tahimik lang sa loob ng kennel, tila ramdam nito ang tension sa mga amo. Kapwa walang kibo ang mag-asawa at malalim ang iniisip.
Nakakunot ang noo ni Dennis, kahit gabi na ay mabagal ang usad nila. Build up ang mga sasakyan maging sa Skyway papasok ng SLEX dahil sa dami ng gusto makalabas ng Maynila.
Nakatingin lang sa labas ng bintana si Diane, di maiwasang mag-alala para sa iniwang tungkulin sa ospital. Mahal nya ang kanyang trabaho at propesyon ngunit sa ngayon ay di nya tiyak kung maipagpapatuloy pa ba nya ang kanyang career.
Nag-aalala din sya para sa mga naiwang magulang. Tumanggi ang mga ito na sumama sa Batangas ngunit sang-ayon din sila kay Dennis na mas makakabuti nga kung duon na muna sila manatiling mag-anak. Kasama naman nila sa bahay ang pinsang lalaki ni Diane kaya’t medyo nakampante na din sya.
Maging ang namagitan sa kanila ng kumpare kagabi ay kanina pa nya naiisip. Hanggang ngayon ay di pa rin nya alam kung bakit hinayaan nyang may mangyari pang muli sa kanila ni Greg. Ang alam lang nya ay kung may rason man para matuwa sya sa pananatili nilang mag-anak sa Batangas, yun ay dahil matagal-tagal nilang makakasama ang kumpare.
“Broooom!” sambit ni JR habang nakatingin sa bintana at hawak ang kotse-kotsehan nito.
Nagising na pala ang anak, nakatingin ito sa labas at pinagmamasdan ang iba’t ibang sasakyang nakakasabay nila. Nilingon ni Diane si JR sa likod at inabutan ito ng biskwit.
“Yes sweetheart, we’re going on a trip.”
Habang nagmamaneho ay isa-isang inaalala ni Dennis kung may nakaligtaan ba syang gawin.
Pasahod ng mga tao… isecure ang shop… Check.
Isecure ang bahay… habilin sa village security… Check.
Contact caretaker… palinis ang bahay… Check.
Ngunit bukod sa essentials para sa isang buwan nilang bakasyon mag-anak habang may naka-community quarantine ang NCR ay mayroon pa syang isang bagay na naiisip. Kung ano kaya ang tinutukoy ni Pam na ibibigay nito sa kanya sa Batangas.
Nakakatuwang pagmasdan si JR na mahimbing na natutulog sa mismong kuna na ginamit ng kanyang daddy nung bata pa ito. May baby picture nga si Dennis na naka ganong pwesto rin na tiger knee position habang natutulog sa kunang iyon, like father, like son talaga. Kinunan ni Diane ng litrato ang anak at agad sinend sa mga lolo at lola nito sa Manila na siguradong mamimiss ang kanilang apo. Mahina ang signal sa lugar nila dahil medyo liblib kaya’t mabuti at pinalagyan iyon ng signal booster ni Dennis nung nakaraang taon.
Maghahating-gabi na sila dumating. Ang tipikal na mahigit dalawang oras na byahe lamang ay inabot ng siyam-siyam dahil sa dami ng nakasabay nilang naghahabol makalabas ng kamaynilaan. Matyaga silang inantay ng caretaker at ng misis nito. Mabuti at napalinisan ang bahay, lahat ng mga kurtina at kobre ay bagong laba at palit kaya’t maayos silang nakapagpahinga.
Mga huni ng ibon ang gumising sa kanila. Iba talaga ang simoy ng hangin sa probinsya, sariwa at presko. Bukod sa walang polusyon, hitik sa puno at halaman ang paligid. Hindi mo na kailangan magbukas pa ng aircon dahil sapat na ang hanging pumapasok sa malalaking capiz na bintana na pinapaikot ng mga ceiling fan upang magsilbing bentilasyon ng kabahayan.
Makailang beses na din silang nakapagbakasyon sa ancestral house nila Dennis ngunit ito na marahil ang magiging pinakamatagal. Dati ay mahaba na ang isang linggo kung makauwi sila tuwing Mahal na Araw o Undas. Dahil sa pumapasok si Diane, kadalasan ay ilang araw lang sila namamalagi doon. Bahay iyon ng lolo sa tuhod ni Dennis na dating mayor ng kanilang bayan, doon sya lumaki kasama ang dalawa nyang ate na may kanya-kanya na ring pamilya at bahay ngayon. Wala na ang kanilang mga magulang kaya’t nagsilbi na lamang iyong bakasyunan nila at ng mga umuuwing kamag-anak mula sa Maynila, o kaya ay venue ng mga reunion ng kanilang angkan.
Gawa sa bato ang ground floor kung saan naroon ang bodega, labahan, dirty kitchen at quarters ng kanilang katiwala kasama ang pamilya nito. May malapad na hagdanan patungo sa ikalawang palapag, ang main house. Yari iyon sa kahoy, may malalapad na wood panels sa sahig, mataas ang ceiling, at napapalibutan ng naglalakihang bintana paikot. Malalaki ang cut ng apat na kwarto at pawang antigo ang mga kagamitan at muwebles maging sa sala at komidor. Mula sa sala ay may malalaking pinto na nabubuksan upang kumonekta sa balkonahe.
“Tulungan ko na po kayo manang.” presinta ni Diane sa maybahay ng katiwala habang naghahalo ito ng sinangag.
“Ay hinde, ako na to! Minsan lang kayo mauwi kaya dapat nagrerelax kayo lalo’t busy kayo sa trabaho nyo sa Maynila eh.”
“Nako sanay naman ho kami sa gawain, kami-kami lang din naman kumikilos sa bahay.” sagot ni Diane habang naglalatag ng mga plato sa lamesa nang mapabaling sya sa may hagdanan.
“Nay eto na oh. Ay, good morning ate.” bati ng matangkad na binatang may dalang basket ng mga hinog na mangga habang paakyat ng hagdan.
“Ah Diane, tanda mo ba si Bong, bunso namin? Bihira nyo makita yan dati at dun sa kapatid ko nauuwi yan madalas eh.”
Inilapag ni Bong ang mga mangga sa lamesa saka binunot sa bulsa ang cellphone nito.
“Pag may ipapagawa kayo, utusan nyo lang yan. Kaso panay asa basketbolan yan! Kung andyan man, nakadukdok sa cellphone. Puro ML at sss kasi eh.” litanya ng ale.
“Nanay talaga oh.” napapahiyang sagot nito habang kakamot-kamot ng ulo.
“Hello Bong, binata ka na ah! Nako ganyan ata talaga mga kabataan ngayon manang, panay Youtube at t****k din.”
“Ang galing mo ate, alam na alam mo ah. Te, pwede ba tayong magselfie? Fe-flex ko lang sa group chat namin hehe”
“Ahh, o-oh sige.” Agad itong tumabi kay Diane na game namang ngumiti sa camera.
“Ayos, thank you ate! Sige andyan lang ako sa baba ha. Tawagin nyo lang ako pag may kailangan kayo.” at bumaba na ito habang nakayuko at abalang nagdudutdot sa cellphone.
Iyon na pala si Bong, ang binatilyong nakikita-kita nya doon nung magnobyo pa lang sila ni Dennis. Di nya agad nakilala, dati kasi ay payatot pa ito at halos kasing tangkad lang sya ni Pam. Ngunit ngayon ay tumangkad at mas lumaman na ang katawan, marahil dahil sa kalalaro ng basketball at pagtulong-tulong din sa farm ni Greg. Magkaklase sila ni Pam nung highschool though mas matanda ito ng isang taon kay Pam, nahinto kasi ito dati sa pag-aaral dahil sa kakapusan. Ngayon ay kumukuha daw ito ng short courses sa TESDA at nagbabalak na makapag-abroad.
Maya-maya ay dumating na si Dennis na pawisan mula sa pagja-jogging. Pagka-akyat ng hagdan ay nagkatinginan sila ni Diane bago sya pumasok ng kwarto ngunit di sya kumibo.
“Kain na.” tipid na anyaya ni Diane, agad na ibinalik ang tingin sa ginagawa at tuloy lang sa paghihiwa ng pisngi ng mangga. Halatang masama pa din ang loob sa mistulang pangingidnap ni Dennis sa kanya.
“Ligo lang ako.” matipid ding sagot ni Dennis.
Matapos makapaghain ay bumaba na si manang upang asikasuhin ang iba pa nyang gawain. Kahit anong paanyaya ng mag-asawa ay sanay na silang tinatanggihan saluhan ng mag-anak, masaya na ang mga itong pagsilbihan sila at asikasuhin tuwing nagbabakasyon doon.
Kahit dadalawa silang nag-almusal ay halos wala pa ding imikan sila Dennis at Diane. Kung may magtanong man na isa sa kanila ay maigsing sagot lang ang itutugon ng kabila, kay JR na lang itinuon ni Diane ang atensyon habang sinusubuan ito.
Nadinig nila ang malakas na tahol ng kanilang aso, galit na galit at tila gustong manlapa. Napalingon sila sa hagdan, maya-maya’y nasilayan nilang pumapanhik si Greg kasama ang mga anak nito. Nakabuntot sa kanila si Tata Kaloy, ang caretaker nila Dennis na nagtatrabaho din sa niyugan ni Greg, may bitbit na isang buwig ng bagong pitas na buko.
“Sabi ko na nga ba eh, basta tumahol ng ganon aso ko, ikaw nakita eh. Upo na kayo pre, saluhan nyo kami oh, madaming niluto si manang.”
“Sige lang pre, katatapos lang din namin. Nako-umayos-ayos yang aso mo pre, nasa teritoryo ko sya. Baka maging azucena yan, pulutan bagsak nyan dito hahaha!” kantyaw ni Greg habang nauupo sa kabilang side ni Dennis sa mesa at sa harapan ni Diane.
Napasulyap sya sa kumare, gayon din si Diane sa kanya. Kahit nangungusap ang palitan ng tingin ay pinipilit nilang kumilos ng normal sa harapan ni Dennis.
“Kape?” tanong ni Diane.
“Nagkape na ko mare eh, pero sige.”
Tumayo si Diane upang ipinagtimpla ang kumpare, dumukwang at ilapag sa harapan ni Greg ang puswelo habang hinahalo iyon ng kutsarita, saka muling naupo sa harapan nito. Di maiwasan ni Greg na tigasan agad kahit sa suot na V-neck shirt at maigsing shorts ni Diane dahil sadyang may hang-over pa din sya sa namagitan sa kanila nung nakaraang gabi.
“Bless po ninong… ninang…” bati ni Kyle nang lumapit kay Dennis at Diane upang magmano.
“Weh nakikininong, di ka naman inaanak.” pang-aasar ni Pam sa kapatid.
“Paki mo ba. Arte mo.”
“Panget.”
“Mas panget ka.”
“Oh tama na yan, mamaya pikunan na naman.” saway ni Greg sa dalawa.
“Haha eh pano Pa, pikon naman talaga yang si Kyle eh. Di gaya nitong si JR ang bait-bait, pogi pa. Di ba JR noh?” bati ni Pam sa kinakapatid, at kinuha nito ang mangkok mula kay Diane upang sya na ang magsubo dito.
Pagkatapos nilang mag-almusal tuloy lang ang kwentuhan nilang magkumpare sa dining habang nagmimismis si Diane, nasa may sala naman ang magkapatid habang nilalaro nila si JR. Kahit mabilisan lang ay nahuhuli ni Dennis ang mata ng kumpare sa sumusulyap ng tingin sa pwetan ni Diane habang nag-uurong ito sa lababo. Gaya nung nakaraang gabi, napapangisi at nakakaramdam ng libog na makitang pinagnanasaan pa rin ng kumpare ang kanyang misis.
“Pre sinusundan ata kayo ng corona ah, may cases na din daw dito.”
“Kaya nga pre, buti sa Batangas City pa lang, malayo-layo pa dito satin. Baka pag tumagal, pati dito mag lockdown na din eh.”
“Aba edi mas maganda, mas matagal kayong lalagi dito.”
Matapos makapagligpit ni Diane sa kusina ay nagpatulong si Dennis kay Greg magpanik ng kanilang mga gamit mula sa sasakyan. Nalimutan nyang iutos iyon kanina kay Kaloy, na nakaalis na upang pumasok sa trabaho sa plantasyon ni Greg.
Maging si Bong ay nagkusa ding tumulong. Matapos nyang maipanik ang isang kahon ng groceries sa kusina ay tumabi ito kay Pam sa sala.
“Uy Pamelawan, nakabakasyon ka din pala. Gumaganda ka ah, iba talaga pag sa Maynila nag-aaral eh noh, nagmumukhang tao hahaha”
Marahil ay namula ang kanyang mukha dahil dama ni Pam ang pag-init ng kanyang pisngi sa pambobola ng dating kaklase. Maging si Bong naman ay napansin nyang mas gumugwapo habang nagbibinata.
“Napaka mo noh? Kahapon pa ko nakauwi, nauna kami ni Papa. Hoy, ano yung pinost mo sa GC aber?”
“Alin? Ahh, yung picture namin ni Ate Diane? Baket, selos ka? Yiieee!” kantyaw ni Bong sabay sundot sa tagliran ni Pam.
“Haha ano ba! Duh, bat ako magseselos? Tsura mo. Papicture ka pang nalalaman kay ninang, masyado kang feeling close.” sagot ni Pam sabay pabirong irap sa kaklase.
“Sige na nga. Payag na ko, selfie din tayo. Yun lang pala gusto, nagmamaktol pa eh.”
“Haha Hoooy! Kapal mooo!”
Tuloy ang asaran at harutan ng dalawa sa sala habang sige ng pose, minsan ay phone ni Bong ang gagamitin, misan naman ay sa phone ni Pam sila magseselfie. May pagkakataong aksidenteng nasasagi ni Bong ang gilid ng s**o ng kaklase ngunit tila wala naman iyon kay Pam kahit nagkakakiskisan din ang kanilang mga hita sa paghaharutan. Tahimik lamang na nakamatyag sa kanila si Dennis.
“Bong, may mga ipapanik pa.” pasimpleng sita ni Dennis sa binata habang pababa sya ng hagdan.
“Opo kuya!”
“Oh dyan ka nga muna Ms. Selosa.” at iniwan na nito ang kaklase at dali-daling pumanaog.
Abala naman si Diane na nagsasabit ng mga hinanger na damit sa cabinet ng magulat sya sa boses ni Greg na nakapasok na pala sa loob ng kanilang kwarto hatak ang isa pang maleta.
“San lalagay to mare?” tanong ni Greg at ipinulupot nito ang isang braso sa bewang ni Diane at inilapat ang katawan sa likuran nito, pilit isinisiksik ang matigas na uten sa hiwa ng matambok na pwet ng kumare na nakabakat ang panty line sa suot na maigsing puting shorts.
“Ay pare ano ka ba, madatnan tayo ni Dennis!” bulong nito sabay hulagpos sa pagkakayapos ni Greg habang kabadong nakalingon sa pinto.
Napadukwang si Diane sa bintana upang silipin ang mister na nakita nyang abala pala sa mga binababang gamit sa sasakyan kasama si Bong, saka lang sya nakahinga ng maluwag.
“Kaw lang eh, masyado kang nerbyosa. Di ka pa pala-kape nyang lagay na yan?”
Numakaw ng halik sa pisngi ni Diane si Greg sabay tapik sa pwet ng kumare at lumabas na ito ng kwarto, nakangisi dahil ang kinaiinggitan nyang ginagawa ni Dennis kay Diane sa kanyang harapan ay nagagawa na din nya sa kumare.
Matapos maibaba ang lahat ng gamit ay nagpaalam na din ang mag-aama. Nag-aya si Greg sa kanilang bahay kinahapunan para sa konting salo-salo, nagpakatay daw sya ng baboy at kambing bilang pahabol na celebration ng kanyang birthday at pa-welcome home na din sa mag-anak ng kumpare.
Bago magtanghali ay nagdatingan naman ang mga ate ni Dennis kasama ang kani-kaniyang pamilya para sa isang pot luck lunch. Tuwang-tuwa ang mga pamangkin ni Dennis na makita ang kanilang bunsong pinsan na madalang nila makasama.
Hindi pa rin gaano nagkikibuan ang mag-asawa, mabuti na lamang at di iyon halata dahil kapwa din sila abala sa pakikipagkwentuhan sa mga bisita. May tampuhan man ay di nila iyon pinapahalata, ngunit di maiwasan ni Diane na mag-iba ang aura sa tuwing mababanggit ng mga hipag ang tungkol sa kanyang trabaho. Mabigat pa din ang loob sa pwersahang pagtalikod nya sa sinumpaang tungkulin.