CHAPTER 63- Ano Dennis?

4166 Words

A-siete ng Nobyembre, Sabado. Mahigit isang linggo nang nananatili sa Batangas ang mag-anak para sa Undas. Sa panahong iyon ay inakala ni Diane na maaayos na nila ni Dennis ang problemang kapwa nila pilit iniiwasan. Na sa kanilang pagluwas pabalik ng Maynila ay magbabalik na rin sa wakas ang katiwasayan sa kanilang pagsasama. Ngunit nagkamali siya. At sa kanyang mga natuklasan kagabi, mukhang mas lalo pang magiging kumplikado ang mga bagay. “Kailan pa Hon?” sambit ni Diane nang may seryosong tono. Napakunot ang noo ni Dennis sa tanong na bumungad sa kanyang paggising. Pupungas-pungas itong napatabon ng braso pahalang sa kanyang noo upang salagin ang liwanag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Kinapa niya ang kanyang telepono sa side table upang tignan ang oras ngunit wala iyon doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD