Sa kilos ng dalawa ay di maipagkakaila ang pagkasabik sa isa’t isa, palibhasa’y halos tatlong buwan na mula ang huling panakaw na pagniniig noong kaarawan ni Dennis. Lumipas ang ilang linggo noon sa Batangas na nagkasya lamang sila sa makahulugang sulyapan sa pangambang baka sila’y natutunugan na. Ngunit sa halip na itigil na nang lubusan ang maling ugnayan ay nagpahupa lamang at laging nag-aabang pa din ng pagkakataon. Hanggang sa lumuwas na sa Maynila ang mag-anak sa pagkaka-lift ng ECQ, at di na mabilang ang mga linggong nagdaan mula nang huling nagkita ang dalawa. Bagaman may mga pagkakataon namang nakakapag-usap gamit ang teknolohiya, minsan pa ngang nakapagparaos ng init sa isang mapangahas na laro, hindi pa rin niyon matutumbasan ang sarap nang muling makapiling ang isa’t isa mata

